Chapter 9

178 15 0
                                    

Ley POV




Grabe sobrang laki ng school na ito. Akala ko talaga hindi ako makakapasok sa school na ito kasi Grade 12 na ako. Akala ko hindi tatangapin yung pag transfer ko.




Asan na ba yung babaeng yun. Kailangan ko ang paliwanag niya. Ipaliwanag niya lahat kung bakit nang iwan siya ng walang paalam.




Napakasama talaga ng ugali ng babaeng yun. Psh. Sa pag hahanap ko ng Room ko nakarating din ako. Kaso walang ka tao tao. Recess pala. Asan kaya yung babaeng yun.




Nag tanong tanong ako kung nasaan ang canteen. Walang sumagot. Ang aarte ng mga estudyante dito.
Eh pare parehas lang naman tayong estudyante sa eskwelahang ito ang ipinag kaiba ko lang MAGANDA AKO.




Sa kakalibot libot ko natagpuan ko ang canteen. At nakita ko na siya. Mag handa ka saken Bitch. Lulumpuhin kita.




Tatawagin ko na sana siya kaya lang may demonyong nag tapon sa kanya ng spaghetti. At nag kunwaring hindi sinasadya. Pero siyempre di papadaig yung kaibigan ko.




May isa pa sanang mag kukunwaring natapon yung pagkain kaya lang naunahan na siya ni Seth. Imbis na kay Seth lumanding yung pag kain. Lumanding yun sa buhok pababa sa damit ng babaeng unang nag tapon ng pag kain kay Seth.




Bitch I told you. Yun lang yung gagawin mo Seth? Hala ambobo naman ng kaibigan ko. bobo amp. At nag kagulo gulo na nga sila. Syempre, anong kwenta ng ganda ko kung hindi ko irarampa. Hindi ako nag mamaganda, maganda talaga ako.




Lahat tayo may sariling ganda. Lahat tayo maganda. Kung hindi mo tanggap ang kagandahan ng iba. Takpan mo mata mo. Ikaw na mag adjust.




Pag katapos ng gulo. Hinanap ko si Seth. Asan na kaya yung babaeng yun. Ambobo amp hindi man lang ginalingan makipag away.




Saan kaya nag punta yun. Hays malapit na mag simula yung klase eh.. First day ko pa naman.




"Anong pumasok diyan sa maliit mong utak, bakit ka nag transfer dito?" Gulat akong napatingin sa biglang nag salita sa gilid ko. Nakita ko si Seth na nakahilig sa pader at naka Cross yung dalawang kamay siya. Kina cool mo yan gurl?




"Wala. trip ko lang. Hindi ko alam na dito ka din pala nag aaral. Nag kataon lang hahah." pag bibiro ko. "Psh" nasabi niya lang.




"Ano na hindi kaba mag papaliwanag? Bakit hindi ka nag paalam saken?" Paulit ulit kong tanong. "Andito ka nat lahat lahat mag tatanong kapa." Walang kwentang sagot niya.




"Anong room mo?" Pagi iiba niya ng usapan. "Building 12, room 9, 3rd floor.  Ikaw?" Sinagot lang ako ng  "Tara." yun lang.




"Wag mo na akong ihatid. Baka malate kapa. Nag punta na ako doon kanina kaya alam ko na papunta don." Sabi ko. Pero deadma ang ganda ko. Nauuna pa siyang mag lakad saken. Wala talagang kwentang kausap. Hmp.




Pag kadating namin sa room ko. Akala ko aalis na siya. Pero pumasok pa siya at umupo doon parte sa 2nd row sa likod. Ginagawa mo gurl? Hahaha. Papasok na sana ako ng pumasok din yung teacher.




"So, ikaw yung bago?  Ms. Tuan,  right?" Pag tatanong ng Teacher. "Yes po opo. Hihi" sagot ko nalang. "Introduce yourself." sabi niya. Uso pa ba mga ganon?




"Ahh. Hahaha. Hello, my name is Hailey Tuan, you can call me ganda, I mean Ley, for short. Hahaha." Pagpapakilala ko. "Psh" sus kahit nasa likod parte si Seth rinig ko pa din yung pa psh psh niya. Bitter amp. Hahaha.




INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now