Hindi man sabihin ng kanyang ama na si Aquilles,alam niyang isang malaking problema rito ang pagkasunog ng unang palapag sa pag-aari nitong agency. Alam niya mababawi pa rin naman ang nasira o ang natupok ng apoy sa unang palapag na iyun pero kilala niya ang kanyang ama. Hindi nito gusto ang pangyayari iyun na kailanman ay hindi nito naisip na mangyayari. Iniisip marahil ng kanyang ama na maaari nito naging kampante o panatag sa bawat pagkakataon kahit na ba kakaiba sila sa lahat.
Tahimik na nilapitan niya ang ama na abala sa harap ng laptop nito. Nilapag niya ang tasa sa gilid ng mesa nito na isang espesyal na inumin na siya mismo ang gumawa pero ang kanyang ina ang lagi niyun nagbibigay sa kanyang ama at pinakiusapan niya ang ina na siya na mismo ang magdala niyun sa ama.
Napatingin siya sa screen ng laptop nito at mula roon pinapanuod ng kanyang ama ang CCTV na kuha sa oras mismo bago mangyari ang sunog.
Ayon sa kanyang ina. Marami beses na iyun pinapanuod ng kanyang ama pero hindi pa rin nito iyun tinitigilan hanggat wala ito makuhang clue na makapagtuturo na sinadya ang pagkakasunog sa palapag na iyun at tinututukan iyun ng kanyang ama ng maraming beses sa bawat minuto na nagaganap ng gabing iyun.
"May nakita na po ba kayo?"untag niya sa ama. Agad na bumaling sa kanya ang ama.
Bakas sa mukha ng kanyang ama ang pagkadismaya.
Nakikita niya sa maiitim nitong mga mata ang pagkadismaya at...pagsisisi.
"Gusto ko na paniwalaan na hindi sinadya ang sunog..pero,"saad nito at umiling na lamang sa huli.
Dinig na dinig ang pagkakadismaya sa pananalita nito.
Bumuga ito ng hininga kasabay ng pagsandal nito sa sandalan ng kinauupuan nito.
"Huwag po kayo mag-alala siguradong malalaman niyo rin po ang totoo.namimiss ko na po kayo,"untag niya sa ama na natigilan sa huling sinabi niya.
Napatitig sa kanya ama. Ang kanilang parehong kulay ng mata ay masasalamin ang pagkakaiba ng opinyon nila sa kahit anong bagay.
Mayamaya pa ay masuyo nito inabot ang kanyang kamay at hinila siya nito.
Noong bata pa lang siya lagi nito iyun ginagawa sa kanya kahit na naging dalaga na siya at iyun ang namiss niya sa kanyang ama mula ng manatili siya sa Womanland.
Walang pag-aanlinlangan na umupo siya sa kandungan ng kanyang ama patagilid.
Isang puno ng pagmamahal at suyo na ngumiti ang kanyang ama sa kanya.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na malaki ka na talaga..isang napakagandang dalaga,"usal ng ama.
"Namiss ko po ito...na nakaupo sa hita niyo,"matapat niyang sabi.
"Dalawang dekada ka nalayo sa amin ng iyong ina..sobrang namiss ko din kandungin ang prinsesa ko,"tugon ng kanyang ama.
Inihilig niya ang ulo sa balikat ng ama at masuyo naman hinahaplos nito ang gilid ng ulo niya.
Ipinikit niya ang mga mata at ninanamnam ang masuyong paghaplos ng ama sa kanya.
"Pasensya na kung naging abala ako nitong nakaraan araw,"saad ng ama.
Mula ng mangyari nga ang sunog sa pag-aari nitong gusali hindi na niya ito nakakasabay sa pagkain tanging ang kanyang ina lamang minsan mag-isa pa siya dahil kailangan tumulong ang kanyang ina sa kanyang ama.
"Okay lang po..namiss ko lang po kayo,"usal niya na nakapikit pa rin ang mga mata.
Isang mahinang tawa ang narinig niya mula sa ama. Sigurado naman alam nito na nagpapalambing lamang siya.
Pinatakan nito ng halik ang kanyang noo. "Akala ko kahit na malaki ka na hindi ka na magpapalambing sa akin,"may himig na panunudyo ng ama sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi ng ama pero nanatili nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
Isang mahinang buntong-hininga ang kumawala sa kanyang ama kaya nagmulat siya ng mga mata.
Nakatitig ang mga mata nito sa kanya.
"Sakali man na matagpuan mo na ang lalaki na makakasama mo habambuhay sana ay hindi ka niya sasaktan..pero..sana matagalan pa. Hindi ko pa lubos na matatanggap na tuluyan ka ng malalayo sa akin,sa amin ng iyong ina. Naiisip ko pa lamang na may nagugustuhan ka na. Naaalarma na ko,"saad ng ama.
"Paano po kung meron na po ako nagugustuhan?"deretsahan niyang sabi sa ama na hindi nito inaasahan pero agad din nakabawi.
"May nagugustuhan ka na ba?"seryoso tanong ng ama.
Walang pagdadalawang-isip na tumango siya. Marahas na napabuga ng hininga ang ama at bagsak ang balikat nito na napasandal sa sandalan ng kinuupuan nito.
Bahagyang tumatalim ang mga mata nito kahit hindi na ito nakatingin sa kanya makikita ang opinyon nito sa sinabi niya.
Hindi pa ito handa.
"Meron na kong iniibig,ama.."
Napabalik sa kanya ang mga mata nito. Ngayon ay blanko at malamig na ang makikita sa mga mata nito pero pilit ito nagpapakalma.
Nanunuring mga mata ay nakipagtagisan siya ng titig sa ama.
"Sino?"mayamaya tanong nito.
Aminado siya na kinakabahan siya ngayon.
"Pasensya na ama...sa tingin ko hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa inyo,"aniya.
"Bakit hindi ngayon?"may diin nitong sabi.
Napababa siya ng tingin at sa pagkakataon iyun sumusuko siya sa ama.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng ama. Hinagod nito ang likod ng ulo niya na siya nagpabalik ng tingin niya rito.
"I'm sorry,anak. Natakot ba kita ?"anang ng ama.
"I'm sorry din po kung hindi ko pa masasabi sa inyo kung sino siya at sana kapag nalaman niyo na kung sino..sana po matanggap niyo siya para sa akin,ama.."saad niya.
Niyakap siya ng ama at pinatakan ng halik ang ibabaw ng ulo niya. Pinahilig nito sa balikat nito ang ulo niya.
"Nauunawaan kita kung ayaw mo pa sabihin pero....depende kung matatanggap ko siya o hindi sa oras na makilala ko na siya,okay?"tugon ng ama.
"Opo,ama.."tanging tugon na lamang niya.
Posible kaya matanggap ng kanyang ama si Azzam?
Azzam is a warrior. Matalik na kaibigan ng kanyang Lolo noong nabubuhay pa ito.
Hindi naman siguro importante rito ang agwat nila ng kasintahan. Ang mahalaga hindi siya masasaktan gaya ng ayaw mangyari ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampiroIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...