Chapter 63

132 10 3
                                    

Khen POV

Hindi pa din mawala sa isip ko yung napakacute na itsura ni Seth na bagong gising haha. Sarap niyang pisilin at ibulsa.

Patungo na kami ngayon sa 2nd floor ng bahay nila. Nililibot kasi namin tong bahay nila.

Pumunta kaming mga lalaki sa kwarto ni Zayn habang yung mga babae nasa kwarto ni Seth. Ilang minutes lang lumabas na kami. Mag kaharap lang ang kwarto ni Zayn at Seth. Kumatok si Zayn sa kwarto ni Seth. Pinag buksan naman kami ni Ley.

Pag tingin ko sa buong kwarto ni Seth, sobrang linis. Naka ayos lahat. Hinanap ng mata ko si Seth, wala siya doon.

"Bumaba si Seth, mag aalmusal daw muna siya." sabi ni Ley. Minabuti naming sa baba nalang at mag laro ng video games.

"Kuya si Sean at Shin??" rinig kong tanong ni Seth, pag kababa namin ng hagdan. "Tulog pa." Sagot ni Kuya Zach.

Andon si Seth sa sofa, may hawak na libro. Hindi niya kami napansing bumaba na.

"Yan ba almusal mo?" sabi ni Zayn kay Seth. Naupo kami sa harap niya. Tiningnan niya lang kami at bumalik na sa pag babasa.

Nag lalaro na sila ng Video games, imbis na sila panuorin ko, hindi ko mapigil na mapatingin sa kanya.

Kahit sobrang ingay ng nilalaro nila Zayn, parang di niya naririnig. Seryoso pa din siya pag babasa. Maya maya lang lumabas si Kuya Zach sa kusina na may dalang tray.

"Mag almusal ka muna Princess." sabi ni Kuya Zach. Nilapag niya sa harap ni Seth yung dala niya. Bumalik siya sa kusina pag balik may dala na siyang para sa amin na inumin at binake niya atang cookies.

"Princess, mag almusal kana." sabi ni Kuya Zach. Hindi pa din nakikinig si Seth. Bigla naman kinuha ni Kuya Zach yung binabasa ni Seth.

"Sandali... ilang chapter nalang matatapos ko na yan." sabi niya. "Mag almusal ka muna." sabi ni Kuya Zach. Umalis si Kuya Zach dala dala yung libro.

"Psh." sabi niya.

Napansin niya atang may naka tingin sa kanya, umiwas ako ng tingin ng tumingin siya sa kinaroroonan ko.

"Ganito nalang ba tayo Khen?? hangang tinginan lang?" sabi niya sakin. Dahil malakas yung sa video game hindi narinig nila Zayn yun. Dahil mas malapit ako sa kanya konti narinig ko yun.

Nag simula na siyang mag almusal. Nahagip ng mata ko yung suot suot niyang singsing. Yung couple ring namin. Napatingin bigla ako sa kamay ko. Suot ko din pala, pinatong ko yung isang kamay ko para hindi makita.

"Nakita ko na yan." biglang sabi ni Seth. Pag tingin ko sa kanya, nakangisi siya habang busy sa pag almusal. Ako ba yung kausap niya??

Maya maya lang bumaba si Shin. Dumiritso siya sa tabi ni Seth. Nag kasalubong yung mata namin ni Shin. Bigla siyang tumayo at pumunta sa may hagdan. Akala ko aakyat siya pero hindi siya umakyat.

"Kuyaaaaaaa Seannnnn..." tawag niya. "Andito yung boyfriend ni Ate." dagdag niya pa. Napatawa nalang si Zayn. Dali dali naman bumaba ng hagdan, si Sean.

Naupo silang dalawa sa kabilaan ni Seth, habang naka tingin sakin. Halatang kagigising lang nila.

"Mag almusal na kayo doon." sabi ni Seth sa dalawa. "Dito kami mag aalmusal." sabi ni Sean. "Kuyaaaaa, dito kami mag aalmusal kasama si Ate." sabi ni Shin kay Kuya Zach.

Habang nag aalmusal ang dalawa, natingin pa din sila sakin.

"Tigilan niyo Kuya Khen niyo." sabi ni Kuya Zach ng mapadaan samin. Napatawa nalang kami ni Kuya Zach.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now