LIFE 22: Missing memory.Angel's Pov.
Hindi ko alam ang gagawin ko nung nakita kong nakahandusay sa lupa si Rainee.Ano bang nangyari sa kaniya?.Sobrang nag aalala ako.
Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. Thursday na at wala pa kaming nauumpisahan para sa contest.Bakit naman ganito kahaba ang pahinga niya?.Pinatawag na namin ang private nurse niya,sinabi niya lang samin na medyo matatagalan bago magising tong si Rainee. Naalog din daw yung utak?Tsk.Wala namang sakit tong si Rainee sa pag kakaalam ko.
Nandito ako ngayon sa tabi niya,cp lang.Habang sila Miarah at Fiona, inuumpisahan na ang practice.Alam ko namang nag aalala rin sila sa kalagayan ni Rainee ngayon.Hays.
Umayos ako ng upo para makaharap kay Rainee na tulog na tulog.Nasa gilid ako ng kama niya.
"Hoy Rainee!Gumising ka na nga dyan!Wala pa tayong nauumpisahan!Adik ka!May sakit ka pala!Hindi ka nagsasabi samen!Baliw!Baliw ka kay Hun----."
"Rinig kita ugok!."biglang salita ni Rainee na ikinagulat ko.Nakapikit pa kasi siya tas biglang magsasalita!
Buysit tong babae na to!.
"A-Ano ba!."singhal ko sa kaniya."Bakit ba nanggugulat ka?!."sabi ko sabay hampas sa braso niya.
"TSS." Singhal niya at dahan dahang umupo."Sakit ng ulo ko." Sabi niya kasabay ng paghilot sa sintido.
Nagcross arm ako at seryosong tumingin sa kaniya. "Panong hindi sasakit ang ulo mo?Eh tatlong araw kang tulog?."
Nakita ko ang gulat at pagkalito sa mukha niya."T-Tatlo?Pano nangya----AHHH!!!." Biglang sigaw niya kaya nataranta ako.
Hinawakan ko siya sa braso.Sinasambunutan na kasi niya yung sarili niya.Halatang may iniindang sakit.
"R-Rainee!."sabi ko kasabay ng pag alog ko sa kaniya."T-Tulong!." Sigaw ko.
Parang walang nakakarinig sakin.Hindi ko narin alam ang gagawin ko,patuloy lang sa pagsigaw si Rainee ng biglang bumalibag ang pinto at iniluwal non ang nag aalalang si Francis?.
"R-Rainee?." Sabi niya sabay lapit kay Rainee.Napaalis ako sa pwesto ko dahil sa biglaang pagtulak niya.
Ha?
"Rainee!Hey!."
"AHHHH!CLYDEE!!."
Kasabay ng pagsigaw ni Rainee ang biglaang pagkawalan niya ng malay.Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang mga butil ng pawis sa noo niya.Halata sa mukha niya na nahirapan siya ng sobra.Ang putla niya!
"F-Francis,k-kailangan natin siyang dalhin sa ospital." Nanginginig na sabi ko.Hawak hawak ang kanang kamay ni Rainee.
"Where's your friends?bat wala sila dito?Hayss!."gigil na sabi niya.Kinuha niya ang phone sa bulsa niya at nag dial ng kung ano.
"Yes.We need it.Now!!!." Biglang sigaw niya na ikinagulat ko.
Bakit parang galit na galit siya?
Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok sila Miarah,Fiona,Mark,Lylin,Rose,Hunter,Fritz,at Miguel.Nag aalala ang mga mukha nilang lumapit sa namumutla nang si Rainee.
"What happened?." Tanong ni Miarah at hinawakan ang pulsuhan ni Rainee.
"Nagising siya,t-tapos,nakapag u-usap naman kami ng maayos. Bigla nalang siyang sumigaw,s-siguro dahil sa sakit.." naiyak na ako.Hindi ko rin alam ang gagawin ko .
Bigla nalanng may humagod sa likod ko.Hindi ko na kailangan tignan dahil parang alam ko na kung sino.
"Come on."biglang salita ni Francis dahilan para mapatingin kami sa kaniya. Lumapit siya kay Rainee at bigla nalang niya itong binuhat ng bridal style. Lalakad na sana siya ng bigla siyang harangin ni Hunter.Nagpapalitan kami ng tingin sa kanilang dalawa.
"Bakit kailangan ikaw ang mag buhat?."seryosong tanong ni Hunter. Nagsalubong naman ang kilay ni Francis.
"Ano namang pakelam mo?Wala ka ngang pake diba?ikaw ang nagsabi niyan sa kaniya.." bara sa kaniya ni Francis.
Binundol ni Francis ang balikat ni Hunter at dire diretsong nag lakad.Napasunod na rin kami.
Naiwang tulala si Hunter sa kwarto.Paglabas namin isang Lamborghini Car ang sumalubong samin.Na shock pa ako.Unang pinasok si Rainee sa loob,umikot si Francis at tumabi kay Rainee.
Anong meron sa kanila ?
Napangiwi nalang ako.Inalalayan akong pumasok ni Fritz na pumasok.
Nag nakapasok na kaming lahat."Go Faster." Malamig na sabi ni Francis.
Andami ko nang iniisip dumagdag pa tong si francis.Ano bang meron sa kanila?Bigla nalang ako napatingin kay Lylin na nakababa lang ang tingin.Alam ko siya yung laging kasama ni Francis di ba?.Bakit parang ako yung nasasaktan para sa kaniya?Babae ako kaya nahahalata ko rin na may gusto siya kay Francis.
Hindi rin nagtagal ang byahe at nakarating narin kami sa hospital. Teka!Bat nagmamadali?. Ito kasing si Francis parang may hinahabol eh.
Pag pasok namin sa hospital agad na tinulangan ng mga nurse si Francis na ilagay sa stretcher si Rainee.Hindi na kami nakasunod dahil pinagbawalan narin kami ng mga nurse na pumasok sa emergency room.
Matagal din kaming naghintay sa Waiting Area nang biglang dumating si Tita Jas.
"Where's Rainee?." May pag aalalang tanong ni Tita.
"Nasa emergency room na po tita." Sagot ni Miarah.
"How is she?."
"Hindi pa po namin alam Tita.Inaantay pa po namin yung doktor."sagot ni Fiona.
Napabuntong hininga nalang si Tita at tumabi saken.Hinawakan ko siya sa balikat at nginitian.Saglit pa kaming nag hintay hanggang sa dumating ang doktor.
"Where's the Guardian of the Patient?."
Napatitig nalang ako sa doktor.Grabe may gantong nilalang pa pala sa mundo?.Mukha siyang kaedad nila Tita Jas.Matipuno at mukhang binata pa.Pero makikita mo sa itusra niya yung edad niya.Mga nasa Early 30's.
"How's my Daughter?." Tanong ni Tita Jas.
"She's fine.Actually unti unti nang bumabalik ang ------."
"Dun nalang natin pag usapan yan."putol ni Tita Jas sa sasabihin ng Doktor.
Naglakad paalis sina Tita Yas at yung Doktor.
Wala naman na kaming ibang magagawa kundi ang maghintay.Pero bago pa makalayo sila Tita Jas:"T-Tita."biglang tawag ni Francis.Napalingon kami sa kaniya.
Hindi ko maintindihan yung ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.Parang masaya na kinakabahan.Hayss Ewan!
"F-Francis?." Takang tanong ni Tita. Mula sa pagkatalikod humarap si Tita."I-Ikaw nga.K-Kamusta ka?."nagpilit ng ngiti si Tita.
Magkakilala sila?Kelan pa?.Ang gulo ng mga nangyayari!
"Ok naman Tita.How are you?." Ngiting tanong ni Francis.
Nagulat ako ng bigla nalang may lumapit sa tabi ko.Pag lingon ko si Fiona at Miarah lang pala.Malamang mang chichismiss na naman to.
"Magkakilala sila?." Sabay nilang tanong sakin.
Sinasabi ko na nga ba!
Napailing iling nalang ako.Grabe talaga tong dalawa na to.
"Ewan ko."kibit balikat na sabi ko.
Binalik ko ang tingin ko kay Francis na ngayon ay seryosong nakatingin kay Tita.Parang nag uusap sila sa pamamagitan ng mga tingininan nila.
Bigla nalang silang umalis ng sabay kasama ang Doktor.Anu ba talagang nangyayari?
Pero bago pa sila makalayo dumating naman si Tito Jerome.
"Zaine?."
°°°°°°°°°°°°°
A/N: sorry sa mabagal na update.Busy sa Online class.Salamat sa mga nagbabasa parin neto.God bless you 🙏
Till The Next Update ❤❤
CHUBBYGURL30🤗🤗
BINABASA MO ANG
My Highschool Life (Junior) COMPLETED
Teen FictionA Highschool Life With a Twist? A new Generation can Exist. Makakaya kaya ng mga estudyanteng millennial ang maagang pagsubok na ibibigay sa kanila? What do you think if,your highschool life turned to a cool but hard life?