Life:20

27 4 0
                                        


LIFE 20: Bisita.

Miguel's Pov

Anu ba tong nangyayari? Nasisira na kagwapuhan ko dito ah! Agents daw sila? Oo naniniwala ako, pero ano namang kinalaman ko dun? Hays!

At anu daw magiging Agents kami? At may magbabanta sa buhay namin? Sino naman? Yun ba yung nakaraang nangyari sa parian? Yung mga naka ninja outfit? Teka? Kamusta na kaya si Miarah? Nasaksak yun ah? Pero mukhang ok naman na siya. Parang wala ngang nangyari.

Nawala ang malalim kong pag iisip ng bigla nalang sinubo sakin ni Fritz ang dala niyang pizza.

"Yan! Kanina ka pa tulala diyan, ang tahimik mo? May problema ba dre?." sabi niya habang busy sa pag aayos ng Pizza sa mesa dito sa kwarto namin.

"Tch! Saan mo naman nakuha yan? Ang takaw mo! Kaya pati ako nahahawa narin sayo! Baka ayaw na ako ni Miarah!." nakangusong sabi ko.

"Ha! Mabuti ka nga dre, kinakain yung mga binibigay ko, tignan mo kinakain mo yung binigay kong pizza sayo!." napatingin ako sa hawak ko.

"Oh? Eh anu naman?." takang tanong ko.

"Eh galing na yan sa bunganga ko eh!." malakas na boses na sabi niya. At malakas na tumawa.

Ako naman nagtatakbo sa banyo para durain ang pizza na nasa bibig ko. Yak! Kainis! Nag mumumog ako at inis na lumabas ng banyo.

Paglabas ko, wala ang ugok na si Fritz! Nasan naman kaya yun. Nilibot ko na ang bawat sulok ng kwarto, pati ilalim ata ng kama tinignan ko na. Pero wala siya! San naman kaya nag punta ang ugok na yun?.

"Mukha kang tanga."

Bigla nalang may nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako. Gulat akong napatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya dito? Kwarto ng mga lalaki to! Tsk. Tung babae na to talaga.

"Oh? Bat nakanganga ka?." natatawang sabi niya. Umupo siya sa sofa. Nagcross arms at nagpandekwatro.

"A-Anong ginagawa mo rito?." takang tanong ko.

"Binibisita ka malamang." sarkastikong sagot niya. Nangunot namana ng noo ko.

Binibisita?

"I-Ikaw? Bibisitahin ako?.." takang tanong ko sakaniya.

"Tsk. Joke lang! Napag utusan lang."

Tumango nalang ako at tumabi sa kaniya. "Bakit? Anong kailangan mo?."

Bumuntong hininga siya bago sumagot. Malumanay ang tingin niya sakin.

"Miguel, naiintindihan mo ba yung mga nangyari kanina? Anong reaksyon mo? Tahimik ka lang kase kanina." may pag aalala sa tanong niya pero hindi na ako mag aasume.

Tumikhim ako bago magsalita.
"O-Ok lang ako, Medyo na shock lang, pero don't worry, I-Im okay." utal na sagot ko.

Tumango tango naman siya.
"Sige. Gusto ko lang sabihin na. Im sorry and Sana mag iingat na kayo sa susunod. Stick with us, Okay?." Hindi ko alam kung malambing lang ba yung tono niya, pero ayun yung pag kakarinig ko eh.

Ibang Miarah ata kaharap ko ngayon.
"A-Anong nakain mo?."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya napairap nalang siya.

"Tss. Anong nakain pinagsasabi mo dyan?."

Ay! Kala ko bumait na!.

"W-Wala."

Matapos nun, naging tahimik na kaming dalawa parang nag papakiramdaman kung sinong unang magsasalita.

"Oo nga pala."

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon