Chapter 19

229 20 1
                                    

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?"untag ni Vena sa lalaking na lihim niyang iniibig habang nakatutok ang mga mata ng binata sa hawak nitong maliit na botelya.

Naglalaman iyun ng isang likido na siyang unti-unti kikitil sa buhay mo. Isang lason ng kamatayan.

Mas higit pa ang epekto niyun kaysa sa potion na ginagamit ng binata sa pagpatay sa kapwa niyang bampira para maging abo ang katawan nito.

Walang emosyon na bumaling kay Vena ang mga mata nito.

"Pinipigilan mo ba ako?"deretsahan tanong nito kay Vena.

Hindi nakaimik si Vena sa tanong iyun mula rito.

Isang pagkakamali na malaman nito ang totoo  saloobin ni Vena sa ginagawa nito dahil hindi niya gugustuhin na magalit ito sa kanya.

Nanunuri ang mga mata nito na tuluyan ng tinuon sa dalaga ang atensyon nito. Inaarok kung ano ang nasa likod ng isip niya.

"Inaalala ko lang na baka hindi umayon sa plano mo ang gagawin mo gayun...hindi sila basta-basta, "walang emosyon niyang tugon. Pinatigas ang anyo ng sa ganun ay hindi nito makita ang pangamba na namumuo sa kalooban niya.

Mariin na tumitig ang mga mata nito sa kanya at hindi rin nagtagal ay muli nito binalik ang atensyon sa hawak na botelya saka ito ngumisi.

"Hindi ko na magagalaw ang mga alagad niya..tatapusin ko na ang sinimulan ko,Vena,"saad nito na may malaking ngisi sa mga labi nito.

Naikuyom ni Vena ang mga palad.

Maraming beses na niyang tinatanong kung bakit  nagpapaalipin sa poot at galit ang binata. Pwede naman ito maging masaya at mapayapa hanggat nasa tabi siya nito.

"May nais akong ipagawa sayo,"pukaw nito sa kanya.

"Gusto ko bantayan mo ang bawat kilos ni Sanya dahil natitiyak ko na maaari siya ang makasira ng plano ko..kasama ang Azzam na iyun,"anito na mahihimigan ang galit sa tono nito.

"Paano ako makakalapit sa kanila? Lalo na sa isang prinsesa?"may kaba siya nararamdaman sa nais nitong ipagawa sa kanya hanggat maaari ayaw niyang tuluyan malagay sa alanganin.

Humakbang palapit sa kanya ang binata at hinaplos nito ang kabilang pisngi niya. Kaagad na nabuhay ang damdamin niya para rito na pilit niyang sinasantabi.

"Alam kong isa kang matalinong babae...ikaw lamang ang maasahan ko at alam mo yan. Tayo lang ang magkasangga sa lahat ng bagay..nagtutulungan,"masuyo nitong sabi.

Hindi niya alam kung ano dapat niyang isagot. Malaki ang pagtutol niya sa nais nito.

Naipikit niya ang mga mata ng patakan nito ng halik ang kanyang noo.

"Ikaw lang ang makakatulong sakin..ang makakasama ko na maging matumpay sa mga plano ko,pangako kapag natapos na ang lahat ..sasamahan kita sa paglalakbay mo,"may ngiti nitong sabi na siyang nagpahina sa kanya.

Ang matibay na pagtutol niya sa nais nito ay unti-unti natitibag dahil sa pangako na sinabi nito ngayon. Sumisilip ang pag-asa na maaaring habang magkasama sila sa paglalakbay ay matutunan siya nitong mahalin.

"Gagawin ko ang lahat,"mayamaya usal niya na lalo nagpalaki ng ngiti sa mga labi ng binata.

"Kahit kailan hindi mo ako binigo kaya napakaespesyal mo para sakin,"masuyo nitong sabi.

Mga salitang nagpapahina sa kanya.

Higit pa sa espesyal para sa kanya ang binata.

Mula sa kanyang kinatatayuan at tanaw niya ang kinaroroonan ng prinsesa ng Womanland. Makikita mong isa lamang itong ordinaryong tao na kahubilo ang mga tao na hindi nila kauri.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon