LIFE 18: Identity.Fiona's Pov.
Kabado?. Yan ako bukas. Ngayon palang!. My Gosh! Kahit ang lamig ng aircon dito sa palasyo nila Rainee, pinapapawisan yung kilikili ko. Iw.
Nandito na kami ngayon sa kwarto naming tatlo. Hindi ako makatulog. Kasi naman, bukas na namin sasabihin. Bakit ba ko kinakabahan? Ang O.A ko na tuloy. Nahihilo na ako dito dahil hindi ako mapakali. Panay ang ikot ko dito sa kama ko.
"Hey! Fiona, can you stop doing that? Nakakahilo ka na!." tumalikod ng pwesto si Miarah sakin.
Hindi ba sila kinakabahan?
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Pero ilang sandali lang ng narinig kong tumunong ang cellphone ko. Hindi ko nalang pinansin. Kaso bigla nalang nag salita si Angel.
"Ano ba Fiona! Sagutin mo na nga yan!." inis na sabi niya. At tumagilid ng higa.
Ano bang problema ng mga to? Magkakahiwalay naman kami ng kama ah!.
Inis kong inalis ang kumot ko at kinuha ang cp ko sa side table.
Mr. Sungit Calling......
Anu ba to? Gabing gabi na!
"Bakit? Gabing gabi na napatawag ka pa?."
"Sowe naman, Miss Taray, Namiss lang kita!."
"Miss mo mukha mo! Anu bayun?."
"Hindi ako makatulog, kakaisip sayo eh."
Naramdaman kong nag init ang mukha ko.
Peste! Ang rupok ko talaga!
"Oh?Ano,speechless ka? HAHAHA!."
Ay! Gagu! Pagtawan daw ba ko?.
"He! Manahimik ka nga dyan! Gabing gabi na bumabanat ka pa. Eh kung banatan kita ng malutong na sapak ha?! You want?."
"Malutong na kiss, oo."
"Buysit! Manyak!."
Inis kong pinatay ang tawag. May tinatago talaga tong kamanyakan si Mark. Hindi lang halata dahil ang tahimik niya. Kung pagkalat ko kaya yung kamanyakan niya?. Ay! Hindi pede! Malalaman nila na may relasyon kami. Teka? May relasyon nga ba kami?.
Wala kayong label! HAHAHAHA!
Ay!Buysit na Author! Hindi ka pa namatay!.
Mauna ka!
Inis akong humiga ulit. Pinilit kong makatulog hanggang sa kusa ng bumagsak ang talukap ng mga mata ko.
Kinabukasan.....
Yown! Sarap ng tulog ko. Tinignan ko ang dalawa sa higaan nila. Mga tulog mantika pa! Ang ganda ng sikat ng araw,galing sa bintana. Makapag selfie nga. Kinuha ko ang cp ko sa side table.
In open ko yon at pinindot ang Instagram App. Maganda kasi ang mga stickers dito. At filter narin.
Pak! Pak! Ganda ko. Click! Yan pa!
Tabingi ng ulo dito, tabingi ng ulo don. Smile. Pak! Oh Gan----"Mukha kang tanga!." biglang salita mula sa likod ko. Nabitawan ko ang cp ko dahil don.
Inis kong nilingon ang hinayupak na yun. Namilog ang bibig at mata ko.
What Theee!!!!
"Markkkk!!! Arghh!." sigaw ko. Nagtatakbo naman siya dahil sinimulan ko na siyang habulin.

BINABASA MO ANG
My Highschool Life (Junior) COMPLETED
Teen FictionA Highschool Life With a Twist? A new Generation can Exist. Makakaya kaya ng mga estudyanteng millennial ang maagang pagsubok na ibibigay sa kanila? What do you think if,your highschool life turned to a cool but hard life?