Chapter 43

128 10 0
                                        

Khen POV

"Princess!" Napalingon naman ako ng may tumawag kay Seth. Mama ni Zayn.

"Sabi ko naman sayo Princess, lumayo ka sa gulo, ang dami ng nadadamay dyan sa katigasan ng ulo mo." sabi ni Tita. "Muntik na kayong mapahamak ni Zayn, alam mo ba yun? Dinamay mo pa pati si Zayn." dagdag niya pa.

"Excuse me po, pero wala pong kasalan si Seth po dito. Hindi na po siya pumapasok sa gulo." singit ko. Mag sasalita pa sana siya ng dumating si Tito.

"Oh, Princess.... hindi na kami mag tatagal may pupuntahan pa kami...." sabi ni Tito. Tinanguan niya lang ako. Nag mamadali naman silang umalis.

"Alam mo, ang lakas mong mag salita kanina. Tapos wala kang masabi sa magulang mo nong ginanon ka." ngingisi ngising sabi ni Seth. Langyang babae to. "Sabi mo diba na okay lang hindi maging okay sa isang araw?  pano naman kung araw araw?" tanong ko. Natahimik bigla si Seth.

"Siguro naman matatapos din natin to, kung ano mang pinag dadaanan mo. Hindi naman habang buhay puro nalang sakit." sabi niya. "Sana." tugon ko.

"Bakit pala ayaw na ayaw ka ng magulang ni Zayn?" tanong ko. "Hindi ba sila  payag sainyong dalawa ni Zayn?" tanong ko pa. "Ang dami mong tanong noh?". tugon niya.

Tinatanong tapos sasagutin ng tanong. hys. Bumalik naman na kami sa room dahil malapit na mag 2nd subject.

"Waw parang di dati nag away ah." biro ni Ley pag kadating na pag kadating namin. "Ang tagal niyo naman ata." tanong ni Zayn. "Pinakain pa kasi ako ni Seth." pag iingit ko sa kanila. "Naks naman teh, pumuporma? haha." biro pa ni Ley.

"May pa 'Samahan na kita. Balak ko ding bumaba. Sabay na tayo.'  naku hahahaha." patuloy pa ding pag bibiro ni Ley. "Bakit masama bang samahan at pakainin ang future jowa ko?" tugon ni Seth.

Bigla naman napatigil sila at napatingin kay Seth. Bumilis na naman tibok ng puso ko. Ano bang pinag sasabi niya?

"Biro lang." biglang bawi ni Seth nang mapansin niyang nakatingin kami sa kanya. "Napakapangit ng mga biro mo kahit kailan." sabi ko at naupo na sa upuan ko. Kahit kailan wala talagang kwenta ang lumalabas sa bibig niya.

"Pag yan nag katotoo, ewan ko nalang sayo Seth haha" sabi ni Tiff. "Anong itsura yan Khen? Dissapointed? Haha sabi ko kasi sayo wag kang umasa haha." tatawa tawang sabi ni Ley.

Mabuti nalang dumating na si Miss.
Nag siupuan naman sila. Mabilis naman nag simula ang klase.

"So, bubunot kayo dito sa box na to. Kung anong mabunot niyo. Yun yung magiging topic niyo. Gagawa kayo ng scenario. Para magawa niyo ng maayos kayo na pipili ng grupo niyo. Total naman 30 kayong lahat, sa kada isang grupo sampu. Bibigyan ko kayo ng isang minuto para bumuo ng grupo." mahabang paliwanag niya.

"Sakto sampu tayo." sabi ni Ley. Sumang ayon naman kami doon. "Kung nakabuo na ng grupo. Pumunta na sa harap ang bubunot. Pag katapos niyong makabunot pwede na kayo mag simulang gumawa." sabi ni Miss. "Ikaw na Ley." sabi ko sa kanya.

Dahil sa kakaisip ko ng sinabi ni Seth kanina diko namalayang tapos na pala ang klase.

"Saan tayo? total naman wala tayong last subject ngayon. Pwede nating kunin ang oras na yun para maka gawa." paliwanag ko sa kanila. Nag katinginan sila sabay bumaling saken. Binigyan ko naman sila ng bakit na tanong. "Tara sainyo." sabay sabay na sabi nila maliban kay Seth.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now