Hunter's Pov.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko,matapos marinig yung mga sinabi ni Rainee kanina. Magiging masaya ba ako,dahil may pag-asa pa? O magiging malungkot ako dahil sa huli niyang sinabi?
Napailing nalang ako sa naisip. Masyadong maganda ang panahon ngayon para maging malungkot. Lumabas ako nang kwarto at nakita ang mga kaibigan kong nag tutumpok sa isang gilid na para bang nakikichismis.
"Anong nangyayari?."
Nahati sila na para bang pinapatingin sakin kung anong nangyayare. Nakakalokong ngiti na may luha si Fritz, si Mark na nakangiti, si Fiona na umaagos yung luha,ganun din si Angel. Si Miguel na medyo nakangiti at nasa gitna nila si Rainee at Miarah na nakayakap sa isa't isa.
Panong?.Grabe yung pamamaga ng mata ni Miarah. Si Rainee naman,nakangiti lang peronapakaaliwalas niyang tignan ngayon. Nakangiti akong pinanood ang apat na magyakapan.
Hanggang sa may naramdaman akong tumabi sakin,bahagya akong binundol ni Mark.
"Sup Dre." Bati niya sakin.
Ngumuti ako sa kaniya at nakipag-fist bump.
"Wow! Bati na kayo?!." Ingay na naman ni Fritz.
"Hindi naman kami nag-away. Kayo lang." Masungit na ani ni Mark.
"I was just joking dre! Hirap sayo sineseryoso mo lahat."
Masama ang tingin na binigay ko Kay Fritz kaya natawa siya agad.
"BWAHAAHAHAHAAHHAH!! MAY TATLO AKONG JOKE MGA DRE!."
"Joke. Joke. Joke?." Singit ni Miguel.
Natigil ang lahat ng sumingit si Miguel. Saka lang natawa ang lahat nang malakas na tumawa si Fritz.
"BWAHAHAHAHAHHAHAHHAHHAHAHHAHAH." Tawa ng lahat.
"Ayos lang yan dre! Mahalaga mahal ka namen!." Malakas na sabi ni Fritz.
"Bawi next life,Fritz." Natatawang sabi ko.
______
Miarah's Pov.
Nakangiti kong pinagmasdan ang mga kaibigan kong naglalaro sa tubig. I'm not actually cured mentally,naramdaman ko lang na nandito lang pala sila sa tabi ko nung mga panahong nabulagan ako.
Nagising ako sa katotohanang hindi pala ako mag-isa. Nandito parin pala sila.
"Hey! Are you okay?." Nagulat ako sa biglang sulpot ni Miguel sa tabi ko.
Tumango ako. Marami rin pala akong nagawa kay Miguel noon,na kahit alam kong mahal ko siya,nagpadala parin ako sa galit ko. Hindi niya ko iniwan,nandyan lang siya sa tabi ko kahit patuloy ko siyang tinataboy.
"Miguel." Tawag pansin ko sa kaniya. Tumingin naman siya sakin ng nakangiti.
"Hm?."
"Im sorry."
Kumunot ang noo niya. "Para saan?."
"Sa lahat ng nagawa ko. Sa pagpapahirap sayo." Tumingin siya sa mata ko.
"And thank you for that,dahil,nagiging mas malapit ako sayo,nababantayan kita ng maigi."
Bumuntong hininga ako. "I love you, Miguel Ford."
Kita ko ang gulat sa mukha niya. Maya maya lang tumayo siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Matagal ko nang gustong sabihin ang katagang yon. Hindi ko lang nagawa dahil napuno ako ng poot sa puso ko.
BINABASA MO ANG
My Highschool Life (Junior) COMPLETED
Novela JuvenilA Highschool Life With a Twist? A new Generation can Exist. Makakaya kaya ng mga estudyanteng millennial ang maagang pagsubok na ibibigay sa kanila? What do you think if,your highschool life turned to a cool but hard life?
