LIFE 26: BACK.
Miguel Pov.
2 months Later .......
Marami nang nangyari sa loob ng dalawang buwan,at ngayon,darating na sila. Hindi ko alam kung paano ako ulit makikipag communicate sa kanila dahil siguro masyado na silang mataas ngayon. I mean,marami silang pinagdaanan ng dalawang buwan at alam kong mahirap yun. Syempre para samen. Alam namin kung anong katungkulan ang ginagawa nila bilang mga Agents.
Ang hindi ko lang alam kung nagbago na sila?o magbabago ba ang pakikitungo namin sa isat isa. 2 days after this day,Sing and Dance Contests na. Minsan lang kami i Update ni Mark,kaya himala na na-update niya kami sa na darating na sila mamaya.
"Dre." Malamig na tawag sakin ni Fritz.
Isa pa tong ugali namin ngayon,parang sinanay kami ni Mark,na walang emosyon ang pagsasalita at mukha,na training niya na kami pero hindi pa naman lahat alam namin. Tinuruan niya kame kung pano maging kalmado sa harap nang panganib.
"Bakit?." Tanong ko. Tumaas ang sulok ng labi niya.
Nangunot ang noo ko dahil sa inaasta niya. Tsk Ito nanaman tayo. Kaya minsan ayoko asarin ang ugok na to eh.
"Darating na sila mamaya. Ayos pormahan natin ngayon ah. " nagbaba ako ng tingin sa suot ko.
Leather jacket and black pants. And leather shoes.
"Eh ano naman. Hindi ka pa nasanay na ganto lagi pinapasuot satin ni Mark?." Taas kilay na tanong ko sa kaniya.
"Hindi eh. Tsk. Tara akyat na tayo." Aya niya sakin.
Ngumiti nalang ako ng sarkastiko,siya nga inaabangan si Angel. Huminto siya at lumingon sakin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Tara sa Training Room." Aya niya nang may pilyong ngiti sa labi.
Napailing nalang ako. Boring nanaman siguro ang isang to at dinamay pa ako.
Pumunta kami sa Training Room. Isa yong tagong kwarto dito sa mansyon,sulok ang dadaanin mo bago mo mahanap ang kwarto na yun. Malaki at malawak,puno ng mga sandata na ginagamit kadalasan sa pakikipaglaban sa mga palabas na napapanuod ko. Sa kwarto na yun,tinuruan kami ni Mark ng Basic Martial Arts at Taekwondo. Pakiramdam ko nasa kalagitnaan na kami ng mga kakayahan ng mga Agents.
Pagkarating namin sa kwarto,nakita namin si Hunter,pawisan at nakaconcentrate lang sa ginagawa niya. Sipa dito sipa doon. Talagang lagi siyang may pinaghuhugutan nang galing niya. Posible palang magbago ang isang tao sa loob ng dalawang buwan. Ganon ang napansin namin kay Hunter, sobrang laki ng pinagbago niya. The looks,the cold personality,the serious face. He was standing like full of authority.
I can't stop from thinking that he's just like Rainee. Hindi ko akalain na magbabago siya ng ganito. Graduating na kame,ano kaya ang magiging future namen?.
Ipinilig ko nalang ang ulo ko at kumuha ng arnis. I like this one. Parang namaster ko na to', si Fritz naman magaling siya sa Martial Arts,and si Hunter naman,siguro sa lahat. Nung mga nakaraang linggo kasi kung hindi kami nag papraktis ng sayaw,nandito siya nakatambay at nag te-Traning kung hindi naman dito nasa shooting area siya.
Napatigil kami sa ginagawa nang may bumisina. Siguro sa harap yun ng mansyon. Napatingin sakin ni Fritz,nagtatanong. Nagkibit balikat lang ako at pinagpatuloy ang pag aarnis.
Maya maya pa,biglang may pumalakpak,galing yun sa may pinto. Napasulyap ako don at ganon nalang ang inis ko nang makita si Francis.
Anong ginagawa niyan dito?
Ewan ko pero mainit talaga ang dugo ko sa isang yan. Napairap nalang ako sa hangin,ang laki pa ng ngiti niya ah.
"Hey!Kamusta kayo?." Ngiting bati niya.
BINABASA MO ANG
My Highschool Life (Junior) COMPLETED
Teen FictionA Highschool Life With a Twist? A new Generation can Exist. Makakaya kaya ng mga estudyanteng millennial ang maagang pagsubok na ibibigay sa kanila? What do you think if,your highschool life turned to a cool but hard life?
