Life:38

19 2 0
                                    

LIFE 38: LET GO.

Sorry agad sa typos.


Rainee's Pov.

"Go Fritz!." Pag che-cheer ni Angel.

Nandito kami ngayon sa gilid ng dagat. Naglatag kami ng blanket at napapalibutan kami ng sari-saring pagkain. May malaking umbrella dahil sa sinag ng araw. Kanina pa nagpapasikat ang boys dito kay dumarami narin ang naglalatag at nag-surfing.

Miarah,Angel and Fiona are wearing their hot two piece bikini. Ganun din sila Irah,Lylin at Rose. Nagsurfing naman sila Miguel,Mark,Hunter,Fritz at Francis. Si Mikael ewan ko san nagpunta yung lalaki na yun.

"Teh! Cheer mo naman si Hunter!." Si Fiona.

"Eh?.." Takang tanong ko. "Bakit hindi mo i-cheer si Mark?."

Natigilan siya sa paglalagay ng lotion sa braso.

"Hindi ka talaga mawawalan ng pantama ano? Like? Duh?." Maarte niyang sabi kasabay ng pag-irap. Napaismid nalang ako.

"Potek! Galing!." Manghang sabi ni Miarah.

"Watch your mouth,Miarah." Si Angel.

"Masanay ka na." Si Lylin.

Napansin ko lang na habang tumatagal nagiging close kami sa isat isa. Isa sa magandang mangyayari bago ako umalis. Ang makitang magkaron ng bagong kaibigan ang mga kaibigan ko. You know,para hindi nila ako mamiss masyado.

"How's your parents Irah?." Rinig kong tanong ni Rose.

"Huh? Ok naman. Bat mo natanong?."

"Im just curious. Hindi ko na nakakausap si Tita nitong mga nakaraang araw." Kibit balikat na sabi ni Rose.

"Uhh... Nag-away sila ni Dad."

"Oh! Im sorry to hear that. But why?."

Naging komportable narin pala sila sa isat isa.

"Si Tita Dynah? At Tito Rad nag-away?." Singit ni Fiona.

"You know my parents?." Takang tanong ni Irah.

"Well yeah,Business partner sila ni Mom and Dad."

Napabuntong hininga si Irah. "Nalulugi na ang isang vacation house namin sa Pampanga. Nawawalan na ng mga trabahante."

"Ganun ba? Baka may maitulong kami?." Si Angel. "My Mom and Dad handled a fame hotels here in the Philippines... may hotel din ba sa vacation place ninyo?."

"A-Ah.. Naku! Wag na! Nakakahiya...." Iling ni Irah. Napabuntong hininga ako.

"Irah,tanggapin mo na ang alok ni Angel... Kaysa mag-away mga magulang mo." Singit ko.

Bumuntong hininga siya at isa-isa kaming tinignan. Nakangiti lang silang lahat maliban sakin.

"Uh.. Okay... tatawagan ko si Mommy, mamaya. Thank you in advance Angel."

Tumunog ang cellphone ko kay hindi ko na napakinggan ang iba nilang usapan.

"Yes?."

"Timothy is here...Kanina pa nagmamasid."

Napalinga-linga ako at nakita si Mark  seryoso ang mukha na nakaharap sa dagat. Basa paa ng buong katawan at topless.

"Ok. I'll talk to him."

I hang up. Sinabi na to sakin kanina ni Mark. Kagabi pa daw nagmamasid si Timothy samin. At may gustong sabihin. I don't know. But Im a bit interested. Tumayo ako at nagpaalam saglit na mag ccr lang. Wala namang umangal dahil busy sila sa pagtulong kay Irah. Ewan ko lang kay Miarah na parang sa tingin niya palang sinasabi na 'Bumalik ka agad'.

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon