Seth's POV
Badtrip. Sunod sunod na kamalasan ngayon araw. Kasalanan to nong lalaking yun. Kung sana tumitingin sya sa dinadaan nya kanina. Hindi kami mag kakabunguan. Ede sana di ako hahabulin ng mga fangirls nya. Psh.
*Flashback
Pag kalabas ko ng canteen hinanap ko yung CR. Sa kasamaang palad diko nahanap. Nag tanong tanong ako. Walang sumagot saken. Psh.
"Yung Cr nasa kantong yun." turo ng isang babae. Sabay alis.
Pag kalabas ko ng Cr. Andaming tao sa labas. Nag hihirap na ba ang Eskwelahang to at ito lang yung Cr dito. Paalis na sana ako. Kaya lang.
"Hoy ikaw! Sino nag sabi na pwede ka ng umalis?" Ako ba? Turo ko sa sarili ko."Oo ikaw." dagdag nya pa
"Dito ka muna" sabi naman ng isang babae. "Kailangan mo pagbayaraan ang ginawa mo." sabi naman ng isang pang babae. Nangutang ba ako?
"Inaano ko kayo?" Psh. Mga walang magawa sa buhay. "Hindi kami kundi si Khen." singit nong pinaka leader ata nila.
"Pwede ba may klase ako." Aalis na sana ako kaso andaming humarang sa dadaaan ko. "Kailangan mo mag sorry sa ginawa mo kay Khen." sabi ng Leader nila.
"Pwede ba wala akong kilalang Khen." ano naman gagawin ko sa Khen nila. Psh. "Yung binastos mo kanina sa canteen. Si Khen yun." Sagot ng alalay nitong leader kuno.
Psh. Yung mayabang.
"Tabi"" sabi ko.
"Kunyare ka pang hindi mo alam. Gusto mo lang mag papansin. May pabunggo bunggo ka pa sa kanya." Wala akong oras sa mga ganitong utak bata ang isip.
"Mag sorry ka sa kanya." pamimilit niya pa. "Bakit ko naman gagawin yun?" tanong ko.
"Dahil sinabi ko. Mag sorry ka sa kanya. Napaka papansin mo. Landi landi mo. Bago ka lang dito ilugar mo sarili mo. " sabi pa ng Leader nila.
"Tapos kana? Pwede na ako umalis?" pag ako na late, babalikan kita. "Hindi ka makaka alis dito hanggat hindi ka hihingi ng tawad sa kanya." tanga naman pala ng mga tao dito.
"Tabi." pag ako hindi nakapag timpi masasaktan talaga siya.
"Hindi pa tayo tapos." sasapakin na niya sana ako kaya lang nasagang ko. "Wag mokong kakalabanin" sabi ko sa kanya.
"Bakit sino kaba? Hindi mo ata ako kilala." ngingisi ngising sabi niya. "Wala akong panahon para kilalanin ka." sabi ko na kinainis niya sabay bato sa kamay nyang nasagang ko.
"Aray." Pag papabebe niya.
"Anong kaguluhan to?"
Psh.
"Mr. Principal ikaw ho pala. Magandang umaga po.... Hihi. Wala to sir." ang kaninang tatapang tapang na babae umamo.
"Mag si' pasok na kayo sa kanya kanya niyong classroom. Kanina pa nag sisimula ang klase.." sabi niya. Dali dali naman nag si kilos sila.
"Opo Mrrrr. Principal." Sabay sabay na sabi ng mga babae. "May araw ka din samin. Di pa kami tapos." Bulong nong leader. "Pake hanap ng pake ko." tugon ko.
Nag si' alisan na sila. Ako nalang natira. Aalis na sana ako kaya lang.....
"Don't cau----." hindi ko na siya pinatapos inunahan ko na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/194547653-288-k446323.jpg)
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Novela JuvenilI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.