Khen POV
"Ley!" tawag ni Seth kay Ley. "Kunan mo nga kaming mag kakapated." sabi ni Seth. Gulat man kami sa request ni Seth pero hindi na namin pinansin yun. Pag katapos nag salita ulit si Seth.
"Kuya kunan mo nga kaming sampu." sabi ni Seth sa Kuya niya. "Mauna na kayo mag pahinga Kuya." sabi ni Seth pag katapos kami kunan ni Kuya Zach.
"Sege Princess, sumunod nalang kayo..." sabu ni Kuya Zach. "Tara na Shin at Sean." aya ni Kuya Zach at nag lakad na sila papuntang bahay.
"Tumayo kayo diyan, kayong lima." sabi ni Seth saming mga lalaki. Tumayo naman kami at kinuhanan niya kami. Sunod kaming lahat na mag kakaibigan maliban sa kanya.
"Zayn, kunan mo kaming mga babae." sabi ni Seth kay Zayn. "Hindi ko alam na gusto mo na pala yung mga ganito Seth." sabi ni Ley.
"Well." sabi niya. Akala ko tapos na, akala namin tapos na.
"Zayn!" tawag ulit ni Seth kay Zayn. "Kunan mo nga kami ni Khen." sabi ni Seth. Gulat naman kami ng sabihin niya yun. Pag katapos namin magulat napangiti naman kami.
"Kilig kilig na naman tong si Khen." biro ni Ley. Tinawanan naman nila si Ley. Tumayo naman si Seth sa tabi ko.
"Mukha kayong robot haha." sabi ni Dale. Nag tawanan na naman sila. Hinawakan naman ni Seth kamay ko.
"Ang korni mo Princess ah." sabi ni Zayn. "Wala ka lang. Umamin kana kasi." sabi ni Seth. Napatahimik naman si Zayn. Anong aamin ba?
Inakbayan ko si Seth sa pangalawang kuha. Next hinawakan ko bewang niya. Mas kinikilig pa mga kaibigan namin kesa kay Seth eh.
Matapos namin doon bumalik na kami sa bahay. Nag papahinga na ang iba.
"Mag pahinga na din kayo." sabi ni Seth samin. Natira kami ni Seth doon. "Sama ako sayo Seth." sabi ko kay Seth.
"May aasikasuhin lang ako. Mag pahinga kana doon, para makapag empake na din kayo." sabi ni Seth.
Mangungulit pa sana ako kaya lang mukhang hindi siya sasang ayon kaya hinayaan ko lang.
Labag man sa loob, nag lakad na ako pa akyat. Tumigil ako ng maka hakbang na ako sa hagdan, andon pa siya. Nginitian niya ako bago siya lumabas ng bahay.
Pag kapasok ko ng kwarto namin nila Dale, nag papahinga na sila. Natulog nalang din ako. Nagising ako sa ingay nila.
"Walang may alam kahit isa sa inyo?" tanong ni Ley. Ano bang nangyayari?
"Bakit?" tanong ko pag kabangon ko. Sabay sabay naman silang humarap sakin.
Nag alangan pa silang mag salita. Nag titinginan sila, nag aantayan kung sino ba mag sasalita.
"Pag gising ko, nakita ko tong sobre na may lamang Picture ng mga nakunan mula pag kadating natin dito hanggang kanina.." sabi ni Ley.
"Lahat tayo meron." singit naman ni Dylan. Napatingin ako sa kanilang lahat, may hawak hawak nga silang tig iisang sobre.
"Andon yung sayo." sabi ni Dara sabay tumuro doon sa mesa parte sa hinigaan ko.
Pag kakuha ko nong akin, binuksan ko yun. May mga stolen shot tapos picture na kasama ako, at mag isa lang ako.
"Oh, bakit ang seryoso niyo naman ata?" tanong ko. "Kasi walang Seth kami na nakita pag gising namin." sabi ni Charm.
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko. Naguguluhan ako. Ano bang meron?.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Novela JuvenilI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.
