Chapter 31

179 21 1
                                    

Ipinarada ni Azam ang magara niyang bigbike sa tapat ng isang exclusive bar kung saan nasa loob niyun ang kanyang bagong amo bilang isang bodyguard nito. Isang bigating negosyante ang pinagsiserbisyuhan niya at matagal-tagal na rin ng huli sila magkita nito. Tiningala niya ang yayamanin na harapan ng nasabing bar at saka sinindihan niya ang sigarilyo habang nakasampa pa rin sa motor niya. Itinawag sa kanya ng Prinsipe ang bagong amo niya at dito niya makikita ito. Inubos muna niya ang hawak na sigarilyo saka niya pinasya na pumasok sa loob ng bar.

Pagkalapit niya ng entrance agad na hinarang siya ng dalawang naglalakihan bouncer ng bar.

Bago pa siya nito tanungin. Ipinakita niya rito ang ID niya at agad naman nagkatinginan ang dalawa bouncer.

"Magsabi lang kayo samin kung may kailangan kayo,Boss!"saad ng isa pagkaraan makita nito ang ID niya.

Nakangisi na tinapik niya ang balikat ng mga ito saka siya pumasok. Agad na sinalubong siya ng maingay na tugtugin sa loob at malikot na iba't-ibang kulay na mga ilaw. Malaki ang loob ng bar. May kanya-kanya tablr ang mga naroroon. Nasa tatlo palapag ang bar at naghuhumiyaw sa yaman at tanging mayayaman lamang ang makakapasok sa lugar na ito.

Agad naman niya nakita ang pakay niya. May dalawa lalaki ito kasama sa lamesa at limang babae. Napangisi siya ng makita na may dalawa babae ito katabi sa magkabila gilid nito na panay ang flirt pero mukha naman bored ang amo niya.

May isang maganda babae na tangka lapitan siya pero bago pa mangyari iyun natulala na lang ito at saka niya ito nilagpasan. Binalewala niya ang mga mata na nakatingin sa kanya lalo na ang mga babae na napapanganga pa habang nakatitig sa kanya.

Marami ng babae ang nagtatangka na kunin ang atensyon niya pero sa iisang babae lang ang atensyon at sa iisang babae lang ang nagmamay-ari ng puso niya. Bago pa man siya magsenti sa oras ng trabaho niya. Umupo siya sa lamesa katapat ng kinauupuan ng amo niya.

Sabay na napatingin sa kanya ang dalawang babae katabi nito at pareho malagkit ang tingin sa kanya. Nginisihan niya lang ang mga ito saka sabay na napaawang ang mga labi.

Doon na nag-angat ng tingin sa kanya ang lalaki. Ang walang emosyon nito mukha ay nabahiran ng gulat ng makilala siya nito. Nilakihan niya ang pagkakangisi niya rito.

"Kilala kita ah,"usal nito na hindi makapaniwala na makita siya nito roon.

"Kilala mo nga ko,"nakangisi niyang tugon rito.

Nangunot ang noo nito. May pagtataka sa mga mata nito na nakatitig sa kanya.

"Kung bored ka na ihahatid na kita,"untag niya rito na mas lalo nagpakunot sa noo nito.

Sinulyapan niya ang suot na relo pambisig nito at pasado ala una ng madaling araw.

"Ihahatid mo ko? Bakit?"

Natawa siya sa pagtatanong nito. Mukha hindi ata nasabihan ito ng prinsipe na siya ang bodyguard nito.

"Pinag-uutos ng mahal na Prinsipe,"usal niya. Nanlaki ang mga mata nito saka mabilis pa sa alas kwatro na tumayo ito na kinatawa niya ng mahina.

"Damn! May..may utos ba siya sayo?"tila natataranta nito turan.

Tumayo siya at hinarap ito. "Bantayan daw kita,yun ang utos eh,"sagot niya na kinalaki ng mga mata nito.

Nagpaalam ito sa dalawang lalaki na kasama nito na naging kaibigan na nito mula ng maging member ito sa bar na ito. Hindi na ito nag-abala pa na magpaalam sa dalawa babae na makikita ang pagkadismaya at panghihinayang ng talikuran na nila ang mga ito.

"Paano nalaman ng Prinsipe na.."usal nito sabay tigil sa pagsasalita ng matanto na nito ang sagot. Nasa labas na sila ng bar.

Marahas ito napabuga ng hininga. "Bakit ko ba kinakalimutan na sinusubukan ako ng tatlong prinsipe yun,"saad nito sabay simangot.

"Pero hindi naman ibig sabihin na magiging bodyguard mo ako dahil minus pogi points..kailangan madakip ang nagtatangka na kumuha sayo dahil ikaw ang target,"deretso niya sabi rito.

Napatitig ito sa kanya. "Bakit? Sa palagay ko hindi naman sila kalahi natin,"sagot nito.

"Hindi nga pero sa tingin mo hahayaan ni Prinsipe Aquilles na may panganib nakaabang sayo? Seguridad ng kanila ina ang inaalala nila,"tugon niya rito.

Tila naman ito natauhan. "Mag----kikita na ba kami?"marahan nitong tanong. Masasalamin ang pag-asa at excitement sa mga mata nito.

Ngumisi siya rito. "Hindi ko alam. Wala sinabi eh,"pag-iling niya rito.

Lumaglag ang balikat nito at napalitan ng pagkadismaya at lungkot ang anyo nito.

Pareho sila ng nararamdaman. Umaasa. Nangungulila. Nasasabik. Marahil nga talaga kailangan mo dumaan sa pagsubok at kapag nalagpasan mo yun nasa dulo ang saya at panghabam-buhay na pagsasama.

Mapait na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. Wala dapat sisihin kundi ang sarili niya kung bakit...wala sa tabi niya ngayon ang kasintahan. Tiniis niya ito na hindi makita.

Hindi niya kaya ito harapin. Hindi niya kaya makita ang ginawa niya sa kasintahan. Hindi niya ito kaya na nahihirapan ng dahil sa kanya.

Galit siya sa sarili niya..sa kung ano kakayahan na meron siya. Isang sumpa para sa kanya. Isang sumpa na dadalhin niya habambuhay.

"Where's your car?"untag nito sa kanya sabay lumingon-lingon.

"Nagpunta ka rito na wala dala kotse?"balik-tanong niya rito.

Nagkibit ito ng balikat. "Naglakad lang ako,"sagot nito.

Napailing siya sa sinagot nito. Walang duda na madali nga ito makidnap.

"Saka na ko bibili ng kotse kapag...nagkita na kami ulit,"saad nito.

"Hindi mo naman madadala yun sa WOMANLAND.."

Napaawang ang mga labi nito. Ngumisi siya rito saka inabot ang balikat nito.

"Naniwala ka naman,"turan niya rito saka tinawanan niya ito.

"Seryoso? Nagawa ko na magpayaman dito. Kaya ko na siya buhayin at ang magiging mga anak namin!"

"Binabati kita dyan dahil napagtagumpayan mo yan,simula pa lang yan,"nakangisi niya sabi rito.

"Hindi naman na siguro ako pahihirapan ng mga Prinsipe, "umaasa sabi nito.

Nagkibit siya ng mga balikat. "Di tayo sure,"aniya sabay hagis ng kulay itim na helmet rito na agad naman nito nasalo.

"Nakamotor ako,"aniya sabay senyas sa motor niya na nasa harapan niya.

"Seryoso?"maang nito sabi.

"Bakit?"

"Pasasakayin mo ang isang CEO dyan?"

"Bakit? May CEO bang naglalakad lang at walang kotse?"

Napakamot ito sa ulo sa pagsagot niya rito.

"Hindi ka naman siguro kaskasero eh noh?"anito na kinangisi niya.

"Huwag ka mag-alala. Ayoko magpapayakap habang nakasakay ka sa motor ko baka ibalibag kita,"may babala niya sabi na kinangisi nito.

"Di tayo sure!"tugon nito saka suot ng binigay niya helmet.

Sa pinakamamahal lang niya siya magpapayakap habang sakay ng motor niya.

His beloved Sanya. Only her.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon