Life:16

37 5 0
                                        

LIFE 16: Baguio.

Rose Pov.

"Happy Baguio Day!." mukhang tanga na sigaw ni Fritz.

Grabe, sobrang haba ng byahe namin, haba rin ng tulog ko. Ang lamig pa sa bus, pakiramdam ko nga ayoko ng bumaba kanina eh. Jk. Sobrang lamig dito sa Baguio. Alam mo yung feeling na parang nasa ibang bansa ka? Ganun yun, kaso nga lang, nasa Pilipinas ka pa rin, purong mga Pilipino yung mga nakikita ko pagbaba ko palang ng Bus.

May naka costumes ng pang Ita. Marami ring nagtitinda ng kung ano anong souvenir, tulad ng bracelet, necklace at t shirt. Parang ngayon palang gusto ko ng bumili. May mag magpapamilya rin na magkakasamang nag pipicture. Meron ding sumasayaw ng pa ikot tapos naka costume sila ng parang balahibo ng manok.Ang saya nilang pagmasdan para silang mga walang problema.

Kanina ko parin napapansin na ang tahimik ni Lylin. Kanina sa bintana lang siya nakatingin. Hanggang sa nakatulog na siya. Tapos pag tinanong ko kung okay lang siya, tango lang ang sinasagot niya. Malapit na akong mainis

Nandito siya sa tabi ko ngayon, sabay kaming naglalakad. Nakatingin lang siya sa paligid. Hawak hawak niya yung malong niya. Lahat ata kami naka backpack. Ang lalaki ng mga dala namin maliban sa isa. Kay Rainee. Ang cool niya sa soot niya. Kanina ko parin napapansin na parang ang saya niya. Hindi sa ayoko siya maging masaya pero hindi lang ako sanay. Minsan kasi ang sungit ng itsura niya at parang nakakatakot kausapin.

Huminto kami sa isang Gate. Malaki yung gate at gawa sa bakal. Parang dito palang mapapansin mo na malaki yung lugar sa loob. Huminto ang tourist guide na kasama namin. Hindi napansin na may kasama pala kaming ibang tao.

Humarap samin ang tourist guide.
"Ito po ang isa sa mga bahay ng Evarez. Dito po kayo tutuloy sa isang linggo niyong bakasyon. Enjoy your staying!."

Evarez?

Si Rainee yun diba? So sa kanila pala to. Wow.
"Enjoy staying Maam Mae." sabi niya na nakaharap kay Rainee.

Mae?Ah. Rainee Mae pala siya. Ang ganda ng pangalan niya.

"Salamat Mang Basing." Nakangiting sabi ni Rainee. Tumango lang si Mang Basong-----Ay este Basing kay Rainee.
"Gurls and Boys Feel at Home lang."

Bumukas ng kusa ang gate ng itinaas ni Rainee ang kamay niya.

Hala?May powers?.

Tumuloy kami sa loob. Bumungad sakin ang napakalawak na hardin. Teka? Hardin pa ba to? O golf course?. Puro green yung nakikita ko sa lupa. Napaka linis tignan at halata na alagang alaga. May mga nakikita pa akong tao na mukhang nagdidilig. Tapos may mga tao rin na ginugupitan yung mahahabang damo.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, huminto si Rainee at parang may kinawayan. Tinignan ko ang direksyon na yun at nakita ko ang Nakangiting may edad na, nag gogolf ata siya.

"Good Afternoon Manong Ardie. Kamusta byahe?." tanong ni Rainee nang makalapit kami.

"Okay naman iha. Maraming salamat at isinama mo ko dito. Nandyan ang kuya mo sa loob kanina pa kayo inaantay." nakangiting sabi ni Manong Ardie daw?.

Teka?Kuya daw? Eh wala namang ibang kuya si Rainee kung hindi yung Badboy na Mukhang gurang na yun. Si Mike!. Akala ko ba hindi siya nakasama?.

Nagpaalam na si Rainee kay Manong Ardie. Nagsimula nanaman kaming maglakad. Lumiko kami. Bumungad samin ang napaka gandang bahay-----Mansion! Grabe!

"Wow!." Si Francis at Mikael

"Wooahh!." sigaw ni Miguel.

"Ohhh!." si Fritz.

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon