Kung alam lang ni Prinsesa Sanya kung naroroon ang anak ng dating Prinsesa hindi siya mag-aaksaya na harapin ito upang tuluyan ng gumaling ang kanyang ama. Muli nakaharap ni Azzam ang babaeng bampira na siya nakakaalam kung saan naroroon ang anak ng dating prinsesa. Ayon sa babaeng bampira,ang tangi dugo lamang ng anak ng dating prinsesa ang siya lang makakapaggaling sa kanya ama.
Wala kurap na nakatitig ang dalaga sa Prinsipe.
Pumapayat ito at mas lalo namumutla. He slowly weak. Pinipigilan ni Sanya na maiyak at makaramdam ng awa para sa kalagayan ng kanyang ama.
Nakatalikod ang ama ni ayaw siya nito harapin.
Marahil ngayon lang niya unti-unti nararamdaman ang pagod kaya bago pa man umalpas ang mga luha sa mga mata niya mabilis na nilisan niya ang lugar na iyun. Dere-deretso ang kanyang paglalakad hanggan sa makalabas siya roon.
Puno ng galit ang nararamdaman niya na hinahaluan ng awa at lungkot na siyang nagpapahina sa kanya ngayon. Dugo. Dugo ng traydor na yun ang kailangan nila upang gumaling ang kanyang ama.
Pinipigilan niya ang sarili na huwag sumabog. Sa oras na sumabog siya sigurado hindi magiging maganda ang kahihinatnan. Makakadagdag lamang iyun sa alalahanin ng kanyang ina. Hindi man ipakita nito ang takot sa maaari mangyari para sa kanyang ama alam niya at nararamdaman niya iyun. Naririnig niya ito umiiyak sa gabi. Nakikitang tulala at tila wala na ito pakielam sa paligid. Dinudurog niyun ang puso niya. Nalulungkot siya sa sinasapit ng kanyang magulang.
Ito ang gusto mangyari ng anak ng dating prinsesa. Ito ang gusto nito mangyari sa kanila!
Mariin niya naikuyom ang mga palad at isang iglap ay napatumba niya ang isang puno. Sumunod pa ang isa at isa pa hanggan sa may pumigil na sa tangka niya pagpapatumba muli sa walang kamuwang-muwang na puno.
"Tama na.."usal nito pero isang mabangis na angil ang tinugon niya rito.
"Tama na,mahal ko Sanya.."saad nito sa nangungusap na tono.
"Sa oras na malaman ko kung sino siya hindi ako magdadalawang-isip na patayin siya para kay ama,"puno ng galit niyang sabi.
"Kahit kadugo mo siya?"mapanghamon nitong tugon.
Nanlisik ang mga mata niya rito. "Kadugo niya ang gusto niya patayin, "malamig at mariin na tono sabi niya.
"Kaya iyun rin ang gusto mo gawin sa kadugo mo?"malamig din nitong tugon.
Marahas na binawi niya ang hawak nito kamay niya.
Isang malamig na tingin ang pinukol niya rito.
"Bakit hindi? Kung kaya niya patayin ang sarili niyang kadugo puwes mali siya ng kinakalaban,"mariin niyang saad.
"Hindi ako papayag na mawala sa akin si ama..sa kanila dalawa siya ang dapat mawala sa mundo ito,"galit niyang sabi pa.
"Hindi ko papayagan na dungisan mo ang mga palad mo mula sa sarili mo kadugo,Prinsesa,"malamig nito sabi.
"Hindi ikaw ang magpapasya,buhay ng aking ama ang nakasalalay rito,matandang bampira!"malakas na saad niya dahil hindi niya nagugustuhan ang pinupunto nito.
Blanko ang naging reaksyon nito sa sinabi niya pero hindi mapipigilan niyun ang galit na nararamdaman niya.
"Laban namin ito..hindi ko kailangan ng pagbabawal mo..wala kang karapatan pangunahan ako at wala kang pakielam kung sa ano ang dapat gawin ko sa hayop na yun!"
Nanatili blanko ang ekspresyon na pinapakita nito sa kanya.
"Tinatapos ko na kung ano man ang ugnayan natin dalawa..hindi ko kailangan ng isang tulad mo masyadong paladesisyon,"tuya niya rito saka mabilis ito tinalikuran.
![](https://img.wattpad.com/cover/206993707-288-k629352.jpg)
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampireIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...