Khen's POV
Palabas na ako ng may kumatok. Si Manang.
"Nakaready na sa baba. Mag aalmusal na." sabi ni Manang.
Pag kababa ko andon na sila.
"Good morning Kuya." sabay na sabi ng dalawa kong kapated.
"Hahatid mo pa din naman kami diba kuya?" Tanong ni Jade. Babae siya. "Yep. Kain na kayo." tugon ko. "Jazz, sabay ka na samin papuntang school." dagdag ko pang sabi.
"Hindi na. Kaya ko namamg pumasok mag isa." sabi niya.
"Total naman parehas naman tayong pinapasukan school. Sabay sabay na tayo." Pamimilit ko pa din. "Ang sabi ko hindi na. Bat ba ang kulit mo?" Inis na sabi ni Jazz. Ok nice try Khen.
"Ate, bat ka po nagagalit?" Tanong ni Jared. Lalaki siya. "Oo nga po ate." singit naman ni Jade.
"Hindi naman ako galit ah. Goodluck sa First day Jade at Jared. Sege na, una na ako." Pag ka sabi niya non umalis na siya.
Sanay na ako, kami ata. Ganyan palagi nangyayare samin dito.
"Jade, Jared, antayin ko kayo sa sasakyan. Manang paki ready nalang yung mga gamit nila at baunan." hindi na ako nag antay pa ng itutugon niya. Lumabas na ako.
Pag kalabas na pag kalabas ko may biglang tumawag.
"Bro, asan kana?" tanong niya. "Papunta na sa school." tugon ko. "Ge.. Papunta na din ako. Haha skl... magkita kita nalang tayo mamaya. Bye na nga. Hahaha" sabi niya.
"Tara na kuya." aya ni Jade.
Mabilis naman agad kami nakarating ng School.
"Ok na kami dito kuya. Umalis kana po. Baka malate ka pa po." Sabi ni Jade. "Oo nga po kuya, malaki na po kami." sabi naman ni Jared.
Swerte ako sa part na hindi nila ako pinapahirapan, kahit naman wala akong pake kahit pahirapan nila ako. Ang bata pa naman nila. Kahit ang bata pa nila naiintindihan na nila yung sitwasyon. Ayoko ng ganon.
"Tawag lang kayo saken pag may kailangan kayo." sabi ko sa dalawa.
"Opo kuya." sabay na sabi ng dalawa.
"Pasok na kayo." Pag ka pasok ng dalawa. Umalis na din ako. Habang nag lalakad ako sa campus. May tumawag saken."Kuya Khen, si Jazz po nakikipag away. Ayaw po masuway eh." sabi ni Sunny. Kaibigan ni Jazz.
First day ng klase. Nakikipag away? Hays. Dali dali kaming pumunta sa kinaroroonan ni Jazz. Nakita namin si Jazz na hawak hawak ang buhok ng kaaway nya.
"Sa susunod kilalanin mo kinakalaban mo huh??" sabi ni Jazz habang hawak hawak pa din sa buhok yong babae.
"JAZZ. Ano ba. Tama na yan." kawawang tingnan yung babaeng inaway ni Jazz. "Wag ka makikialam dito." Sagot niya saken.
"Tigilan mo na yan." Sabay pag tanggal ko ng kamay nya sa buhok ng babae. "Bakit ba lagi kang nakikialam huh? Pwede ba umalis kana." Sa tuno ng pananalita niya. Mararamdaman mong naiinis na siya.
"Ano na naman ba ginawa mo ngayon huh? Hindi mo talaga papalampasin ang araw na toh na wala kang ginagawang gulo. Pwede ba Jazz tama na." sabi ko sa kanya. "Yan! Dyan ka magaling. Sa paghuhusga." Nakikita ko sa mata niya na disappoint siya sa sinabi ko.
"Bakit? Wala namang ibang unang mang gugulo kung hindi ikaw. Diba?" alam kung siya lagi nag sisimula.
"Isipin mo na kung ano gusto mong isipin. Wala akong pake" sagot niya. Sabay baling sa babaeng kaaway niya.

YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Novela JuvenilI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.