Life:21

35 5 0
                                        

LIFE 21: Hugs.

Hunter's Pov.

Tug*Dug*Tug*Dug*Tug*Dug

B-Bat ko ba ginagawa to?

Bat ko ba siya niyakap?. Tch! I can't believe you self! Grr. Naiinis ako. Timer ba ko? Putcha! Hindi ako ganun!

Kanina pa kami tahimik ni Rainee dito sa sofa ng kwarto namin. Ang awkward. Tsk. Sino ba kasi yung lalaki na yun?.

Kanina bago pumunta dito si Rainee, may lalaking dumating, nakamaskara kaya hindi ko nakilala.

Flashback.

Grabe!Ang init kahit may aircon haha! Teka bat ang saya ko ngayon?

Naglalakad ako papuntang kwarto namin ng may napansin akong nauna sakin. Hindi si Mark yun! Hindi rin naman pwedeng mga kaibigan ko.

Dali dali akong naglakad at dere-deretsong pumasok sa kwarto.
Y-Yung lalaking nakamaskara! Bat naka upo sa sofa?.

Ang presko pa ng upo niya. Kapal! Sino ba to?.

"Who are you?." I whisper.

Ngumisi lang siya pero sarkastiko yon.

Naglakad ako papunta sa kaniya ng biglang namatay ang ilaw sa buong kwarto. Wala akong makita kung hindi dilim. May naramdaman akong presensya sa likod ko kaya nilingon ko yon. Kinapa kapa ko pa, baka sakaling dingding yung mahakan ko pero iba!. Putcha!

Dito na ba ako mamamatay.

"Hello dear." bulong niya na nakapagpatayo ng balahibo ko.

"I s-said, who are you?."

Pilit kong tinatago ang kaba sa boses ko. Baka kung anong gawin sakin nito.

"Hindi mo na kailangang malaman." naramdaman ko ang malamig na bagay sa leeg ko. Naalerto ako pero hindi ko magawang gumalaw.

"Nandito lang ako para paalalahanan ka. Malapit na ang kamatayan niyo. Kayo." diin niya. "Kayo ng mga kaibigan mo. Kaya kung ako sayo wag mong sundin ang sinasabi ng, kung sino mang nagbabantay sa inyo. Lalong lalo na ang pinaka mamahal mong Rainee."

Pagka sabi niya non bigla nalang nawala ang presensya na yun. Pawis na pawis ako. Ngayon ko lang napagtanto. Napaupo ako sa sulok at napayakap sa sariling mga tuhod.

What I have a feeling like this?...... T-Towards you.....

Bigla nalang bumukas ang pinto. Rainee.

End Of Flashback.

"Hunter." bigla nalang may nagsalita sa gilid ko kaya napatingin ako dun.

"W-Why?."utal na tanong ko.

"K-Kanina ka pa kasi tulaley dyan." bahagya siyang natawa. "Ok ka lang ba?."

Ngumiti lang ako at tumango.

"Bat mo nga pala ako niyakap?." diretsong tanong niya.

Hindi ba ang awkward? Bakit nag tanong pa siya?.

Baliw ka! Malamang magtatanong talaga yan!

Pero sasabihin ko ba sakaniya yung nangyari? Yung totoo?. Hindi. Kailangan ako lang ang makaalam nun. Pero, pano? Anong gagawin ko para maprotektahan siya? Eh parang mas marunong pa to magkarate sakin eh.

T-Teka? Ano ba tong iniisip ko? Protektahan si Rainee? Nahihibang ka na ata self!

"Hey, Hunter!." napalingon ako sa biglang pagsigaw ni Rainee. "Ok ka lang ba?." taka ko siyang tinignan.

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon