Khen POV
"Khen.....Mahal..."
biglang sabi niya at mabilis na umiwas. Mabilis naman akong mapatingin sa kanya. Biglang bumilis tibok ng puso ko.
Ngayon niya lang ako tinawag pangalan ko at tinawag niya pa akong mahal. Hindi agad ako naka tugon sa kanya.
"Mukha ka na namang tanga." sabi niya.
"Ngayon mo lang akong tinawag sa pangalan ko, tas may kasabay pang Mahal." sabi ko sa kanya.
"Uto uto ako eh." sabi niya. Siraulo sabihan ba namang uto uto sarili niya hahahahaha.
"Sa mismong harapan mo, pangalawang beses na to." dagdag niya pa. "Ito yung una, wala akong matandaan tinawag moko." sabi ko sa kanya.
"Bahala ka, pag usapan nalang natin ulit to pag naalala mo na." ngingisi ngising sabi niya. May di ba ako alam??
"Saan yun?? Kailan?? Pano??? bakit diko alam??" Sunod sunod na tanong ko. "Baka kinalimutan mo na." sabi niya.
"Pano ko naman makakalimutan yun kung galing mismo sa bibig mo." ngingisi ngising sabi ko. "Hindi ko na kasalanan kung nakalimutan mo yun haha." tatawa tawang sabi niya.
"Napaka creepy mo." sabi ko. Bigla naman siya sumeryoso. "Joke lang eh, hindi na kita kukulitin. Susubukan kung alalahanin yun kahit alam ko namang di nangyari yun haha." sabi ko sa kanya.
Humiga uli ako doon.
"Higa ka uli dito." aya ko sa kanya. Humiga naman na uli siya sa braso ko. Hindi ko na siya biniro baka tuluyan na siyang umalis.
Ganon lang kami ng mga ilang minutes, hindi ko namalayan na nakatulog na pala siya. Sobrang sarap ng tulog niya kaya hindi ko na siya ginising. Binuhat ko nalang sa pabalik ng bahay.
Pag pasok ko ng bahay, andon sa sala yung pamilya ni Seth. Yung Lolo at Lola niya, papa at mama, Kuya at si Sean at Zayn.
"Nakatulog po siya." sabi ko kila Tita. Dahan dahan naman akong umakyat papuntang kwarto niya. Naka sunod naman sila sakin papasok sa kwarto ni Seth.
Gusto ko pa sanang mag stay doon kaso time nila ng pamilya niya yun. Pag kapaalam ko sa kanila dumiritsl na din ako sa kwarto namin.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kina Ley. Andon sa kwarto namin yung mga babae. Gising na gising pa sila.
"Hindi kami maka tulog haha." natatawang sabi ni Ley. "Kumusta si Seth?" tanong nila.
"Ok naman siya." tugon ko. "Naaawa at nalulungkot ako para kay Seth." biglang sabi ni Ley. "Pero happy ako dahil ok na ang lahat. Sana maging masaya na ng tuluyan si Seth." dagdag pa ni Ley.
Sumang ayon naman kami doon. Hindi din nag tagal natulog na kami.
Nagising ako ng may kumatok. Hindi ko pa man namumulat ang mata ko ng maramdaman kong may pumasok.
"Hoy lalake, bumangon ka na dyan. Mahiya ka naman ikaw nalang natitirang tulog." Napabangon ako ng marinig ko ang boses na yun.
Si Jazz. Nakalimutan kong andito din pala sila. Sa hotel ng resort sila nag stay kagabi.
"Ako nalang ba ang natitirang tulog?" tanong ko, tiningnan ko ang buong kwarto wala na nga sila. "Yep. Bangon na pupunta tayong kabilang isla." sabi ni Jazz.
"Ikaw nalang inaantay. Ako na nahiya para sayo." sabi pa ni Jazz. Mabilis naman ako bumangon at nag hilamos.
"Hindi ko alam na kayo na pala ni Seth." sabi ni Jazz. habang palabas kami ng kwarto. "Sana matauhan si Seth, baka nabigla lang siyang sagutin ka." ngingisi ngising dagdag niya pa.
YOU ARE READING
INTO YOU (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsI'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.
