LIFE:25

34 4 2
                                        

LIFE 25: New.

Fritz Pov.

Saan naman kaya sila pupunta at ganon nalang katagal namin silang hindi makikita?. Ang boring dito ah… Nandito nga yung mga kailangan namin,pero yung babaeng mahal ko wala naman. 

Kakarating lang naman dito sa mansyon na binili daw ni Rainee para sameng tatlo,dito daw muna kami hanggang sa makarating sila. Pero sabi sakin ni Angel,Buwan daw sila mawawala,text text nalang daw kami pero hanggang ngayon hindi niya parin sinasagot mga text ko sa kaniya.

Baka busy na sa iba!.

Anong busy sa iba?. Naku subukan lang nila. Buysit tong isip ko!Hayss makapag ML na nga lang. Teka?Nasan ba si Hunter.

Bumaba ako ng kama ko at isinuot ang tsinelas na ibinigay saken ng Angel My Love ko.Hehe.

😄

Napakalawak ng mansyon na to,eh tatlong lang naman kami,nagkikita pa kaya yung mga taong dating nakatira dito?Hm?. Mukhang hindi,eh sa lawak ba naman ng hallway na nilalakaran ko,hindi ko alam kung saan kwarto ni Hunter dito. 

Isa isahin ko nalang kaya?. Kumatok ako sa unang pinto sa kanan,nakabukas yun pero walang tao sa loob,at nakatakip ng purong puti na kurtina ang mga gamit sa loob. Ganun din ang pangalawang pinto sa kanan. At pagdating sa pangatlo. Maingay dito palang sa labas. Pag bukas ko ng pinto,ayos parang nasa Disco Bar lang ang peg.

"Dre!." Tawag ko kay Miguel na ang panay sayaw. Mukang hindi ako narinig ng ugok.
"Dreee!." Ay putcha! Walang talab! 

Naglakad ako patungo sa patayan ng tunog. Si Miguel parang tanga na niyuyogyog yung ulo habang nakapatong sa kama.

Ano na naman kayang nakain ng ugok na to?

Pinindot ko ang pause,mukhang nagising ang tanga kaya napabaling siya sa direksyon ko na nang lilisik ang mata.

"WHAT THE…." nanggagalaiting sabi niya.
Napabungisngis nalang ako sa itsura.

Bigla nalang siyang tumalon mula sa kama at hinabol ako. Agad naman akong tumakbo palayo sa kaniya. Naghabulan kami hanggang sa bumukas ang pinto at pumasook don ang walang emosyong mukha ni Hunter.

"It's noisy down there. Stop it." Sabi niya na may mapupungay na mga mata. 

"Your drunk." Si Miguel. Tumawa si Hunter ng bahagya.

"No. Im not." Sabi niya at nakapamulsang naglakad patungo sa kama.

Bumaba na si Miguel sa kama at tumabi kay Hunter,ganun din ang ginawa ko.Namayani ang katahimikan saming tatlo.

"Ang boring no?." Basag ko sa katahimikang nagaganap.

Hindi ba sila na bobored?. 

"Yeah...Malapit na intramural...at napansin ko ding,malapit lang tong mansyon na to sa School." 

Napaisip ako sa sinabi ni Miguel. Oo nga no?Malapit lang at...tumayo ako at sinilip ang bintana mula dito sa kwarto niya. Nasa likod lang ata kami ng school. Weird.

"Sa tingin niyo,bakit sobrang lapit natin sa school?." Si Hunter. 

Hindi ako sanay na ganito siya. He's cold personally is irritating me.

"S-Siguro...para safe?." Patanong na gagad ni Miguel.

Napabuntong hininga ako. Naupo ako sa tabi ni Hunter. 

"It's for our own good,Dre." Sabi ko kasabay ng pagtapik sa balikat niya.

Sandaling katahimikan ang namutawi saming tatlo. Hanggang sa pumasok si Mark sa kwarto na humihingos. Mukhang hinanap kami ng ugok.

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon