Chapter 51

108 9 0
                                        

Ley POV

Maaga akong pumasok dahil may dadaanan ako sa library. Pag ka labas ko ng library natanaw ko si Zayn, Dale at Dylan na na may tinatanaw din. Sinundan ko tinatanaw nila. Si Khen? Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan nila at nakitanaw din.

Tinanaw ko yung hinahabol ni Khen, si Seth?? Hindi ko namalayan andon na din pala yung iba naming kaibigan, nakitanaw na din.

"Arayyy."

Pagkahabol kasi Khen kay Seth, inakbayan niya si Seth. Sa gulat ni Seth sa kung sino man umakbay sa kanya, hinawakan niya pulsuhan ni Khen at nilagay sa likod ni Khen.

Nag hahanap talaga ng pilay tong si Khen e.

"Balak mo bang baliin din yung kamay ko, Seth?" sabi  ni Khen. "Kasalanan ko bang susulpot sulpot ka?" tugon niya at nag lakad na.

"Gusto mo atang maging lumpo ako ah." sabi ni Khen at sumabay na din sa pag lakad ni Seth. "Kung di ka aayos, yan talaga kalalabasan mo." sabi ni Seth.

"Tch. Akbay lang e." tugon ni Khen. At kelan pa sila ganyan umasta sa isat isa?.

"Nag almusal ka?" tanong ni Khen. "Maaga pa naman tara sa canteen." dagdag niya pa. Aba aba.

Hinawakan ni Khen bag niya at sinabay ni Khen si Seth sa pag lakad niya patungong canteen. Hindi manlang siya umayaw. hmmm.

Gulat kaming nag katinginang mag kakaibigan at sumunod papuntang canteen. Hindi kami lumapit sa dalawa, nag tago lang kami doon sa may gilid.

"Maupo ka lang dyan ako na bibili ng kakainin natin." sabi ni Khen kay Seth.. Sinagot ni Seth ng tango. Pag kabili ni Khen mabilis naman siyang tumungo sa inuupuan ni Seth.

"Wala ka bang balak mag salita?" tanong na naman ni Khen. "Wala naman akong sasabihin." sabi naman ni Seth. Hindi nalang din kumibo si Khen.

"Anong meron sa dalawang yan?" mahinang tanong ni Dara. "Ewan." sabay sabay na sabi namin.

Nangangalay na kami pero nanatili pa din kaming nag aantay ng sasabihin ulit nila.

Nasa kalagitnaan na sila ng pag kain ng mapansin ni Seth pananahimik ni Khen.

"Anong mukha yan?" tanong ni Seth. Hindi siya pinansin ni Khen. Naku umaarte na naman si Khen haha.

"Anong kaartehan na naman yan?" tanong pa ni Seth. "Hindi ka mag sasalita o iiwan kita dito." sabi niya pa.

"Oh, na feel mo din naramdaman ko." sabi ni Khen sa kanya. "Napaka isip bata." sabi ni Seth. "Parang ikaw hindi ah." tugon naman ni Khen.

Korni naman nilang dalawa.

"Tigilan mo na kada daldal diyan, ubusin mo na yan ng maka punta na tayo ng room." sabi ni Seth. "Bakit??Ayaw mo na?" tanong ni Khen ng makitang wala na siyang balak kumain. Tumango naman si Seth.

"Hindi pa nga nakakalahati yang kinakain mo." sabi na naman ni Khen. "Uubusin mo yan o susubuan kita?" dagdag pang sabi ni Khen.

"Tigil tigilan mo ako ha." sabi ni Seth. Kinuha ni Khen yung pinggan ni Seth at sumandok doon.

"Oh, ibuka mo bibig mo." sabi ni Khen sabay itinutok sa bibig ni Seth. Nag katinginan naman kaming mag kakaibigan. Bigla naman namalo si Charm saming tatlo ni Dara at Tiff.

Bakit parang kami pa kinikilig? haha.

"Gusto mong masaktan?" tanong ni Seth.

"Baka gusto mong isigaw ko sa kanila yung kung anong---." hindi ni Seth pinatapos si Khen sa pag salita. Pero ano isisigaw?

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now