Dara's POV
"Sino yang kasama mo?" Seryosong sabi ni Mommy. "Hello po, ako po si Dale." pag papakilala ni Dale. "Kaklase ko po siya Mommy at Daddy." sabi ni Dara.
"Anak siya nina Dana at Darryl Bastian." Sabi naman ni Tito Jion? Kaya pala pala familiar kasi si Tito Jion pala at Tita Roze.
"Kilala mo siya Jion?" Takang tanong ni Daddy. "Kaibigan siya ng anak namin since elementary." Paliwanag ni Tito.
"Sinong kaibigan?" bulong ko kay Dale. "Si Jiro." bulong niya din. Ah kaya pala kamukha.
"So pano mauna na kami." Paalam nila Tito at Tita samin. "Dale, umuwi kana din. Paniguradong hinahanap kana ng mga magulang mo." Sabi ni Tita kay Dale. Bago umalis.
"Ano palang ginagawa mo dito, Dara?" Seryosong sabi ni Mommy. "Ah. Galing po kaming game zone nila Tiff at Charm. Inantay ko lang po si Manong. Sinamahan niya po ako." paliwanag ko.
"Buti naman Dara may kaibigan ka na uling Lalake." Masayang sabi ni Daddy. "Pwede kanang umuwi iho kami na ang bahala kay Dara." Seryoso pa ding sabi ni Mommy.
Tinatakot niya si Dale sa pinapakita niya eh. Si mommy talaga hys.
"Una na po ako." Paalam niya kay Mommy at Daddy. "Mag ingat ka iho pauwi." Sabi ni Daddy bago umalis si Dale. "Una na ako Dara." Paalam niya din saken.
Khen's POV
Maaga akong nagising para malaman kung naka uwi na ba si Jazz. Pag kababa ko gising na si manang.
"Manang si Jazz po?" salubong ko sa kanya. "Ka' aakayat lang iho. Pag pasensyahan mo nalang si Jazz." sabi ni Manang. Wala naman ako magagawa kundi ang intindihin siya.
"Nakakainis na kasi Manang hindi na natuto yang si Jazz. Palala ng palala na po." pag susumbong ko sa kanya. "Hayaan mo na iho. Hindi niya pa kasi na nakakalimutan yung mga nangyari." tugon ni Manang.
Ako din manang hindi ko pa din makalimutan. Tinatago ko nalang kasi wala silang masasandalan kong hindi ako lang.
"Maupo kana doon iho. Tawagin ko lang si Jared at Jade. Pababa na din yun si Jazz." sabi niya.
Walang bago. Umalis agad si Jazz. Hindi pa din kami makumpleto pag kakain. Makukumpleto pero aalis agad. Mawawalan ng gana. Nakakasawa naman ang ganitong routine haha.
Nag lalakad na ako sa campus nang makita ko yung babae na yun. Napapalibutan ng mga babae. Ano na naman kayang gulo yung pinasok niya.
"Pag ako hindi nakapag pigil, masasaktan ka talaga." pananalita palang akala mo napatay ng tao."Aray nasasaktan ako. Ano ba?" si Nicole?
"Ano sa tingin mo ginagawa mo??" Pag sisingit ko sa away nila. "Khen? Itong babae kasing to ayaw pakawalan braso ko. Tulungan mo ko khen." pag susumbong ni Nicole.
Pabatong pinakawalan niya naman yun.
"Napakasama talaga nang ugali ng babaeng yun. Ang sakit sakit. Namaga pa tuloy." Inis na sabi ni nicole.
Mag lalakad na sana ako ng biglang may tumawag. Si Jiro?
"Uyy bro." salubong niya saken. "Oh?" salubong ko din sabi sa kanya.
"Anong meron bro? Bat andaming babae kanina dito? Wag mong sabihing babaero kana ngayon haha." sabi niya. Siraulong to.
"Mukha ba akong babaero?" tanong ko sa kanya.
"Joke lang bro haha. Hindi kana mabiro." mukha ba akong nakiki pag biruan?

YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Teen FictionI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.