Chapter 62

113 10 0
                                    

Ley POV

Hanggang ngayon iniisip ko pa din, paniguradong hindi lang ako, pati din mga kaibigan ko, lalo na si Khen. Kung bakit sila umalis?

Pero pag naiisip namin yung mga nangyari sa pamilya nila, napapatahimik nalang kami.

Siguro nga kailangan nilang bumawi sa isat isa. Pero bakit ganon? bakit kailangan umalis ng walang paalam. Bakit sa malayo?

Nag lalakad na kami ngayon papuntang bench ng may matanaw kaming pamilyar na tao. Nag katinginan kaming mag kakaibigan.

Totoo ba tong nakikita namin?

"Tita??" nasabi namin. "Tita..." tawag ko at mabilis na sinalubong si Tita. Mama nila Seth.

"Totoo ka po ba Tita?" sabi ni Dara. Siraulo. Tinawanan naman siya ni Tita. Binati namin siya. Andito naba talaga sila?

"Kailan pa po kayo nakauwi Tita?" tanong ni Charm. "Kani kanina lang." tugon niya.

"Ano po palang ginagawa mo po dito Tita?" tanong ni Dylan. "Hinatid ko lang sila. Hindi pa ba kayo nag kikita kita?" sabi ni Tita. Sila? bakit umaasa na naman ako.

Nakita ni Titang parang may gusto kaming tanungin. Kaya nag salita siya uli.

"Si Princess at Prince nasa room niyo ata. Hindi na ako mag tatagal. Mag kikita kita pa naman tayo. May aasikasuhin pa ako, maiwan ko na kayo." sabi ni Tita. Pakapaalam namin kay Tita nag katinginan kami.

"Totoo ba to?" sabi ko. Nang matauhan kami dali dali kaming umakyat ng building.

"Wag tayo mag papahalata. Pag pasok natin doon, wag niyong ipakitang masaya kayong nakita sila." paliwanag ko. Sumang ayon naman sila doon.

Habang papalapit kami sa room namin, lalo akong kinakabahan.

Dahil lunch, walang katao tao sa may hall way. Pag kapasok na pag kapasok naming room akala ko susunod sila sa plano kaso hindi. Kahit ako.

"Sethhhhhh, Zaynnnnn." sigaw namin. Yung Plano namin na wala sa isip namin. Napatingin ako kay Zayn, hindi nag bago, siya pa rin talaga.

"Asan si Khen?" tanong ni Zayn. Hindi pa man kami nakakasagot ng bumukas yung pinto. Niluwa noon si Khen.

"Akala ko ba tatambay tayo sa bench. Binalikan ko kayo sa canteen wala kayo doon." sabi niya. Oo nga pala nauna siyang umalis. Kasi mag c'cr siya at mag kikita kita nalang kami sa bench. Nawala sa isip namin yun.

Hindi niya pa ata nahahalatang andon si Zayn at Seth. Nakaupo kasi yung dalawa at napapalibutan namin, nakaupo yung iba sa mesa kaya hindi niya napansin.

"Paupo upo lang kayo dito habang ako doon nag aan-..." naputol ang sasabihin niya ng mahagip ng mata niya si Seth. Ano ka ngayon hahah.

Kita sa mukha nyang nagulat siya ng makita ang dalawa. Mabilis naman niya binawi ang gulat na yun.

"Khennnn." tawag ni Zayn at tumayo para puntahan si Khen. "Nadagdagan pagiging mainitin ng ulo mo? haha." biro ni Zayn.

Bigla naman sinuntok ni Khen si Zayn sa balikat.

"Aray hahaha... alam kong namiss mo kagwapuhan ko." sabi ni Zayn. Kahanginan kamo. "Pero alam kong mas miss mo kapated ko haha." biro pa ni Zayn.

"Di ka sure." sabi ni Khen. eh? haha.

Lagi ni Khen sinasabi na pano kung bumalik si Seth, lagi niyang sinasabi wala na siyang babalikan, ang totoo naman, lagi siyang may babalikan. Alam namin lahat yun.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now