Life:47

11 1 0
                                        

LIFE 47: Time Flies.

Rainee's Pov.

5 years Later…

Habang dumadaan ang mga araw,parang lumalawak din ang pagitan naming magkakaibigan. Bumibilis ang oras kapag may ginagawa ka,minsan nga hindi natin namamalayan na oras na pala ng pahinga.

Trabaho,eskwela. Sabi ng iba masarap daw maging mayaman,walang problema sa buhay, nagpapakasasa lang sa pera.

Pero hindi,ang Diyos na ang may sabi na pantay pantay ang tingin niya sating mga tao. Walang mayaman,walang mahirap.

Kesyo mayaman ka,hindi parin sapat kung hindi ka naman masaya. Kung mahirap ka naman at may masayang pamilya, bonus na yon,swerte ka at napaparamdam niya sayo ng tama,ang pagmamahal niya. Sadyang may mga bulag lang na tao katulad ni Eville.

"Mukhang malalim ang iniisip mo Rainee? Kelan niyo ba ako papakawalan dito sa kulungan niyo?."

Walang emosyon kong binaling ang tingin ko kay Eville. Ngumiti ako.

"Siguro… kapag butot-balat ka nalang."

Natawa siya. Malakas. Na halos mag eco ang tawa niya sa buong kulungan.

"At sa tingin mo mapapatawad ka ng mga kaibigan mo,kapag nalaman nilang…isa ka paring Agent?." 

Seryoso ko siyang tinignan. "Hindi… pero sisiguraduhin kong patay ka na, bago  pa nila malaman."

Tumayo ako at lumabas. Masyado nang madaldal ang matanda na yon. Lalo siyang tumapang nang makulong siya dito. Akala mo naman may magagawa.

Hindi parin siya nagsisisi sa mga kasalanan niya. Ang pagpatay niya kay Timothy ang hindi nagpapatulog sa kaniya sa gabi.

Napabuntong hininga nalang ako at sumakay ng kotse. Sinubukan kong tawagan si Fiona pero busy ang linya niya. Sinunod ko naman si Miarah,pero ganun din. Akala ko hindi sasagutin ni Angel,pero ilang ring lang sinagot niya.

"Hello?."

Napangisi ako ng marining ang seryosong boses ni Angel. Ilang taon narin ang nakakaraan,marami na ngang nagbago.

"It's me."

"Who?."

"Rainee."

"Ow? Sorry... ikaw pala yan. Kamusta?."

Kahit ang seryoso ng boses niya,may nararamdaman pa naman akong sincere siya sa pangangamusta niya.

"So far,good.… I want to set up a meeting with you and our friends,kaya ako tumawag."

"Is there a problem in your company?."

"Of course,wala."

"So,para saan ang meeting?."

"To just have fun?."

Sandaling natahimik sa kabilang linya bago ko narinig ang buntong hininga niya.

"Your in states,right?."

"Yes. Why?."

"Hindi mo ba alam?."

"About what?."

"May sumasabutahe sa kumpanya nila Miarah…I thought you know about this."

What?!

_____

Fiona’s  Pov.

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon