Khen POV
Nandito na kami ngayon sa canteen. Lunch na. Mag sisimula palang sana kami kumain ng may mag salita sa likod namin. Yung Pain. Andito na nga si Zayn dadagdagan pa ni Pain.
"Pwede po tabi kami?" sabi niya saken. Katabi ko kasi si Seth tapos sa kabila naman ni Seth andon nakaupo si Zayn. Kung ako lang masusunod hindi ako aalis.
Lumipat naman ako doon sa kabilang side. Baka din kasi makahalata sila pag hindi ako lumipat. Umupo ako doon sa harap ni Seth, yun nalang kasi yung walang nakaupo. Ang daming pwedeng maupuan doon pa talaga yung walang naka upo.
"Ito gusto mo nito diba??" sabi ng Pain. Tumango naman si Seth. Nilagay naman yun ni Pain sa Plato ni Seth. "Ang haba naman ng buhok ng kaibigan natin." biro ni Ley. "Hala!! halaaa sorry naapakan ko ata." dagdag pa na sabi ni Jiro.
Nag tawanan naman sila. "Yung Pain mo ba ay P - A - I - N?" pag iiba ni Dara. "P - A - I - N - E. po." sabi niya. ganon ba yun? kala ko PAIN. "Pwede naman ho Sean nalang itawag niyo saken?" sabi niya. Sumang ayon naman sila.
Tinapos ko naman agad yung pag kain ko at nag paalam sa kanila mauna na. Ayoko sa nakikita ko. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko at mapa amin ako ng wala sa oras.
Pag kalabas ko ng canteen. Umupo lang ako doon sa bench na inupuan ko kanina.
"Hoy Khen!" napalingon naman ako doon sa tumawag. Si Jazz. "Hoy baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo ng isang taon." sabi ko sa kanya. Ang saya lang nabibiro na ulit namin ang isa't isa.
"Isang taon lang eh. Haha. Bakit mag isa ka?" tanong niya. "Hindi pa sila tapos kumain. Nauna na ako lumabas." sabi ko sa kanya. "Aba napakabastos naman kung ganon. Kailan kapa natuto mag ganyan? haha." natatawang sabi niya.
"Nag paalam ako ah. Tsaka ngayon ko lang to ginawa." paliwanag ko. "Para namang may iniwasan ka niyan." napalingon naman ako sa kanya. Kilala niya nga talaga ako. "Bakit natahimik ka? tama ako diba?" sabi niya pa. "Ok na tayo ngayon. Pwede kana ulit mag labas ng saloobin mo saakin Khen." sabi niya pa.
"Ang bastos mo. Sabing mas matanda ako sayo." pag iiba ko. "Ganito naman tayo mag usap ah pero wag mong ibahin yung pinag uusapan natin. Tinatanong kita." sabi niya.
"Tch." nasabi ko nalang. "Sino bang iniiwasan mo?" tanong niya pa. "Isa ba doon sa lima na babae na kasama nila Kuya Zayn ang iniiwasan mo?" gulat naman ako napatingin sa kanya at tiningnan ang tinatanaw niya.
Andon na sila sa bench, sa tambayan namin. Mag ka pantay lang tong inuupuan namin doon sa inuupuan nila Seth. Kaso malayo to sa kanila.
"Tama ako diba?" sabi niya pa ng hindi ako makapag salita. Tinanguan ko nalang siya. "Bakit mo iniiwasan?" tanong niya pa. "Gusto ko na siya Jazz." sabi ko sabay yumuko. "Seryoso??" ayaw pang maniwala eh. "Oo." sabi ko.
"Inaaway away ko lang siya, hindi ko alam na mag kakagusto ako sa kanya. haha" natatawang sabi ko sa kanya. "Yung Seth ba??" sabi niya. Bakit naman kilala niya.
"Kilala mo?" tanong ko. "Siya lang naman nakaaway mo sa limang babaeng kaibigan niyo ngayon. Tsaka kilala siya ng mga kaklase kong lalake eh. Sobrang cool niya kasi." paliwanag ni Jazz.
"Kaya kung ako sayo umamin kana, andaming nag kakagusto sa kanya, baka maunahan ka lang." dagdag niya pa. "Yun na nga ang problema, andaming nag kakagusto sa kanya. Kay Zayn palang talo na ako." sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Teen FictionI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.