Life:4

51 11 0
                                        

LIFE 4: MEETING

Rainee Pov

"So? Kelan nga ang date?." si Miarah na nakapalumbaba sa table.

"Hmm? Wala akong maisip na date eh." si fiona. Nakapalumbaba din.

"How about you Rainee, may naisip ka na bang date?." si Angel.

"Wala ri-." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang hinampas ni Fritz ang table at tumayo.

"Ano ba girls? Ganyan ba kayo mag meeting?." iritang sabi niya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Angel."What now Angel?." iniripan lang siya nito at muling nagpakalumbaba. Bumuntong hininga naman ako bago magsalita.

"Okay, boys suggest naman! Ang tahimik niyo eh!." inis na sabi ko. Nagsi angat naman sila ng tingin at sinamaan ako."What?." inis na tanong ko.

"July 25."biglang singit ng Miarah. Pumunta siya sa harapan at muling nagsalita." We're going to open intramural in July 25. And about the practice In SingDance Contest? Next Week ,siguro?.."Nilagay niya ang mga daliri niya sa baba, na parang nag iisip."Yeah, The practice is In Monday." desididong sabi niya. Tumayo naman si Miguel at nagsalita.

"No, I think it'll be on July 30." pag tutol niya kay Miarah. Tinaasan niya naman ito ng kilay.

"And Why is that?. Na calculate mo ba?." sarkastikong sabi ni Miarah. Nakatingin kaming lahat sa kanilang dalawa. Habang sila nagbabangayan sa harap. Mahaba ang table kaya nakalingon kami sa knanila.

"Tsk. Hindi purkit magaling ka sa math, mamaliitin mo na ako?." maangas na sabi ni Miguel. Inirapan siya ni Miarah at itinuon ulit ang atensyon samin.

"The Decision is final, July 25 is the start of intramural. The practice is on Monday. And that's on next week na already."Desididong sabi ni Miarah na seryoso ang mukha. Sungit talaga.

"I agree." si fiona.

"Me too." Si Angel.

"Pasensya na pare, pero I agree with Miarah." Si Fritz. Halatang iniasar si Miguel.

"Yeah." Si Mark. As usual may nakalagay na headset sa batok niya.

"Fine then." Si Kuya Ej.

"Tsk. Okay." Si Hunter. Parang walang pakelam sa nangyayari.

Pumihit ang ulo nila sakin, may nagtatanong na mga tingin. Naalala ko hindi pa pala ako sumasagot. Mabilis akong tumango dahil hindi ko na nakayanan ang masamang titig nila saken.

"O-Oo Naman. Yes. I agree."Mabilis na sagot ko.

"Good. I think, this is the end of this meeting, thank you for all your cooperation.." seryosong sabi ni Miarah at kinuha ang bag niya. Sumunod kami sa kaniya. Nag ayos narin ang boys.

Sabay-sabay kaming lumabas sa SSG Office. May mga natira pang estudyante. Class Hours ng mga pang hapon. At kami namang mga pang umaga ay uuwi na. Kinalabit ko si kuya, na agad namang tumingin sakin.

"Kuya.Tumawag na ba si papa? Nakasimangot kasi si mama kanina eh."

"Yeah. Nasa meeting sa ngayon sa Organization." sabi niya habang nakatingin sa daan.Tumango lang ako at tumabi na kila Fiona.

Pagdating namin sa labas nakita ko na si Manong Ardie na nakangiting nakatingin samin.Nginitian ko lang siya. Nagpaalam na ako kila Miarah, Angel at Fiona bago pumunta sa harap ni Manong  Ardie.

"Good Afternoon Manong Ardie." ngumiti lang siya at Pinag bukasan ako ng pinto. Napahinto ako ng hindi pa pumasok si kuya at nanatiling nakikipag usap sa tropa niya."Kuya!Tara na!." yaya ko. Lumingon siya sakin at tinanguan ako.

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon