Life:19

27 4 0
                                    


LIFE 19: UNBELIEVABLE.

Hunter's Pov.

Ano bang klaseng lugar to?. May mga gadgets akong ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Yung mga kasama ko napapanganga nalang dahil sa pagkamangha.

Nag dire-diretso lang kami sa paglalakad. Habang kami panay ang lingon,ito namang si Mark parang walang pakelam sa mga nakikita niya.

Alam niya ba? Tong lugar na to?!

Napakalaki nito. Mas malaki pa ata to sa basement sa bahay. Kanina naramdaman kong pababa yung elevator. Posibleng ito yung baba ng palasyo nila Rainee. Pero bat, puro makina at bagong teknolohiya yung nakikita ko?.

May mga tao rin akong nakikita. Puros nakablack katulad ng mga suot namin, pero ang pinagkaiba mukhang may ibubuga sila. Ang lalakas ng dating!

"G-Grabe! Nasan ba tayo?." pabulong na sabi ni Fritz na nasa tabi ko na pala.

"Look dre! May pizza machine oh!." sigaw ni Migz. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Mark.

"Pwede bang manahimik kayo?." seryosong suway niya.

Nagsalubong naman ang kilay ng dalawa. Kahit takang taka sumunod na lang din sila.

Naunang maglakad si Mark. May pinasukan siyang Metal Door. Pag bukas nun nauna siyang pumasok at sumunod kami. Liko dito, liko don. Hanggang sa narating namin ang..... what the?!

"Wow!." reaksyon ni Fritz at Miguel.

"S-Saan ba talaga tayo?." manghang tanong ni Francis.

May mga tao sa loob ng glass room. Parang kilala ko na kung sino.
Bigla nalang humarap samin si Mark na nakapamulsa.

"Welcome. Nandito tayo ngayon sa Center ng kwarto ng pinasukan natin kanina. Pag aari to syempre ng mga Evarez." may yabang na sabi niya.

Umangat nalang ang gilid ng labi ko.

"Tch! Ano ba talaga tong lugar na to Mark? At ano daw? Agents kayo?. Your only 16 years old mark, and so on sa mga tao dyan sa loob ng glass room na tinatawag niyo." Singhal ko.

Bigla nalang tumabi si Lylin at Rose kay Mark. Mga seryoso ang mukha nila.

"Hindi ba gusto mong malaman ang totoo?." tanong ni Rose. Tumango naman ako.

"Tss. Edi makinig ka nalang. Just wait and see." maangas na sabi ni Lylin. Nagpaunang siya pumasok, huminto siya sa sliding door ng glass room at tinapat ang hintuturo.

"Agent Lylin is here."

Pumasok sa loob si lylin kaya nag silingunan sila Rainee, Miarah Fiona at Angel. May kausap silang matanda at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila. Sumunod naman si Mark at Rose kaya nag sisunod narin kami.

"R-Rainee? Sa inyo to? At ano daw agents kayo?." manghang tanong ni Fritz. "Pati ikaw angel my loves?." ngiting sabi ni Fritz kaya nakatanggap siya ng batok galing kay Ej. Na bigla nalang sumulpot sa kung saan.

"Handa na ba kayo?." seryosong tanong ni Fiona na nasakin ang paningin. Napairap nalang ako.

"Mag siupo na kayong lahat." utos nung matanda.

Tumayo siya sa harap naming lahat. Ewan ko pero bakit parang ang sama ng kutob ko sa malalaman ko ngayon.

"Ako si Director Tie. Trainer ako ng mga Agents----." hindi na niya natuloy dahil biglang pagsalita ni Fritz.

"Teka? Agents talaga kayo?." takang tanong ni Fritz. Natampal nalang ni Fiona ang sariling noo dahil sa kulit nitong si Fritz.

"Fritz. Manahimik ka nalang." suway ni Mark. Napayuko nalang siya.

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon