Seth POV
"Anong sinabi non?" rinig kong tanong nila. Nag simula na kaming mag lakad ni Zayn palabas ng canteen. "Seth.." tawag ni Khen saken. "Oh?" tugon ko habang patuloy pa rin sa pag lakad.
"Pwede ba tayo mag usap?" tanong niya. "Nag uusap na tayo." sabi ko. "Yung tayong dalawa lang.." sabi niya. Ano na naman kayang kakornihan ang sasabihin or gagawin niya. Psh. Hindi na niya inantay sasabihin ko.
"Sandale lang Zayn ah." paalam niya kay Zayn. "Ano na na naman?" paninimula ko. "Bakit hindi mo inubos kinakain mo? hindi kaya nag sese-..." Wala na naman sense yung sinabi niya.
"Tigilan mo nga yang kahibangan mo." sabi ko. "Sa tingin mo nag seselos ako sainyong dalawa?" tanong ko. "H-hindi." tugon niya. "Yun naman pala. Mag sasaya pa nga ako kung kayong dalawa mag katuluyan." sabi ko. Aalis na sana ako ng mag salita uli siya.
"Bakit mo ba ako pinag tatabuyan sa iba?....." tanong niya. Dahil wala naman patutunguhan to. "e ikaw nga lang gusto ko." dugtong niya. "Tanggap ko naman na hindi mo ako gusto pero wag mo namang harap harapan akong ipag tabuyan sa iba." sabi niya pa. Pag kasabi niya non nag lakad na siya at sinalubong niya yung mga kaibigan namin.
"Ang tahimik mo ngayon Khen." sabi ni . Andito kami ngayon sa may bench nag papalipas ng oras. "Si Ley lang naman madaldal ah." sabi niya.
"Seth, samahan mo nga ako." biglang sabi ni Ley. "May kukunin lang ako sa locker." sabi niya pa. "Hindi kaba nakakalakad mag isa?" tanong ko. "Wag kana mag reklamo. Tara na." sabi niya. Sumusobra na tong mga to sa kaka'kaladkad saken ah. Gusto ata nila masaktan.
"Mag sabi ka nga ng totoo." panimula niya pag kadating namin sa may locker. "Totoong nanliligaw na sayo si Khen?..." tanong niya. "at pinayagan mo na---..." pinutol ko sasabihin niya.
"Hindi nga ganon yun. Narinig mo naman ata sinabi niya kanina eh. Ganon yung nangyari." paliwanag ko. Bat ba ako nag papaliwanag? psh.
"Ang hindi ko lang maintindihan, bakit?? bakit ganun kadali nalang na pabayaan mong manligaw si Khen?" sabi ni Ley. "Dumating nga non sila Sean, kaya wala na akong nasabi." sabi ko.
"E nong umaga? imposibleng ganon ganon nalang yun? Naalala mo yung mga nanligaw sayo sa dati nating school? Pinalampas mo ba? Diba hindi? ni hindi nga sila makalapit sayo eh." mahabang sabi niya. Ano bang gusto niyang iparating?
"Mag kaiba naman yun." sabi ko. "Hindi kaya gusto mo na si Khen?" namamanghang sabi niya. "Alam mo ba yang sinasabi mo Ley. Nakalimutan mo na ba mga pinag gagawa niya saken? Muntik na akong mapaalis dito dahil sa kanya." sabi ko sa kanya.
"No, hindi ko makita yan yung dahilan. Ganun din naman siya e, sa nangyari na yun parehas kayong may kasalanan, patas kayo ng ginawa." sabi ni Ley. "Wala akong makitang dahilan para magustuhan siya." sabi ko.
"Buksan mo kasi yung puso mo." sabi niya. "Ede namatay ako nyan." tugon ko. "Yan... dyan... dyan ka magaling." sabi niya at nag lakad na.
Malayo palang tanaw na namin sila. Nag uusap usap pa sila. Habang si Khen tahimik. Hanggang umakyat kami at nag simula ang klase tahimik lang siya. Dahil siguro sakin. Hindi ko naman alam na mababadtrip siya. Nag bibiro lang ako e.
"Yung assignment na pinagawa ko sainyo, I'll collect that at the end of our lesson, we don't have time para mag act pa kayo. Mag fo'focus nalang tayo sa lesson." rinig ko sabi niya.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Novela JuvenilI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.