Chapter 33

96 10 0
                                    

Khen's POV

Hindi naman nag tagal lumabas na sila ng clinic. Tahimik nalang akong sumunod sa kanila.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Jiro. Nasa hulihan kami nila. "Oo naman, bakit naman hindi?" sabi ko sa kanya. Mukha ba akong hindi ok?

"Kanina kapa tahimik ah." tanong pa sakin ni Jiro. Bakit mala Ley ba ako? "Bakit maya't maya ba akong nag sasalita?  wag niyo ko itulad sainyo ni Ley haha." biro ko. "Aba! bakit rinig ko diyan sa likod pangalan ko." biglang sabi ni Ley.

Rinig pa niya yun?

"Chinichismiss niyo ko ano?" sabi ni Ley sabay nag pahulian din at pumagitna samin ni Jiro. "Oo chinichissmiss ka namin. Bakit aangal ka?" sabi ko sa kanya.

"Ano ba? alisin mo nga yan." pag papatanggal ko sa naka akbay niyang isang kamay saken. "Napaka arte mo naman." sabi niya pero hindi pa din tinatanggal. tch. "Ayan kasi napakatorpe mo." sabi ni Ley. "Tama ka diyan Ley." pag sang ayon naman ni Jiro kay Ley.

"Ano bang pinag sasabi niyo ha?" tanong ko. Anong torpe torpe ba sinasabi nila. "Wag ka ng mag maang-maangan bro." sabi ni Jiro. Mukha ba akong nag mamaang - maangan?

"Tingnan mo nag sisilabasan na mga lalake sa buhay ni Seth. Napakatorpe mo kasi. Ipag patuloy mo yan." sabi pa ni Ley. "Tch. pake ko naman diyan. Tsaka ano bang ibig niyong sabihin?" sabi ko sa dalawa.

"Hanggang ngayon ayaw mo pa din umamin? haha" sabi ni Jiro. "Ano namang aaminin ko?" tanong ko. "Halatang halata kana. Wag kami haha." sabi naman ni Ley. Napatahimik nalang ako.

"Kailan pa?" tanong ni Ley. "Hindi ko alam." napayoko nalang ako. Bakit ngayon ko lang narealize yun. Bakit ngayon lang ako natauhan. Kung kailan huli na.

"Naku umamin nga. Nag bibiro lang ako." sabi ni Ley na hindi makapaniwala. "Seryoso ba talaga?" tanong ni Ley. "Mukha ba akong nag bibiro? tch." seryosong sabi ko sa kanya. Ayoko na mag palusot pa. Total nasabi ko naman na.

"Halaaa!" sigaw niya. Napalingon naman sila. "Manahimik ka." bulong ko sa kanya. Balak niya bang ilaglag ako. tch. "Halaaaa, ang ganda ko pa din." tch. andaming pwedeng ipalusot na pwedeng sabihin yan pa talaga.

Bumalik naman kami ulit sa pag lalakad pababa ng building. Pero hindi pa din natigil usapan naming tatlo. Pano nalang kung sabihin ni Ley kay Seth. Ang tagal na nilang mag kaibigan posibleng ilaglag niya ako.

"Pero halata naman kasi talaga Khen. Pero nakakamangha pa din. Inaway away mo lang yan tapos.... haha." sabi ni Ley. "Kahit nga ako hindi ko makapaniwala." sabi ko.

"Pano yan bro??" tanong ni Jiro. "Anong pano?" sinagot ko siya ng tanong. "Anong gagawin mo?" pangunguna ni Ley kay Jiro. "Wala." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Wala kang gagawin?" hindi makapaniwalang tanong ni Ley. "Wala eh torpe kaibigan natin." sabi ni Jiro kay Ley.

"Wala na akong magagawa. May Zayn na siya, tas may Pain pa, tapos yung Principal pa. Anong laban ko naman diyan. Kung napapansin niyo, Matagal na silang mag kakakilala. tch." paliwanag ko. "Mukha ngang sila na ni Zayn eh." sabi ko pa.

Hindi naman nakakibo yung dalawa. Wala eh talo ako. Matagal na silang mag kakakilala habang ako mag dadalawang buwan palang tapos yung isang buwan pa sa dalawang buwan na yun na mag kakilala kami, yung pag aaway pa namin yun. Doon palang talo na ako.

"Ano kaba hindi sila. Close lang talaga yung dalawa." sabi saken ni Ley. Umasa naman agad ako don. "Pano mo naman nasabi?" tanong ko agad. "Sabi ni Zayn." sabi ni Ley.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now