Mabilisan na natigilan si Sanya ng sumulpot sa harapan niya ang pasamantalang nagbabantay sa kanya habang abala ang kasintahan si Azzam.
Nabigla siya ng makita ang biglaan nitong pagkakalugmok sa harapan niya. Mabilis na dinaluho niya ito pero natigilan siya ng makita ang unti-unti pagiging abo nito.
"S-sinubukan ko harangin siya na lapitan ka---"hindi na nito natapos pa ang sinasabi ng tuluyan na ito maging abo na sumama sa pag-ihip ng hangin.
Mabilis ang maging kilos niya ng maramdaman ang malakas at mabigat na presensya mula sa likuran niya.
Madilim ang paligid. Ilang araw na rin na hindi niya nakakasama si Azzam sa paghahunting.
"Kamusta?"
Napukaw siya ng pamilyar na boses na iyun.
Ang lalaki na tumawag sa kanya.
He's nowhere to be seen. Ramdam man niya ang presensya nito pero hindi niya makuha ang eksaktong kinaroroonan nito.
Mahusay ito.
Kalmado siya na hinayaan ang sarili na patalasin pa ang pakiramdam niya sa presensya nito.
Isang mapang-uyam na tawa ang kumawala rito.
"Huwag ka mag-alala. Walang magaganap na labanan ngayon gabi. Gusto lang kita kamustahin,"anito.
"Hindi ba parang boring naman nito? Gusto mo ako patayin bakit hindi mo pa gawin ngayon?"bulalas niyang pagkaraan.
Tumawa ito sa sinabi.
"Gusto ko man pero masyadong mabilis at madali,"may yabang sa tono nitong sabi.
"Paano ka naman nakakasigurong madali lang ito?"mapanghamon niyang sabi.
Hindi sumagot ang lalaki.
Napangisi siya. "Baka naman naduduwag ka lang na makalaban ako,kung sino ka man,"uyam niya rito.
"Huwag ka mayabang. Kailangan lang na may mauna sa inyo...bago kita isunod,"mayamaya sabi nito.
Naikuyom niya ang mga palad.
Isang mapang-uyam na tawa ang pinakawalan ng lalaki.
"Natatakot ka ba kung sino ang inuna ko?"
Naikuyom niya pa ng mariin ang mga palad. Hinding-hindi niya ipaparamdam dito ang sinabi nito.
"Huwag ka mag-alala naaawa pa nga ko,"patuloy nito sa pagsasalita.
"Kung ikakasiya mo yan..husayan mo dahil hindi ako pumapatol sa isang duwag at mahina,"matalim ang mga mata saad niya.
"Sanya?!"
Napalingon siya sa pagtawag sa kanya ng kasintahan.
Humahangos ito na lumapit sa kanya at agad din ito nawala.
Hindi rin nagtagal sumulpot ito muli sa tabi niya at niyakap siya ng buong higpit.
"Hindi ko siya naabutan!"tiimbagang nitong sabi.
Puno ng galit ang anyo ng kasintahan.
"May kailangàn ka malaman..at ng Mahal na prinsipe,"mayamaya saad nito.
Noon lang niya ito nakakitaan ng pangamba sa gwapo nito mukha.
Tahimik lang siya pero ramdam niya ang pangamba mula rito.
Nang makarating sila sa kanilang bahay nasa salas na ang kanyang magulang.
"Mahal na Prinsesa,"malugod na pagbati sa kanya ni Lupe na hindi niya inaasahan na naroroon.
![](https://img.wattpad.com/cover/206993707-288-k629352.jpg)
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
Ma cà rồngIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...