Life : 12

31 6 0
                                    


LIFE 12:NOTE.

Miarah's Pov.

Note?!

Nandito kami sa parian ngayon at kasalukuyang tintitigan ang papel na nakalagay sa pana na muntik nang tumama kay Hunter. Buti nalang nasalo agad ni Rainee. Grabe! Wala paring mintis yung kakayahan niya.

"Wala naman akong makita!." reklamo ni Fiona. Bumuntong hininga naman si Angel.

"Tara balik na tayo sa kanila. Baka magtaka pa yun bat ang tagal natin dito sa cr." aya ni Rainee. Lalakad na sana siya ng may maalala akong itanong.

"Rainee."tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako."Hindi ba nakita ni Hunter? Yung pana?." kabadong tanong ko.

"Hinde. Pagka ikot ko sa likod niya. Tinago ko sa likod ko yung pana. Nagtanong siya kung anong problema nagdahilan naman ako. Mukha naman siyang naniwala." mahabang paliwanag niya na ikinahinga ko ng maluwag.

"Mabuti naman." sabi ko habang tumatango tango.

Naglakad na kami palabas ng cr ng nakita ko si Mark na mukhang sasalubong samin.

"Pakita niyo saken." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Taka naman siyang tinignan nila Angel, Fiona at Rainee."Come on Girls!, I see that." tumango tango naman si Rainee.

Kahit kailan talaga hindi namin malulusutan ang lalaking to! Tsk.

Binigay ni Rainee ang papel na nakatali sa pana. Sinipat sipat naman ito ni Mark.

"Pahingi ng tubig." utos niya. Binigay naman ni Fiona ang baunan ng tubig niya. Biglang nalang sinasaw ni Mark ang kamay niya sa tubig. Agad namang nag react si Fiona.

"Eww!." maarteng sabi niya.

Pinunas ni Mark ang tubig na nasa daliri niya sa papel.

"This note is called Water Note. Makikita mo lang ang nakasulat kapag binasa mo ng tubig. Here." inabot niya kay Rainee ang papel na agad naman nitong binasa.

Kumunot ang noo ni Rainee. Agad niyang binasa ito.

"Patikim pa lang daw ito." walang emosyon na sabi ni Rainee.

Napailing nalang ako.
"Pag usapan natin ito mamaya sa secret place." biglang salita ni Angel. Nag nod lang kami at nagsimulang maglakad papunta sa boys at SSG Officers.

Pagdating namin. Agad nilang sinumula ang meeting. Inuna ang topic sa Intramural at Foundation day. Matapos ang topic doon. Ang tungkol naman sa First Quarter Examination.

"Sa Augusto na magaganap ang exam. ibig sabihin mas mauuna pa ang Intramural. Yung mga teacher natin, hinanda na lahat ng lessons nila about sa exam. Kaya lahat sila busy. Ang kailangan nalang nating gawin ay sundin ang lahat ng project na ibibigay nila. Nung kinausap ako ng principal natin, she said that, all of the highest section will be having a Special project, Individual, at sa project nayun, 80%ng grade ay dun kukuhanin. At ang 20%naman ay sa exams. Ang sa lower section naman, By Groups, may project din sila, 90%ang kukuhanin doon, at 10%sa exam. Ang ibig sabihin lang niyan
mas mahirap ang projects kesa sa exam. Tayo ang aasikasuhin natin. I mean tayong present na namumuno, FBC, FGC AND SSG Officers ay excuse sa exam. It means yung special project nalang ang pagkakaabalahan natin."

Shinare samin ni Celia ang sinabi sa kaniya ng orincipal. Agad na nag react ang boys. At mukhang nagpapalakpakan ang mga tenga nila sa balita.

"Woahhh! Nice!." biglang react ni Mikael.

Nakapabilog kami at nakaupo, nasa gitna ng bilog si Celia. Nilingon ng boys si Mikael at pinagtakahan ng tingin.

"Ahm. Boys. He's name is Mikael Trinidad. Bagong member din ng grupo niyo like Francis.." paliwang ni Rainee. Nagsitanguan naman ang boys.

My Highschool Life (Junior) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon