LIFE 40: FIONA AND MARK.
Listen to the music: Kahit Kunwari By Tj Monterde.
SORRY NA AGAD SA TYPOS.
Fiona's Pov.
Timothy?!
Napatakip ako sa bibig ko ng makita si Timothy na duguan at nag aagaw buhay sa sahig. Agad siyang nilapitan ni Rainee. Sumunod naman kami ng mga kaibigan ko.
Nang makalapit kita ko ang dugo na lumabas sa bibig niya. There's a blood,sa dibdib niya tumama yung bala na sinalo niya. I can't believe this.
Inangat ni Rainee ang ulo ni Timothy gamit ang braso niya. Umuubo ubo pa si Timothy. Yung dugo niya kumakalat na sa mukha niya. Nakakaawa. Sinagip niya ang Mommy ni Rainee.
Bumaling ako kay Eville na ngayon ay hawak na ng mga pulisya at nakatulalang nakatingin sa kaniyang apo.
"Ikulong niyo na yan." Rinig kong bulong ni Rainee.
Agad na sumunod ang mga pulisya. Maya maya lang,nakuha na ng mga pulisya ang iba pang kasabwat ni Eville. At sabay sabay na dinala sa prisinto.
"R-Rainee..." Hirap na pagbanggit ni Timothy sa pangalan ni Rainee. Nakapalibot kaming magkakaibigan sa kanila. Miarah is beside Rainee. "S-Salamat sa.." lumunok siya.
"Don't talk." Malamig na tugon ni Rainee. Umiling lang si Timothy. "Nasan na ba ang ambulansiya?."
"H-Hindi na k-kailangan.... a-alam kong...a-alam kong hanggang d-dito nalang ako....g-gusto ko lang m-magpasalamat....y-yung mama ko R-Rainee... t-tulungan mo siya...w-wala siyang k-kasalanan..." habol hiningang sabi niya.
Umiling si Rainee. "Meron Timothy. Kailangan niya ring pagbayaran kung ano man ang sa kaniya. Pagtapos non tutulungan namin siya."
"S-Salamat Rainee....." kasabay ng pagkasabi non,tuluyan nang pumikit ang mga mata niya.
He's dead. The Alonzo's son is Dead. Dahan-dahang ibinaba ni Rainee ang ulo ni Timothy. Maya maya lang tumunog na ang ambulansya. Hudyat na paparating na.
"May nasaktan ba sa inyo?." Alalang sabi ni Rainee. Umiling kami.
Sabay-sabay kaming pumunta sa Hiding Place. Iba't ibang mga agents ang bumati sa amin at nag-congrats. Tinanguan lang namin sila dahil ngayon lang ata namin naramdaman ang pagod. Pumunta na kami sa loob. Naabutan namin ang mga magulang namin na kumakain. Ngumiti ako kay Mom and Dad.
"Are you ok?." Tanong ni Dad.
"Yes Dad. How about the both of you?." Sinuri ko sila. Wala naman silang sugat o tama ng baril.
"We're fine. Let's eat." Aya ni Mommy.
Tahimik lang kami na kumakain hanggang sa narinig namin ang ingay ng mga kaibigan namin.
"Ang hirap mong hulihin tol!." Boses ng kaibigan kong si Fritz.
"Bitawan niyo nga ako!." Pamilyar sakin ang boses.
Sumulpot sa pinto ng dining area sina Miguel,Fritz at Hunter. Hawak ni Miguel at Fritz sa kwelyo si Osman.
"Ano kami tanga? Bibitawan ka namin? Pano kung makatakas ka!." Sigaw ni Fritz.
"Will you please shut your mouth,Fritz?." Masungit na suway ni Hunter.
Humalik sila sa kaniya kaniyang magulang habang si Miguel ay tinatalian si Osman.
Napailing nalang ako. Pinagpatuloy ko ang pagkain.
Kumunot ang noo ko ng may maramdamang may tumititig sakin. It's Mark. Walang emosyon kong binaling ang tingin ko sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay. Agad naman siyang bumitaw sa tingin niya at tinuon ang tingin sa pagkain na nasa harap niya.
BINABASA MO ANG
My Highschool Life (Junior) COMPLETED
Teen FictionA Highschool Life With a Twist? A new Generation can Exist. Makakaya kaya ng mga estudyanteng millennial ang maagang pagsubok na ibibigay sa kanila? What do you think if,your highschool life turned to a cool but hard life?
