LIFE 15 :VACATION
Miarah's Pov
Saturday Morning......
Maaga akong nagising dahil ngayon na ang simula ng vacation namin. Excited na ako, kaso, may feeling ako na hindi magiging exciting ang araw na to para kay Rainee. Hindi niya nga sinasagot mga tawag ko kagabi eh.
Sa totoo lang nakakapagtampo yun. Kaibigan niya kaya kami. Dapat sinasabihan o nasa tabi niya kami ngayon.
Naglakad ako papuntang banyo, pero bago yun tinawagan ko muna si Fiona.
"Yes? Ferey Speaking."
"Hi Fiona."
"Oh? Miarah? Sorry, hindi ko nakita name mo sa phone call, nag aayos na kasi ako."
"Okay lang. Anyway, tinawagan mo na ba si Angel at Rainee?."
"Si Angel, oo, pero si Rainee, hindi parin sinasagot yung tawag ko."
"Ganun ba? Sige ako nalang ang tatawag, Ako narin ang tatawag kila Rose at Lylin."
"Ok. Bye. Kita kits."
"Sige, ingat din." Then i Hang up.
Nag asikaso na ako sa sarili ko. Matapos nun, sinubukan kong tawagan si Rainee, pero hindi nanaman niya ako sinagot. Inilipag ko nalang muna ang cp ko sa gilid ng kama at nag suklay na ko ng buhok. Biglang nag-ring ang cp ko, dali dali kong tinignan kung sinong caller.
Pero ganun nalang ang panlulumo ko ng ibang pangalan ang makita ko.
"Yes? Miarah Speaking." walang ganang sabi ko.
"Miarah, pinapasabi ni Rainee na makakapunta parin siya, maghintay nalang daw kayo. N-Nasa meeting siya ngayon."
"G-Ganun ba?. Salamat Lylin."
Pinatay ko na ang tawag. Nakaramdam ako ng inis kay Rainee, bakit kaming mga kaibigan niya hirap na hirap siyang kausapin? Kaya nga kaibigan!.
Bumaba na ako bitbit ang mga maleta ko. Nakapag paalam narin ako kila Mommy at Daddy kagabi, tawagan ko nalang daw sila time to time.
Nagpara na ako ng taxi paglabas ko ng village, day off ng driver namin ngayon kaya mag cocomute lang ako. Sinabu narin ni Rainee nung meeting na mag kikita kita kami sa harap ng school
Mabilis lang ang naging byahe dahil maaga pa naman at walang traffic. Pagdating ko sa harap ng Gate, nakita ko agad sila Mark, Miguel, Hunter, at Ej. Pati narin ang mga kaibigan kong sila, Rose, Lylin,Angel At Fiona.
Wala pa si Rainee.
Bumaba ako sa taxi. Agad namang kinuha ni Manong driver ang maleta ko sa compartment ng taxi niya. Nagpasalamat lang ako at nagbayad. Umalis narin si Manong. Humarap ako sa mga kaibigan ko ang nginitian sila.
"Good Morning, Miarah." bati ni Rose.
"Good Morning senyong lahat." nakangiting bati ko.
Agad namang lumapit sakin si Fiona at Angel at nakipag beso.
"Good Morning Miarah." bati nilang dalawa sakin.
Lumingon ako sa boys. Nag lalaro silang lahat sa cellphone nila. Malamang ML yan.
"Si Rainee?." tanong ko. Bigla nalang nagbago ang reaksyon nila.
"H-Hindi niya pa sinasagot mga tawag namin ni Fiona." malungkot na sabi ni Angel.
Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya. "Intindihin nalang natin yung kaibigan natin. Kilala natin siya. Napakatibay kaya nun." nasabi ko lang. Nag aalala rin naman ako kay Rainee.
Natatakot akong bumalik siya sa dating siya.
BINABASA MO ANG
My Highschool Life (Junior) COMPLETED
Teen FictionA Highschool Life With a Twist? A new Generation can Exist. Makakaya kaya ng mga estudyanteng millennial ang maagang pagsubok na ibibigay sa kanila? What do you think if,your highschool life turned to a cool but hard life?
