Life : 14

31 5 0
                                    


LIFE 14: NALILITO.

Lylin's Pov.

Friday Morning....

Mag iisang linggo na pala ako sa school na yun. Nakakapanibago. Sabi kasi ni Fiona sakin baka mag karoon na daw ako ng Fans club. Natawa ako sa kaniya, ang seryoso kasi ng mukha niya habang sinasabi yon saken.

Pero nitong mga nakaraang araw, parang unti unti sila naging weird. Si Rainee, nagulat siya ng makita si Hunter. Pero may napansin ako ng makita niya si Hunter huwebes ng umaga. Yun nga nagulat siya ng makitang pumasok si Hunter at tinadtad ng maraming tanong. Yung totoo? nakakatakot si Rainee nung umaga nayon. Kitang kita ko sa mata niya yung pag aalala at galit. Ito namang si Hunter, bigla nalang nag walk out habang tinatadtad siya ng sermon ni Rainee.

Flashback:

"H-Hunter?." napatingin ako kay Rainee na parang takang taka kung bakit nandito si Hunter.

"Why?." inosenteng tanong ni Hunter habang nakakunot ang noo kay Rainee.

"San ka galing kahapon? At bakit hindi ka umuwi ng bahay niyo?." napahinto kaming lahat sa gitna ng hallway dahil sa sunod sunod na tanong ni Rainee.

"Tsk. Pake mo?." sarkastikong tanong ni Hunter sa kaniya.

Lumapit naman kami, Miguel, Fritz, Mark, Ej, Rose, Fiona,at Angel. Para kasing anumang sandali sasabog na sa galit si Rainee.

"Huh? Anong pake ko? Ha!." hindi makapaniwalang tanong ni Rainee. Lalo namang nalito si Hunter sa nangyayari kay Rainee ngayon.

"Ah... Rainee, Hunter sa meeting room niyo nayan ituloy, pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante." singit ni Miarah.
Seryoso namang tumingi si Rainee sa kaniya.

Binalik niya ang tingin kay Hunter.
"Sumunod ka." ma-awtoridad na utos ni Rainee.

Nauna siyang maglakad at nag sisunod naman kaming parang tanga. Nakayuko pa sila Fritz at Miguel.

Mukhang Tiklop to kay Rainee ah!

Nang makarating kami sa Meeting Room. Naabutan namin si Rainee na nakapamaywang sa harap ni Hunter.

"Now, Explain!." galit na utos ni Rainee.

Tumuloy kami sa pag pasok at umupo sa silya sa mahabang mesa. Nakatingin kaming lahat sa kanila at parang handa sa lahat ng mangyayari.

"Explain what, Rainee?!." sigaw ni Hunter sa kaniya.

"Bat hindi ka Umuwi kahapon? San ka nag punta? Bat hindi ka ma contact ng mga magulang mo?." tumingin si Rainee kila Fritz at Miguel na nag iwas lang ng tingin. "Kayo? San kayo galing?."

"K-Kasama kami ni H-Hunter." kabadong sagot ni Fritz.

"Why we need to explain, everything to you Rainee?."

Biglang may pumasok sa pinto ng kwarto. Kaniya kaniyang pihit naman kami ng ulo sa direksyon na yun.

Si Francis at Mikael.

Nawala ang ngiti nila ng makitang seryoso kaming lahat.
Nakayuko silang pumasok.

"Because.. Arggh! Just explain, Hunter! Nakita ka na ba nila Tita?."

"Tita? You mean, magkakilala kayo ni Mom?." umiwas ng tingin si Rainee.
"Ano? Rainee, magkakila kayo? Ano pang sikreto mo Rainee, Huh?." sunod sunod na sabi ni Hunter.

"I will explain my side to you when we are in vacant next week." walang emosyong boses ni Rainee.

"Then I will explain my side too, if we are in vaction." diing sabi ni Hunter at naglakad palabas ng room. Pero tumigil siya ng marinig ang nag aalalang tinig ni Rainee.

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon