Chapter 38

227 19 0
                                    

May pagkamangha na sinusuyod ni Sanya ang kabuoan ng paligid na kinaroroonan niya. Maingay,mainit at malikot ang iba't-ibang kulay na ilaw. Nagkakasiyahan ang lahat. Ang mga ordinaryong tao na masaya sa kani-kanilang ginagawa. Nagkukwentuhan. Nagsasayawan na sinasabayan ang malakas na awitin.

"Ayos ka lang?!"malakas na tanong sa kanya ni Reji.

Dito siya dinala ni Reji ng pumayag siya sa paanyaya nito. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa lugar na kagaya nito at masasabi niyang masaya.

Nakangiti ito ng lingunin niya. May hawak itong baso sa magkabila kamay.

Agad na nalukot ang ilong niya na maamoy na naman ang amoy ng inumin iyun na mula ng pumasok sila rito iyun na kaagad ang nalanghap niya pero ayaw niya magreklamo dahil pumayag siya na sumama rito.

Nakangisi na ito na inabot sa kanya ang baso at tinitigan niya iyun. Kulay pula ang likido.

"Red wine! Hindi naman yan nakakalasing,no worry!"saad nito.

Salubong ang mga kilay niya na tinitigan pa rin iyun. Hindi rin naman niya iyun maiinom. Bumalik sa mukha ng binata ang mga mata niya at naghihintay ito na kunin niya iyun rito.

Wala siya pagpipilian kung hindi kunin iyun kung ayaw niyang magtanong pa ito kung bakit kung tatanggihan niya iyun. Wala siya sa mood ngayon na magpaliwanag lalo na kung hindi rin naman nito mauunawaan ang isang uri niya.

"Uminom ito sa baso hawak nito habang sinasabayan ang maingay at malakas na tugtugin. Alam niyang sanay ito sa ganitong lugar.

"Uy,Pre!!!"

May isang grupo ng mga kalalakihan ang lumapit. Nagbatian ang mga ito habang tahimik lang siya nakamasid sa mga ito hanggan sa mapansin siya ng mga ito.

"Girlfriend mo? Pakilala mo naman kami oh?!"may panunudyo sabi ng isa na sa tingin niya ay lasing na ito base sa naaamoy niyang malakas na amoy ng alak sa katawan nito. Pinilit niya na hindi magmukhang hindi apektado sa naaamoy niya sa mga ito.

Sana lang hindi sumama pakiramdam niya.

Natatawang bumaling sa kanya si Reji habang panay pa rin panunukso ng mga kaibigan nito.

"Loko kayo! Anak ng boss ko yan!"

"Talaga?! Baka pwede mo ko ireto!"pagbibiro naman ng isa na kinakunot na ng noo niya.

"Gago,manahimik ka na,"pabulong ng katabi ng huling nagsalita.

Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa kanya.

"U-uh,pasensya na nagbibiro lang kami!"tila napapahiya sabi nito sa kanya.

Nanatiling blanko at malamig ang emosyon sa mukha niya.

Alanganin na tumatawa na tinaboy ni Reji ang mga ito.

"Pupuntahan ko kayo!"pagtataboy na ni Reji muli sa mga ito.

Tahimik na nagsialisan ang mga ito at humalo na sa maraming tao.

Alanganin na ngumiti sa kanya si Reji ng harapin siya nito.

"Pasensya na ah! May mga saltik mga yun eh!"paliwanag nito sa kanya sa inasal ng mga kaibigan nito.

"Uh,No worry! Hindi naman tayo magtatagal dito gusto ko lang malaman mo kung saan ako tumatambay!"anito sabay tawa sa huli.

Nagkibit siya ng balikat saka tinitigan ang hawak na baso. Natutukso siyang tikman iyun pero kung gagawin niya iyun baka magkalat pa siya roon.

"Ayaw mo ba? Gusto mo juice na lang?"untag sa kanya ni Reji.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon