Khen POV
"Tingnan ko muna sila Shin sa room." paalam ni Zayn sabay bumaba.
"Bakit di mo sinabing sinabi mo pala kay Zayn?" tanong ko kay Seth. "Wala lang." sabi niya. Nag silapitan naman mga kaibigan namin samin.
"Malapit na ba tayo Seth." tanong nila. Tinanguan naman sila ni Seth. Hindi din naman nag tagal nakarating na kami doon.
Sinalubong naman kami ng mga magulang namin.
"Kumusta tulog mo Khen?" tanong ng mama ni Seth. Bigla akong napayoko sa hiya. "Napasarap po tulog ko Tita." nahihiyang sabi ko. Tinawanan nalang ako ni Tita.
Makalipas ang ilang minuto, napag desisyunan nilang maligo na. Si Seth naman kasama si Shin at Sean. Mula ng dumating kami dito hindi ko na siya maka usap at makasama.
"Khen, tara na dito." aya ng mga kaibigan ko. "Mamaya na, antayin ko muna si Seth." tugon ko sa kanila.
Minabuti kong pumasok muna sa bahay. Nag stay ako doon sa may terrace ng bahay may upuan doon na pwedeng higaan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng maramdaman kong may nakatitig sakin. Napabangon ako ng makitang si Seth yon. 1 hour na pala akong natutulog doon.
"Kanina kapa ba?" tanong ko. "Kadadating ko lang." sabi niya.
"Andon sila naliligo habang ikaw dito natutulog." sabi ni Seth. "Eh wala ka naman doon eh." sabi ko. "Bumaba kana doon at pumunta sa kanila, mag bibihis muna akong pang ligo." sabi niya.
Pag kalabas ko madadaanan ko yung inuupuan ng mga magulang namin. Sinalubong naman ako ni Mom at Dad.
"Khen, anak, kagigising mo lang?" tanong ni Mom. "Ibig sabihin more than 1 hour mong pinag antay si Seth?" sabi ni Dad.
"Sabi niya Dad kadadating niya lang eh." sabi ko. "Naniwala ka naman. Pag akyat mo, sinundan ka ni Seth." sabi ni Mom. "Nakuu." dagdag pa ni Mom.
Nag lakad naman kami patungo doon sa kinaroroonan ng mga magulang namin.
"Asan si Princess?" tanong ni Tita. "Mag bibihis lang daw po muna siya Tita." tugon ko. Hindi pa man kami nakakasalita uli ng dumating si Seth.
Naka short siya at naka sleeveless siya, naka tuck in yun sleeveless sa short niya. Nakasabit sa leeg niya yung suporta ng damit. Hindi ko alam pano e explain yun.
"Bat ganyan suot mo." salubong ko sa kanya ng makarating siya kinaroroonan namin. "Bakit?? hindi ba bagay? pangit ba?" sunod sunod na tanong niya. Napatawa nalang mga magulang namin.
"Napakaganda mo." sabi ni Mom kay Seth. Sumang ayon naman mga magulang namin doon.
"Oo, hindi. Hindi bagay.." tugon ko. "Ano kaba Khen, bulag kaba?" sabi ni Mom.
Bagay naman talaga sa kanya. Napakaganda nga niya. Kaso ang daming naka tingin sa kanya.
"Mag papalit nalang ako." sabi ni Seth. Nawala bigla yung tuwa sa mukha niya. Mag lalakad na sana siya ng pigilan ko siya.
Hinubad ko damit ko at sinuot ko yun sa kanya. Buti nalang may sando ako. Malaki yung damit ko kaya mukhang dress na sa kanya.
"Yan." sabi ko. Napatawa nalang yung mga magulang namin doon pati mga magulang ng kaibigan namin.
Lumapit kami sa kaibigan namin na naliligo doon at nakatingin sa amin.
"Ang hilig mo talagang mag eskandalo Khen noh?" salubong ni Ley. Hindi ko alam na nakita pala nila yung ginawa ko doon.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Novela JuvenilI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.
