Ley POV
Hindi ko na napigil ang sarili ko sa sobrang inis. Wala naman na kumibo sa amin hanggang matapos kaming mag meryenda.
Minabuti naming wag nalang mag tanong pa kila Seth, hinayaan nalang namin, kasi bonding to ng pamilya nila eh, ang tagal nilang hindi nag kakasama.
Nag usap usap lang kami doon ng kung ano ano sa tabing dagat.
"Hindi pa kayo uuwi?" biglang singit ni Seth. "Sino nag sabing uuwi kami?" sabi naman ni Ley.
"Napag desisyunan naming dito nalang mag palipas ng gabi. Alam na nila Tita at Tito yun." sabi naman ni Tiff.
Nag katinginan lang si Zayn at Seth. Wala naman na silang magagawa pa, buo na desisyun namin.
Ito na din siguro ang tamang araw para din umamin kay Zayn. Habang lumalalim yung gabi, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko na nga din namalayan na tapos na pala kaming mag dinner.
"Ang lalim ata ng iniisip mo." biglang sabi ng nasa gilid ko. Si Khen. Andito kami ngayon sa tabing dagat. "Napag desisyunan kong umamin kay Zayn ngayong gabi." sabi ko.
"Goodluck, wag kang iiyak pag na basted ka ah. haha." sabi niya. Sama ng ugali, parang hindi pinsan.
"Manahimik ka nalang, mas lalo akong kinakabahan sayo eh." sabi ko. Siniko niya ako at tinuro kung sino yung paparating samin. Si Zayn.
"Cr muna ako." paalam ni Khen ng dumating si Zayn.
"Ok ka lang?" tanong niya pag kaupo niya. Tumango naman ako.
Bakit bigla akong nawalan ng lakas ng loob.
"Gusto kita, Ley." bigla akong napaharap kay Zayn ng sabihin niya yun. Gusto niya din ako? Lumakas bigla tibok ng puso ko. Mag sasalita na sana ako ng pigilan niya ako.
"Gusto kita, pero..." tumigil siya at humarap na din sa akin. Gusto niya ako pero ano?
"Gusto kita pero hindi sapat yun. Ayokong masaktan ka sa huli. Kaya itong nararamdaman ko para sayo, hindi ko to ilalaban, kasi alam kong hindi ko to maipapanalo." sunod sunod na sabi niya.
Ano bang pinag sasabi niya?
"Hindi ba sapat yung gusto natin ang isat isa?" singit ko na din. Nabigla siya ng sabihin ko yun, pero umayos din siya.
"Hindi sapat yung gusto lang natin ang isat isa, kaya Ley, habang maaga pa, kalimutan na natin tong nararamdaman natin para sa isat isa." sabi niya pa.
"Akala mo siguro madaling kalimutan. Ang daming dahilan para pigilan ko yung nararamdaman ko para sayo, sinubukan ko noong una kasi sabi ko, gusto kong mag paraya para kay Seth, gusto ko siyang maging masaya, pero mas lalo lang kitang nagustuhan. Ganon ko kayo ka gusto ni Seth para baliwalain ang nararamdaman kong to." mahabang sabi ko.
"Gusto naman natin ang isat isa, bakit hindi pwedeng maging tayo." tanong ko sa kanya.
"Gusto kita, kaya ayaw kitang masaktan." sabi niya.
"Ngayon palang sinasaktan mo na ako Zayn." sabi ko sa kaniya. Napayoko siya.
"Bakit ba iniisip mo yung huli? bakit ba pinapangunahan mo?" dagdag ko pa. "Ang sama ng panahon sa atin Ley, hindi to yung oras para sa atin." sabi niya.
"Kung mag tagpo man ang landas natin next life, ipag lalaban na kita Ley. Kung hindi man mag tagpo landas natin, hahanapin kita at hindi kita papakawalan katulad ngayon." sabi niya. Bigla siyang umiwas ng tingin. Tumulo nalang yung luha ko.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.
