Chapter 7

352 36 1
                                    

Isang impit na ungol ang gumambala sa kalagitnaan ng gabi na sinundan ng mabigat na pagbagsak na siyang naglikha ng ingay mula sa mga tuyong dahon.

Unti-unti sumilip ang liwanag ng buwan mula sa sanga ng mga puno at napanglawan niyun ang isang lalaki na may sariwang dugo sa mga labi nito. Ang kulay pula nitong mga mata na mas lalo tumingkad mula sa sinag ng buwan. Nakatingala ito at ninamnam ang liwanag mula sa buwan.

Dahan-dahan dinungaw nito ang wala ng buhay ng isang inosenteng babae. Dinampot nito ang isang paa nito at walang pakundangan na hinila ang wala ng buhay na katawan nito.

Lahat ng kanyang nabibiktima ay simusunog niya ng sa ganun ay wala ng iba pang makakita sa kaawang-awang nilalang.

Mga mahihinang nilalang. Nang marating niya ang dulong bahagi ng isang kabukiran ay binuhusan niya ng gasolina ang malamig na bangkay ng babae at dinukot sa suot na pantalon mula sa kanyang bulsa ang isang lighter at inihagis iyun sa katawan ng babae na agad na nagliyad kung kaya naglikha iyun ng mainit na liwanag mula sa nasusunog na katawan nito.

Ito ang isang taktika na itinuro sa kanya ng kanyang ina na hindi siya dapat mag-iiwan ng kahit anong bakas na ikapapahamak niya sa huli kaya sa tuwinang may nabibiktima siya ay sinusunog niya.

Walang emosyon at malamig na mga mata na pinapanuod niya ang pagsayaw ng apoy sa kanyang harapan kasabay niyun ang pagbuhos ng isang alaala mula sa kanyang ina noong bata pa siya.

20 YEARS AGO

"Ina!"takot na takot niyang bulalas ng b nang haklitin ng kanyang ina ang payat niyang braso. Malamig at tila bakal ang kamay nitong mahigpit na naķahawak sa kanyang braso. Ang mga mata nito na kasingkulay ng apoy ay nag-aalab sa galit na nakatitig sa kanya na nagpanginig sa buo niyang katawan.

"Sadyang matigas ang ulo mo?! Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag kang magpapakita sa akin?!"nangangalit na sabi nito sa kanya.

"G-gusto ko lang p-po kayo makita,ina..h-hindi ko naman po kayo guguluhin.."umiiyak na niyang tugon sa ina. Masakit para sa kanya na marinig mismo sa iyong ina na hindi ka nito gusto makita.

Umangil ang ina niya at padarag na binitawan siya na siyang kinasalampak niya sa lupa.

Dinampot nito ang nag-aagaw-buhay na lalaki at hinaklit nito ang buhok upang ipaling ang mukha nito ng sa gayun ay mailantad ang duguan nitong leeg.

"Lumapit ka!"maawtoridad na utos nito sa kanya.

Mabilis na tumayo siya mula sa kinasasadlakan sa takot na magalit pa ito lalo sa kanya. Mabilis na nakalapit siya rito at pinagmasdan ang lalaking naghihingalo na.

"Wala kang ititira kahit isang patak,naiintindihan mo?!"

Halos nanginginig na mabilis na tumango-tango siya at nanantiya na nilapitan ang kaawang-awang lalaki na mabibilang na lang ang paghinga.

"Tama. Maging masunurin ka,"angil ng ina.

Nagngisay-ngisay ang lalaki habang nakabaon ang kanyang mga pangil sa leegan nito hanggang sa hindi na ito gumagalaw at wala ng buhay na bumagsak ito sa lupa.

Isang nakakakilabot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng kanyang ina habang nakatitig sa kanya. Ang makita na napapangiti niya ang kanyang ina ay labis niyun kinagagalak ng kanyang kalooban. Uhaw siya sa kalinga nito pero ang katotohanan na hindi siya nito gusto makita ay napakasakit para sa kanya. Gayunpaman,mahal na mahal pa rin niya ang kanyang ina. Ituring man siya nitong anak o hindi ang mahalaga kahit sa kaunting oras na nakakasama niya ang ina ay labis na kinasisiya niya.

"Ito ang pagkatandaan mo..Huwag na huwag kang mag-iiwan ng kahit anong bakas na siyang ikapapahamak mo,"habilin ng ina sa kanya.

"Ano po ang gagawin ko,ina?"

Ngumisi ang ina sa kanya at hinaplos ang ibabaw ng ulo niya.

"Sunugin ang katawan,"sagot nito sa kanya.

"Tatandaan ko po,ina.."matapat na tugon niya.

"Sa susunod na magpakita ka ulit sakin..hindi ako magdadalawang-isip na tapusin ka,suwail!"galit at mariin nitong turan.

Gusto niyang pumalahaw ng iyak dahil nasasaktan siya sa sinabi nito.

"Umalis ka na at wag ka na muli lalapit o magpapakita sakin,narinig mo?"mariin nitong muli sabi sa kanya.

Napipilitan naman na tumango siya at mabigat ang kalooban na  paatras na humakbang siya palayo sa kanyang ina. Ang hangad lang naman niya ay masilayan niya ito na makita man lang siya nito at maalalang may anak itong na pilit na tinataboy.

Lumaki siya na hindi kapiling ang ina. Isang katotohanan na masakit para sa kanya. Hindi siya nito gusto makita at napakasakit niyun para sa kanya.

Biguan at masama ang loob na bumalik siya sa maliit na kubo kung saan naninirahan siya kasama ang isang babae na siyang nagpalaki at nag-alaga sa kanya. Ang kubo na tinitirhan nila ang napakalayo mula sa kinaroroonan ng kanyang ina.

"Sinuway mo na naman ako,"bungad sa kanya ng babae na siyang nag-alaga sa kanya habang nakaupo ito sa kahoy na upuan at abala sa hawak nitong sinulid at karayom.

"Bakit ayaw niya ko makasama?"naiiyak na tanong niya. Palagi iyun ang lagi niyang tinatanong sa tuwing biguan siya bumabalik pagkaraan masilayan ang kanyang ina.

Walang emosyon ang mukha nito na nag-angat ng mga mata sa kanya."Hindi niya gusto na isilang ka..kung hindi lamang sa akin malamang pinatay ka na niya bago ka pa man nabuo sa sinapupunan niya,"deretsahan nitong pagsagot.

Ang kasagutan na hindi niya matanggap. Umaasa siya na hindi iyun ang kasagutan sa tanong niya sa tuwing  nagtatanong siya pero iisa at iisa pa rin ang sinasagot nito.

Gusto siya patayin ng sarili niyang ina kahit nasa sinapupunan pa lamang siya. Napapatunayan ng katotohanan iyun na ayaw siya makita ng ina.

"H-hindi ako naniniwala! Mahal niya ko! A-anak niya ko!"luhaan na bulalas niya.

"Iyan ang paniwalaan mo..ikaw naman ang masasaktan,"malamig nitong sagot at tinuon na ang atensyon sa ginagawa nito.

Mariin niyang naikuyom ang mga palad habang tumutulo pa rin  ang kanyang mga luha.

Hindi siya mawawalan ng pag-asa na darating din ang araw na naiisin ng kanyang ina na makita siya palagi na ituring siya nitong anak.

Kasulukuyan..

Umihip ang malakas na hangin at tinangay niyun ang abo mula sa sinunog na katawan na siyang nagpunan ng pagkauhaw niya sa dugo ngayon gabi. Malalaking patak ng ulan ang siyang tuluyan pumatay sa apoy.

Sinuklay ng daliri niya ang basa na niyang buhok dahil sa ulan.

Tiningala ang madilim na kalangitan.

"Ina...kunting hintay na lang at maipaghihiganti ko na ang pagkamatay mo.."mariin niyang usal sa kawalan.

Sisiguruduhin niya magbabayad ang mga ito sa pagkamatay ng kanyang ina. Pinatay nila ang kanyang ina na hindi man lang natupad ang pangarap niyang makasama ng matagal ang ina at maranasan na ituring siyang anak ng ina. Maagang nawala sa kanya ang ina dahil sa mga ito.

Magbabayad sila!

Ipaparanas niya kung paano mawalan ng mahal sa buhay!

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon