Chapter 37

208 20 0
                                    

May rason kung bakit bigla na lamang nagdesisyon ang prinsipe na palitan siya sa pagbabantay kay Amir.

"Kamusta?"untag sa kanya ni Prinsipe Aquilles.

Bumaling siya rito. Hindi niya inaasahan ang pagpunta nito sa kanya.

Pinagkrus niya ang mga braso sa harapan niya.

Umupo naman ang Prinsipe sa maliit na bakod. Nilingon nito ang tanaw na karagatan.

"May kailangan kayo?"tanong niya rito.

Bumaling ang maiitim nito mga mata.

"Wala ka bang gagawin?"tanong din nito sa kanya.

Umalis ito sa pagkakaupo sa bakod at seryosong na hinarap siya. Naghuhumiyaw ang pagiging prinsipe nito.

"Meron sana kung hindi mo ako inalis sa pagbabantay sa future in-law mo,"saad niya.

Ang seryoso nito mukha ay nabahiran ng simangot.

"Tsk. Hindi siya ang pag-uusapan natin dito. Kailan ka pa naging clueless?"sikmat nito sa kanya.

Napangisi siya sa tinuran nito.

"Clueless naman talaga ang tinatanong mo,"tugon niya. Sumama ang tingin nito sa kanya.

Bago pa man dumilim ang paningin nito sa kanya sumeryoso na siya. Alam niya kung saan ang limit niya pagdating sa pakikipagsagutan rito.

"Wala na kami ng prinsesa,"usal niya sabay harap sa may karagatan. Umihip ang malakas na hangin mula sa dakong paroon at tinangay niyun ang hanggang balikat na buhok niya.

"Hinayaan mo lang ng ganun?"may panghahamon nito sabi.

Mapait na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya.

"Delikado ang ginawa niya. Nabawasan ang kakayahan niya para lang malunasan ang sumpa na meron ako,"saad niya sa mapait na tono.

Hindi naman kahinaan sa isang tulad niya na ipakita sa kauri niya ang pagiging mahina niya.

Si Sanya lang ang kahinaan niya. His weakness.

"Iyun ang mali mo. Dinagdagan mo lang ang kasalanan mo sa kanya,"dismayadong saad ng prinsipe.

Alam niya yun. Kaya nga hindi niya mapatawad ang sarili niya. Ang katotohanan na duwag at mahina siya.

"Hindi ako karapat-dapat sa kanya,"usal niya. Iyun ang isang malaking katotohanan.

Isang buntong-hininga ang tinugon ng Prinsipe. Nanatili ang mga mata niya sa tanawin.

"Binigyan kita ng pagkakataon ngayon pero mukhang suko ka na,"anang ng prinsipe .

Naikuyom niya ang mga palad. Natutuwa siya dahil tanggap naman siya ng Prinsipe para sa anak nito pero sinaktan niya ito. Hindi niya natupad ang pangako niya na hindi niya hahayaan masaktan ang prinsesa.

"Malapit sila ng Reji yun.."untag ng Prinsipe na kinalingon niya rito.

Seryoso ang mukha ng Prinsipe. "Kung tutuusin ang kagaya ng Reji iyun ang gusto ko dahil alam kong may paninindigan at kayang magprotekta,"saad nito.

Bigla sumama ang pakiramdam niya. Ang maalala niya ang eksena iyun noong tangka ng lalaking iyun ng halikan si Sanya muntikan na siyang magwala.

"Pero isa siyang tao kapag nalaman niya kung anong uri ang nakakasalamuha niya sa tingin mo hindi iyun matatakot?"tugon niya sa mapait na tono.

Umangat ang isang dulo ng mga labi nito.

"Wala naman imposible kung magugustuhan siya ni Sanya at mas makakalapit sila dalawa,posible naman na matanggap niya kami,"anito na kinakunot ng noo niya.

"Ganun mo kadali ipagkatiwala ang anak mo sa taong yun?!"pagalit niyang sikmat rito.

Hindi niya gusto ang pinupunto nito!

Natauhan lang siya ng tapikin nito ang balikat niya.

"Be a man. Ayoko sa lahat yung duwag at mahina."saad nito saka siya nito tinalikuran.

"Gusto mong makipagkompetensiya ako sa Reji yun?"pahabol niya tanong rito.

Huminto sa paghakbang ang prinsipe saka nakangisi na nilingon siya.

"Goodluck!"

Napaawang ang mga labi niya sa sinagot ng prinsipe.

Talaga gusto nito makipagkompetensiya sa isang ordinaryong tao yun?!

Papatulan ba niya?

Pero ayaw niya mapunta na lang sa kung sino lang lalaki ang prinsesa!

Tumiim ang bagang niya. Hindi siya papayag. Hindi.

Kalmante lang at deretso ang titig niya sa lalaking papalapit sa kanya.

"May kailangan ka ba?"sita nito sa kanya.

"Pinopormahan mo ba si Sanya?"agaran niyang tanong rito.

Hindi kaagad ito nakasagot sa kanya.

"Bakit mo---natanong?"nalilito nito nito sabay na may pagtataka na makikita sa mga mata nito.

Nanatiling malamig ang titig niya rito. "Sagutin mo na lang ang tanong ko,bata.."mariin niyang tugon.

Napakurap ito saka napabuga ng hininga. "Pinormahan ko,"saad nito at napatiim-bagang siya.

Nanliit ang mga mata niya ng sundan nito ng mahinang tawa.

"Balak...balak ko pa lang siya pormahan kaso bigla ng nangbasted,"anito sabay ngisi sa kanya.

"May tanong ako,"patuloy nito sa pagsasalita.

"May gusto ka ba sa kanya?"tanong nito sa kanya. "Sigurado ako noong unang nagkita tayo sa opisina ni Sir Aquilles. Iba na ang tingin mo kay Sanya.."anito sabay ngisi sa kanya.

"Okay lang yan. Hindi ko naman sasabihin sa boss natin eh,"sabi pa nito.

Gusto niya matawa sa pinagsasabi nito. Sabagay wala nga naman ito alam tungkol sa kanila.

Tinalikuran na niya ito pero may sinabi pa ito na kinatigil niya sa paghakbang.

"Pero susubukan ko ulit siya pormahan, "sabi nito at dahan-dahan pumihit siya paharap rito.

"Binabalaan kita. Ngayon pa lang wag mo na ituloy dahil hindi mo kilala kung sino ang makakabangga mo,"mariin na saad niya na puno ng babala.

Hindi naman ito natinag sa sinabi niya. Lalo ito ngumisi sa kanya.

"Kaso wala naman ako kinakatakutan,"nakangisi nito sabi. Mariin niya naikuyom ang mga palad. Tila sinusubukan nito ang pasensya niya!

Sa huli kinalma niya ang sarili. Kailangan pa rin niya ilugar ang sarili niya. Isang mahinang nilalang ang nasa harapan niya kaya hindi siya dapat makaramdam ng ganito.

Isinuksok niya ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon na may tastas sa bandang tuhod.

"Isa lang tandaan mo. Magkamali ka lang o may gawin ka sa kanya na hindi maganda..tapos ka sakin,"pinalidad niyang sabi saka ito tinalikuran na.

Pinaharurot niya ang kanyang motor. Ibinuhos niya sa matulin na pagpapatakbo ang nararamdaman niya.

Inis. Galit...at selos.

May karapatan ba siya na makaramdam ng selos? Hindi ba hinayaan niya na mangyari ito sa kanila?

Isa talaga siyang duwag!

Kung nabubuhay lang ang kanyang kaibigan baka...hinamon na siya ng manong-mano para ipamukha sa kanya kung gaano siya kawalang kwentang nilalang!

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon