Chapter 12

258 27 2
                                    

The firs exam for the first semester is easy,well,kahit papaano naman nagreview siya kahit hindi na niya kailangan gawin yun pero kailang niyang umakto at mag-isip na normal na kagaya ng ginagawa ng isang normal na istudyante.

Inanunsiyo ang pagiging top 1 niya sa buong unibersidad. Sumunod sa kanya ay si Ismail Teld na siyang naagawan niya sa pagiging top 1.

"Congrats! Akala ko hanggang makagraduate ako wala makakaagaw ng pwesto ko,"nakangising bati sa kanya ni Ismail.

Pinagkibitan lamang niya ito ng balikat bilang tugon.

"Babawi ako sa susunod na semester,game ka?"panghahamon nito sa kanya.

Itinuon niya ang atensyon rito mula sa binabasa niyang libro.

"Sigurado ka?"

Nginisihan siya nito. "Hindi ako sure lalo na isa kang maharlika pero..bakit hindi?"anito.

"Ikaw ang bahala,"aniya sabay baba muli ng paningin sa libro.

"Oras na para kumilos ako,"saad nito na kinaangat niya ng tingin rito.

Nginisihan siya nito na binuntutan ng mahinang tawa. "Kasi isang prinsesa ata makakatapat ko,"paliwanag nito.

Nanunuring titig ang pinukol niya rito. Sinubukan niyang basahin ang nasa likod ng sinabi nito pero nagsasabi naman ito ng totoo.

May isang bagay lamang siya napansin rito. Ngayon lamang niya natitigan ito ng matagal.

May naaalala siyang imahe sa mukha ni Ismail.

Ang dating prinsesa na si Prinsesa Rosalia.

"May dumi ba ko sa mukha,mahal na prinsesa?"untag nito sa ķanya sabay kapa sa sarili nitong mukha.

Sa sinabi nito doon lang naputol ang pagtitig niya sa mukha nito.

"Competitve,"komento niya.

Tumawa ito sa sinabi. "Isang karangalan sakin na makatapat ka,mahal na prinsesa,"nakangising tugon nito.

"Mahal na prinsesa?"

Sabay sila napatingin sa nagsalita iyun.

"Sabi na nga ba! Nililigawan mo siya,"malisyosa sabi ng isang alipores ni Beverly.

Blanko ang mukha niya na tinapunan niya ng tingin ang bawat isa sa mga ito at nagtagal sa nanunuyang ngisi na nakapaskil sa mga labi ni Beverly.

Nakahalukipkip pa ito habang nakatikwas ang isang kilay.

"Todo deny ka pa..cheater. Alam ba ni Azzam na nakikipagflirt ka kay Ismail?"

Sa sinabi iyun ni Beverly agad na umalma si Ismail. Tumayo ito at hinarap ang mga ito.

"Girls. We're just friends, okay? Panukso ko lang yun tawag ko sa kanya na mahal na prinsesa,"paliwanag ni Ismail sa mga ito na tila hindi naman naniniwala.

"Come on,Ismail..wala ka ni isang babae na nagkakagusto sayo na nilapitan mo mula ng mag-aral ka dito,why now? "mapangduda sabi ni Beverly.

Napabuga ng hangin si Ismail.

"Look,Girls,hin--"nahinto ito sa pagsasalita ng lumingon ito sa kanya.

Niligpit niya ang mga gamit niya saka tumingin kay Ismail na mukhang kabado na.

"Uh,pasensya na. Sorry sa abala,"turan nito sa kanya.

Hindi niya ito sinagot.

"Dedma ka pa kunwari,"saad ni Beverly na siyang nagpahinto sa paghakbang niya saka siya bumaling rito..

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon