LIFE 5 : WEIRD
HUNTER POV
Wednesday Morning.
5:30am. Tsk late na naman akong nagising. Bumaba ako sa kama ko at dumiretso sa bathroom. Naligo ako.
Matapos non nagmadali akong pumunta sa walk in closet ko para kunin ang uniform ko.May pakiramdam ako na may parang mangyayari hindi maganda ah?. Nagbihis ako at sinuot ang eye glasses ko at lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko sa dining area naabutan ko si Mom And Dad na seryosong nag uusap. Ni hindi ata nila alam na nasa harap na nila ako.
"Rosella, wag mong sabihin!." bulong ni dad kay mom.
"Baka magalit siya!." bulong naman ni Mom.
"Mom, Dad, What is the problem?." tanong ko habang takang nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"H-Ha? Wala a-anak, kumain ka na!." si mommy.
"Nga pala anak, kamusta ang school mo?." si dad.
"Okay naman dad, Still the same.." walang ganang sagot ko at kumuha ng bacon.
"Wala bang nang aaway sayo don anak?." si mommy.
"Po? Wala naman, bakit?." naguguluhan na talaga ako sa kanila. Ang daming tanong. Tsk.
"Mag iingat ka nalang anak." si dad.
Kumunot naman ang noo ko. Ang weird nila. Tumingin ako sa relo ko.
Late na ako... Tsk...
"Mom, i have to go." lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa sintido."Dad.Bye!." tinapik ko lang siya sa balik at nagmadaling lumabas.
Paglabas ko nakita ko si Manong Manolo na naghihintay sakin. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa back sit. Pumasok narin si Manong Manolo at pinaandar ang sasakyan.
Pagdating ko sa school nakita ko si Mark na parang may hinihintay. Nakasuot siya ng headset kaya hindi niya narinig ang pagtawag ko sa kaniya. Lumapit ako at tinapik siya sa balikat.
"Hey!." bati ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya at wala sa sariling umiling.
"Buti naman at dumating kapa. Kanina pa kita hinhintay!." naglakad siya papasok kaya sumunod nalang rin ako. Weird.
Sabay kaming naglakad sa hallway. Still the same. Sinisigaw parin pangalan namin. Tsk. Nasanay na ako.
"Ahhh!! Hunter My loves!."
"Mark De Villa!! Babe!!
"We love you Hunter!."
Napangiti nalang ako ng patago dahil sa mga narinig ko. Sa hindi kalayuan nakita ko si Amora. Ngitian ko siya kaya ngitian niya rin ako. Lumapit ako sa kaniya.
"Good Morning Amora." nakangiti lang siya sakin.
"Good Morning Hunter." lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi! Hindi ako nakagalay, nanatili akong gulat."Huy Hunter! Okay kalang? Nagmumula ka! Hahahaha." tawa niya pa. Umiwas ako ng tingin.
"H-Hindi a-ah!." Tsk.Nautal na naman ako.
"Okay sabi mo yan eh! Halika sabay na tayo pumasok sa room." lumapit siya sakin at inukbit ang kamay niya sa braso ko. Napatingin ako sa side niya. Pero iba ang nahagip ng mata ko. Si Rainee. Parang may dumaan na lungkot sa mata niya. Pero agad siyang umiwas ng tingin at naglakad kasama ang mga kaibigan niya.
Hindi ko alam kung bakit parang apektado ako. Pero pagdating ko sa room nakita kong tulala si Rainee. Dinadaldal siya si Fiona pero parang ang lalim ng iniisip niya.Pinilig ko nalang ang ulo ko at tumabi kay Amora at mga tropa ko.
BINABASA MO ANG
My Highschool Life (Junior) COMPLETED
Teen FictionA Highschool Life With a Twist? A new Generation can Exist. Makakaya kaya ng mga estudyanteng millennial ang maagang pagsubok na ibibigay sa kanila? What do you think if,your highschool life turned to a cool but hard life?
