Tiningala ni Sanya ang Arko ng Unibersidad na papasukan niya.
Nasa harapan na siya ng mataas na gate ng isang kilalang unibersidad kung saan ito ang unang araw niya sa kolehiyo.
Business management ang una niya kinuha dahil may balak pa siyang kumuha ng ibang kurso bukod sa naunang kurso sa ngayon iniisip pa niya kung ano.
Marami ng istudyante ang pumapasok at isang buwan na mula ng magsimula ang eskwela pero wala problema sa kanya iyun dahil sigurado naman mas advance siya kaysa sa mga isip ng mga ordinaryong tao.
That's make her a very special human..a vampire.
Pinasadahan niya ang suot na uniporme. A white collar blouse na may kulay asul sa magkabilang mahabang manggas na katerno ang kulay asul din na knee-lenght skirt and a black flat shoes.
Hinayaan niya nakalugay ang mahaba niyang buhok na siyang agaw-pansin. Hindi na siya magtataka kung makikita niya sa mga mata ng lahat ang pagkamangha mula sa mga lalaki at inggit naman sa mga babae.
"Sweetheart? Ready?"untag sa kanya ng kanyang ina.
"Natupad na din ang pangarap ko na ihatid kita sa pagpasok sa eskwela,"masayang turan ng kanyang ina.
Sa kadahilanan na kakaiba ang antas ng pag-iisip niya hindi niya hiniling na pumasok sa eskwela noong bata pa lang siya. Accelerate kaagad ng sekondarya sa edad na anim na taon gulang at kahit sa online class lang siya. Ngunit ngayon gusto niya maranasan ang maging normal na istudyante na agad naman sinuportahan ng kanyang ama at ina pero tinanggihan niya ang kondisyon ng ama na may magmamatyag sa kanya.
Gusto niya maging normal kaya wala na rin nagawa ang kanyang ama.
"Let's go?"untag ng kanyang ina. Tumango siya sa ina at sinamahan sa loob ng opisina ng Dean upang ibigay sa kanya ang schedule niya at para na rin personal na magpasalamat ang kanyang ina sa pagtanggap sa kanya.
Agad naman nagpaalam ang kanyang ina ng magsisimula na ang klase.
Tinahak na niya ang hallway ng isang building kung saan naroroon ang unang subject na papasukan niya.
Nang makita agad na napalingon sa kanya ang guro at pinakilala siya sa lahat.
Lahat namamangha sa kanyang pagdating maliban sa isang pares ng mga mata na hindi makapaniwala na naroroon siya.
"You may sit now,Ms.Halpert.."anang ng guro nila.
May bakanteng upuan sa dulo kaya doon siya tahimik na umupo.
"Ang ganda niya,Pre!"bulungan ng mga lalaking kaklase niya.
"Para siyang dyosa!"bulungan naman ng mga babae.
Saka lamang natuon ang atensyon ng lahat ng magsimula na ang guro nila.
"What a small world huh?"
Hindi na niya kailangan lingunin ang nagsalita iyun.
"Kilala mo,Beverly?"pabulong na tanong ng katabi nito.
"Nah...she's kind of cheap girl na pumapasok sa loob ng bahay ng lalaki,"paparinig nito.
"What? Talaga ba? So,you know her?"gilalas na bulong ng isa pang katabi nito.
Itinuon niya ang atensyon sa unahan kaysa pakinggan ang pagpaparinig sa kanya.
Hindi niya aaksayahin ang oras niya sa mga tulad nito.
Nang magbreak may nagtatangka na lapitan siya pero napapaatras na lamang. Wala sinuman lalaki ang makakalapit sa kanya maliban kay Azam.
![](https://img.wattpad.com/cover/206993707-288-k629352.jpg)
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampirosIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...