LIFE 48: The End 1
Rainee's Pov.
"What's happening again?."
The truth is, I really don't know what's happening in my bestfriend. Napatingin ako kay Mark na naghihintay ng sagot.
"Sinasabutahe daw yung kumpanya ni Miarah."
Tumango siya at tumayo. "Kakausapin ko si Miarah."
Tumayo ako. "Wag na. Pupunta tayo ngayon sa kumpanya niya. May meeting sila ngayon kasama ang iba pa naming kaibigan."
Nginisian niya ko. "You changed a lot. Sa tinagal tagal nating magkasama,bakit hindi pa tayo magpakasal?."
Agad ko siyang sinapak. "Anong kasal?! Baliw ka na talaga."
Napailing nalang ako sa kakulitan niya. Lagi niyang sinasabi yan sa oras na seryoso ang usapan namin. Ang hilig niyang magbiro tungkol sa kasal na yan.
"Just kidding. Tara na. Baka malate ka sa flight mo."
Napatigil ako sa paglalakad at tinignan siya. "Sumama ka."
"Ayoko."
Sabi na eh
"Sumama ka parin."
"Ayoko nga ."
"Mark...para kang bata. Wala nang pakelam sayo si Fiona, kaya hindi ka na dapat kabahan."
"Hindi parin ako sasama."
"Sumama ka, o sasama ka."
"Pakasal muna tayo."
Agad ko siyang binatukan. "Amputa! Ano ba Mark? Kung kelan tumanda edad mo tyaka ka naging isip-bata."
Bumuntong hininga siya at lalamya-lamyang umupo. "She already have a boyfriend."
Kumunot ang noo ko. "Alam ko. At bakit ka naman nagmumukmok dyan? Eh hindi pa naman sila kasal?."
"What do you mean?."
"Mas kilala ko ang Bestfriend ko kesa sayo,Mark. Kaya tumayo ka na dyan. Malelate na ako!."
Wala na siyang nagawa kundi sumunod nalang. Pagkarating sa building nila Angel, agad kong nakita ang mga empleyado na busy sa kakapindot sa mga computers nila.
May maglalakad sa kanan,kaliwa,may mga nagkakabungguan. Halos lahat focus sa mga ginagawa nila.
"What do you think about this?! Huh!? Mali tong gawa mo! Nakakairita ka na ilang beses na ba kitang sinabihan na full record ang kailangan ko?!."
Agad na nangunot ang noo ko ng marinig ang sigaw na yon. Lahat ng mga naglalakas kanina ngayon ay nawala na ng parang bula.
"E-Eh k-kasi po Ma'am Miarah...N-Nag-pautos po ng ibang gawain si--."
"I said unahin mo yung inuutos ko diba?!."
"S-Sorry po Ma'am."
Agad akong lumapit kay Miarah at hinawakan siya sa balikat. Lumipat ang masamang tingin niya sakin. Nung una akala ko mawawala yon pero,kung pano niya tinignan yung empleyado ganun din sakin.
"What?." Huminahon ng konti ang boses niya pero nandun parin yung galit.
"What's the problem here?."
"And what are you two doing here?."
Naiangat ko ang tingin kay Mark na nakasalubong na ang kilay ang hindu maintindihan ang inaasta ni Miarah.
BINABASA MO ANG
My Highschool Life (Junior) COMPLETED
Teen FictionA Highschool Life With a Twist? A new Generation can Exist. Makakaya kaya ng mga estudyanteng millennial ang maagang pagsubok na ibibigay sa kanila? What do you think if,your highschool life turned to a cool but hard life?
