Chapter 40

414 32 1
                                    

Tahimik at payapa ang paligid. Banayad na tumatama ang ihip ng hangin sa balat ni Sanya. Ang hangin na tila humihele sa kanya. Alam niyang nag-aalala na sa kanya ang magulang niya pero gusto lang muna niya mapag-isa. Makapag-isip. Sa lugar na ito dito siya komportable. Dito siya nakakaramdam ng katahimikan. Nagpapakalma sa magulong isip niya. Iminulat niya ang mga mata ng maramdaman na may lumapit sa kanya. Ang mga uwak na nakapaligid sa kanya ngayon. Malawak ang mundo ng mga tao at bibihira lang na magpakita ang mga uwak sa magulong paligid at ganitong lugar lamang mo lang makikita ang mga ito. Hindi rin maganda sa mata ng mga tao ang mga uwak dahil para sa mga ito ay isang pangitain o kamalasan ang hatid nito.

Inilahad niya ang isang braso at agad naman may humapong isang uwak roon.

"Kamusta? Ngayon lamang kayo lumapit sakin?"kausap niya rito.

Umihip ang malakas na hangin at kasabay na yun na malanghap niya ang pamilyar na amoy na iyun. Lumipat ang atensyon niya sa isang bulto na nasa harapan niya ngayon. Nagsiliparan na ang mga uwak pati na ang nakahapo sa braso niya. Nanatili siya nakaupo sa paboritong pwesto nila sa tuwing tumatambay sila rito. Nakatingala siya rito samantalang seryosong-seryoso naman ang anyo nito na nakatunghay sa kanya.

"Dito ka nila dinala,tama?"untag niya rito.

Napakuyom ang mga palad nito. "Hindi ko iisipin na dito ka pupunta gayun...pinutol mo na ang ugnayan natin dalawa,"mariin nito sagot sa kanya.

"Wala naman nagmamay-ari ng lugar na ito,"agad na tugon rito.

"Nag-aalala na sila sayo,"tangi sabi nito.

Batid niya yun pero...ito ba nag-alala din sa kanya?

Nakipagtagisan siya rito ng titigan. Tiniyak niya na hindi nito mababasa ang nasa likod ng isip niya.

"Hindi mo naman na siguro responsibilidad pa na hanapin ako,"malamig niyang sabi.

Dumilim ang mga mata nito sa sinabi niya. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niyang iyun. Oo. Masyadong matalim sa pandinig yun.

"Ganyan ba lagi mo sasabihin sa akin?"mariin nitong tugon.

"Anong gusto mong sabihin ko?"

Naningkit ang mga mata nito sa kanya. Tila ba nauubusan na ito ng pasensya at iyun ang unang beses na makita niya ito sa ganung emosyon.

"Ganyan ka ba talaga mag-isip sakin?iniinsulto mo ako!"pagalit nitong bigkas.

Hindi siya nagpatinag sa nakikita na niyang galit na emosyon nito. Tumayo siya at tumindig sa harapan nito.

"Isang prinsesa ang nasa harapan mo. Tama ba yang inaasal mo?"malamig niyang tugon rito.

Napatiim-bagang ito at mas lalo umigting ang galit sa mukha nito.

"Nandirito ako para mapag-isa. Ginagambala mo ako,"wika niya.

"Bakit?"usal nito.

Hindi siya nagsalita.

"Bakit hindi mo ako kamuhian?"pagsasalita nito muli.

Nanatili siyang hindi umimik. "Sagutin mo! Bakit hindi mo ako kamuhian?!"sigaw nito sa kanya.

Mula sa himpapawid nagkagulo ang mga uwak na nabulabog sa lakas ng pagsigaw nito. Umihip ang napakalakas na hangin. Matalim ang mga mata sa kanya. Mariin na nakakuyom ang mga palad sa magkabila nitong gilid. Ang dibdib nito ay mabilis na tunataas-baba.

Nang pumayapa na muli ang paligid saka siya tumugon sa tanong nito. Galit ito. Hindi dahil sa kanya. Galit ito para sa sarili nito.

"Bakit hindi mo patawarin ang sarili mo?"usal niya.

Ang galit sa mukha nito ay unti-unti napalitan ng lungkot.

"Gusto mong kamuhian kita? Hindi..Hindi ko maramdaman yun dahil...mahal kita..mas iyun ang nangingibabaw kaysa sa gusto mong maramdaman ko,"saad niya. Gusto niyang maramdaman nito ang nararamdaman niya. Ang tunay na nararamdaman niya..na kailanman hindi nagbago.

"Bakit hindi na lang tayo maging masaya gaya ng dati? Bakit kailangan mong pahirapan pa ang sarili mo? Ano ba ang silbi ko sayo? Mahal naman kita ah! Bakit kailangan mo ako pahirapan?!"pagtaas na rin niya ng tono.

Gumuhit ang gulat sa mukha nito sa tuluyan na niyang pagsabog.

"Bakit ka ganyan?! Alam mo ba? Bago ako magpasya bumalik dito sinabi ko sa sarili ko na pahihirapan muna kita bago kita ulit tanggapin pero ang daya lang kasi bakit ako ang nahihirapan?! Bakit ako ang naiinis dahil ni hindi mo man lang iparamdam sakin na gusto mong bumalik ako sayo! Na mahal mo pa rin ako kahit hindi mo natupad yung bullshit na pangako mo na hindi mo ako hahayaan na masaktan!"

Napasinghap siya ng bigla na lamang siya nito ikulong sa mga bisig nito. Nagulat man siya pero hindi niyun nahadlangan ang pag-agos ng mga luha niya. Ang tahimik na pagluha niya ay unti-unti nagkaroon ng ingay. Pakiramdam niya ng mga oras na iyun ay tila bumalik siya sa pagkabata. Ganun na ganun siya sa tuwing hindi na niya kaya pa na maging matatag. Mahina siya sa tuwing may luha na lalabas sa mga mata na tanging ang kanyang ina lamang ang nakakakita.

Humigpit ang yakap nito sa kanya. Bumaon ang mukha nito sa balikat niya.

"P-pakiusap...tumahan ka na,"usal nito sa balikat niya.

Mas lalo lumakas ang pag-iyak niya.

"Patawad..patawarin mo ako,"basag ang boses nitong sabi.

Inilayo nito ang sarili sa kanya. Ang malabo niyang paningin dahil sa pagluha ay nakita niya ang pamumula ng mga mata nito. Kitang-kita ang sakit at lungkot sa mga mata nito.

"Patawarin mo ako..hindi ganito ang gusto ko maramdaman mo,"usal nito.

Unti-unti niya kinakalma ang sarili pero patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata niya.

Pinahid ng magkabila nitong hinlalaki ang luha sa magkabila niyang pisngi.

"Ang gago ko,di ba? Hindi ako karapat-dapat sayo dahil sinaktan kita,"saad nito.

"H-hindi mo ba ko mahal?"pahikbi niyang sabi.

Napuno ng emosyon ang mukha nito. Tila pinipigilan din nito na maluha.

"Ayaw mo na talaga sakin? Hindi mo na ba ko gusto?"patuloy niya kahit magtunog bata na ang inaakto niya.

"Sabihin mo,h-hindi mo na ba ko mahal?"may pagmamakaawa na sa tono niyang sabi.

Napapikit ito ng mariin. Inilapat nito ang noo sa noo niya.

Marahas ito nagmura.

"Hindi.."

Agad na nakaramdam siya ng sakit sa dibdib sa inusal nito pagkaraan.

Nang dumilat ito at nagtama ang mga mata nila doon niya nakita ang kabaliktaran sa sinabi nito.

"Mali ka..mahal kita..mahal na mahal kita. Naging duwag lang ako na harapin ka pa dahil hindi ko matanggap ang ginawa ko sayo,"emosyonal nitong sabi.

"Totoo yun. Mahal na mahal kita,"patuloy nito.

"Kung ganun..patunayan mo,"usal niya na kinatigilan nito.

Deretso niya ito tinitigan na hindi na lumuluha pa.

"Ibigay mo sa akin ang sarili mo,"saad niya.

Alam niyang hindi siya dapat ang magsabi niyun pero masyado itong pinangungunahan ng kaduwagan.

Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito. Pinangahasan niya na angkinin ang mga labi nito. Sa una ay nagulat ito pero tuluyan na itong bumigay sa kagustuhan niya na harapin nito ang kinatatakutan nito.

Siya.

Siya ang kinakatakutan nito.

Ang kahinaan nito.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon