LIFE 43: ANGEL AND FRITZ.
Angel's Pov.
"What? You broke up with him?." Pabulong na tanong ni Miarah. I rolled my eyes at her.
Nakakunot ang noo niyang handa ng makischismis. I didn't actually told to her about this,kasi alam kong may problema pa siyang kinakaharap ngayon.
Tumango nalang ako sa kaniya at binaba ng bahagya ang upuan ko. Kinuha ko ang libro sa pocket bag ko. Sandali akong bumaling sa kaniya na ngayon ay napapabuntong hininga. Akala ko hindi na siya magsasalita.
"I hope you'll tell me what happened...Im your bestfriend... I am ready to hear your pains." Malungkot na sabi niya.
Ngumiti lang ako at tinuon na ang pansin sa librong hawak. I don't want to talked it right now,kasi alam kong bibigay agad ako. I don't want him see me in pain. I want to show him how strong I was.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako,nagising nalang ako sa tapik ni Miarah. Malungkot parin ang mga mata niyang nakatuon sakin,para bang gusto niya akong yakapin.
Nang makalabas kami ng airport,nagulat ako ng makita si Mang Ardie at Manong Manolo dala ang limousine ng mga Evarez. Bumati kami isa isa sa kanilang dalawa at sabay sabay na pumasok sa limousine.
Nandito sila dahil sa utos ni Direktor Tie. Sila daw ang magsisilbi samin. Though hindi na kailangan. Nang makarating sa cottage na kinuha nila Rainee, nagkanya kaniya na kaming hanap ng kawarto. Malaki ang cottage parang mini house at nasa private part ng Island ng Boracay. May sariling hot spring sa labas ng veranda at tanaw ang taas ng mga bundok sa malayo. Sa first floor,ay ang sala,kusina,at sa Second floor naman ay ang walong kwarto. 4 sa kanan ng hallway at 4 naman sa kabila,total of 8 rooms. Isa isa kami.
Nasa dulong kwarto ako. Isasarado ko na sana ang pinto ng makitang magsasarado din si Fritz,nagkatinginan kami saglit,agad akong bumitaw ng tingin at sinarado ang pinto.
Kaya ako sumama dito to have a peaceful vacation. Kaya lang kasama pala siya. Malamang Angel! Kasama talaga yun!
Kinuha ko ang speaker na maliit sa aking bag at ni-connect sa aking cellphone. Magpapatugtug ako habang nag aayos.
Pinindot ko ang kanta ni Bruno Mars na ang title ay 'Billionare' . Napapaindayog ang ulo ko sa kanta. Habang nagtutupi masaya akong nakikinig sa tugtog ni Bruno Mars ng may kumatok sa pinto ko.
Napakunot ang noo ko at nilagay sa kama ang natupi kong mga damit. Dumiretso ako sa pinto at binuksan. Nakita ko ang mga kaibigan kong malaki ang ngiti,maliban kay Rainee na parang pilit lang. Nginitian ko sila pabalik.
"Oh? May problema ba?." Ngiting sabi ko.
"Baka ikaw ang may problema girl?." Taas kilay na sabi ni Fiona.
"Y-You told them?." Tanong ko kay Miarah.
"Well, alam mo namang madaldal yan--." Siniko siya ni Miarah sa tyan dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita.
"Hindi mo ba kami papapasukin?.'" Tanong ni Rainee.
Tumango ako at niluwagan ang pinto.
"Pasok."Nauna akong maupo sa kama at sila naman ay naupo sa harap kong sofa. Feeling ko interrogate nila ako kasi naka cross arms si Fiona sa gitna nila Raine at Miarah. Habang si Rainee naman komportable lang na nakaupo,ganun din si Miarah.
Napabuntong hininga ako.
"Im sorry,hindi ko agad nasabi sa inyo...Its just that,I want to move on first--." Hindi ko na napatuloy ng magsalita si Rainee."You think it will be better if hindi ka magsasabi samin?."
Malungkot akong tumango. Totoo yon. Iniisip ko na,magiging mas maayos kung hindi ko muna sasabihin sa kanila,plano ko sanang mag move on muna bago sabihin. Masakit parin kasi hanggang ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/236080909-288-k851677.jpg)
BINABASA MO ANG
My Highschool Life (Junior) COMPLETED
Genç KurguA Highschool Life With a Twist? A new Generation can Exist. Makakaya kaya ng mga estudyanteng millennial ang maagang pagsubok na ibibigay sa kanila? What do you think if,your highschool life turned to a cool but hard life?