Chapter 48

123 9 0
                                        

Ley POV

"Princess...." tawag ng babae at lumapit kay Seth. "Pag pasensyahan mo na, bago lang kasi siya dito." sabi nong Manang Rose. Lahat talaga ng nakakakilala sa kanya dito Princess tawag sa kanya. Ang baboy naman kung Princess mukha kasi siyang Prince e.

"Hindi ka nag sabi na darating ka pala. Hindi kami nakapag handa.... Pasok kayo." sabi niya. "Si Ley ho nga pala.." sabi niya. "Grabe, diko akalain na hanggang ngayon mag kaibigan pa din kayo." sabi ni Manang Rose.

Kilala niya ako? Pag kaupo namin umalis naman agad yung Manang Rose para bigyan kami ng maiinom.

"Akala ko ba next time mo pa ako dadalhin dito?" Tanong ko. "Rest house namin to." sabi ni Seth. "Akala ko pa naman mismong bahay niyo na to." bulong ko. Ayoko na talaga umaasa sa kanya. Pero diko akalain na may pa ganto sila.

"Bakit naka uniform pa kayo? Nag cut kayo noh?" sabi ni Manang. Napayoko naman ako. "Umakyat na kayo ng makapag bihis na kayo." sabi ni Manang. "Sege po. Salamat po." sabi ko.

Nag paalam naman siyang may kukunin siya. Umakyat naman kami sa taas. May sarili pala silang kwarto dito. Pag kaakyat namin may apat na room at may dalawang terrace sa harap at likuran.

Tinungo naman namin yung isa sa pinaka last na room. Naka sara yung terrace doon. Hindi nakikita yung nasa labas non pero yung dingding niya ay full na glass. Pag kapasok namin. Kita kong nagulat siya. Dumating naman si Manang.

"Nakalimutan ko palang sabihin na iba na yung design nito. Dalaga kana kasi." sabi ni Manang. Hindi naman  naka kibo si Seth. Binuksan naman ni Manang yung cabinet.

"Sege na mag bihis na kayo. Maiwan ko muna kayo dyan." hindi na niya kami inantay pa mag salita lumabas na siya. Lumapit naman ako doon sa cabinet.

"Ano to?.. bat may mga number?" tanong ko. "Ilang taon ka ng nagkaroon kayo nitong rest house?" tanong ko. "3." maikling tugon niya habang nakahiga siya doon sa kama.

Tiningnan ko naman kada line na naka hanger.Mula 3-18 na number. Habang lumalaki yung number lumalaki din yung size ng mga damit. Lahat ng nakalagay don may number.

"Tingnan mo yung damitan mo. Mula 3 may mga damit ka hanggang 18." sabi ko. Napaupo naman siya. "Pumili kana dyan ng kasya sayo." sabi niya. Panira naman eh. Pumili naman agad siya at inunahan na ako mag bihis.

"Matutulog ako, kung gusto mong bumaba pag katapos mo mag bihis, bumaba ka nalang. May paa ka naman." sabi niya. Hindi na niya ako inantay pa mag salita, humiga na siya. "Nyenye." tugon ko bago pumasok sa cr.

Pag kalabas ko, tulog na si Seth, kaya humiga nalang din ako sa tabi niya. Hindi ko namalayang nakatulog na din pala ako.

Nagising akong wala sa tabi si Seth. Hindi kaya iniwan na niya ako dito? Ang sama sama niya talaga kung ganon. Mabilis naman  akong bumaba. Naabutan kong nag uusap si Manang at Seth.

"Pwede ho bang mag mo nalang ho ibanggit sa kanila na pumunta ako dito." sabi ni Seth. Wag ibanggit kanino? Mag sasalita na sana si Manang ng makita niya ako. "Tara na iha. Kakain na." aya ni Manang. "Kayo ho?" tanong ni Seth. "Sabay sabay na ho tayo." sabi ni Seth.

Wala naman nagawa sila. Nang mag tipon tipon sila. Bali si Manang at may lima pa. Naunang natapos si Seth. Ang konti ng kinain niya. Mabilis naman kaming natapos kumain.

"Puntahan mo na si Seth doon, may pupuntahan kayo." sabi ni Manang. "Talaga ho?" excited na tanong ko. Tumango naman ito.

Dali dali ko naman pinuntahan si Seth. Andon siya sa may pinaka likuran na part ng bahay. May sofa ulit doon at yung dingding niya glass. Bigla naman may inapakan siyang switch at biglang nakita yung magandang view ng dagat.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now