Ipinilupot ni Azzam ang isang braso sa ibabaw ng dibdib ni Vena upang hapitin ito upang ipakita na bihag niya ang babae gaya ng kung paano bihag ni Ismail si Sanya. Takot at pangamba ang nararamdaman niya mula sa babae bihag niya.
Unti-unti umangat ang isang dulo ng mga labi ni Azzam ng makita ang naging reaksyon ni Ismail.
"Hindi mo siya gusto madamay dito,tama ba?"untag niya rito. Tumalim ang mga mata nito sa kanya at mas lalo hinapit nito si Sanya na nagdudulot sa kanya ng pangamba. Ang hawak na patalim ni Ismail ay ang patalim na kumitil sa buhay ng dating prinsesa.
Natigilan siya ng makita ang pagngisi nito.
"Wala ako pakielam kung gusto mo siya patayin,"saad nito na siya sandali nagpatigil sa kanya. Nanatili deretso ang titig niya rito. Nababahala siya na baka kapag lumingon siya ay bigla na lamang nito itarak ang patalim sa kasintahan.
Hindi niya maunawaan kung bakit pinigilan siya ng kasintahan na atakehin ito.
Wala siya mabasa sa emosyon ng kasintahan!
Napahigpit ang hapit niya sa babae bihag na nagpahigit ng hininga nito. Mahina na ito dulot na pagpapahirap niya rito.
Maniniwala na sana siya na wala ito pakielam sa bihag niya kung hindi lamang niya mabilis na nakita sa mga mata nito ang pangamba.
Muli umangat ang isang dulo ng mga labi niya.
"Pakawalan mo ang Prinsesa at pakakawalan ko din ang kaibigan mo,"panghahamon niya rito. Ngumisi ito.
"Hindi mo ako mauuto,matandang bampira!"sigaw nito sa kanya.
Gusto niya mainsulto sa pagtawag nito sa kanya ng matanda bampira kahit totoo pa yun pero ayaw niya marinig iyun!
Allergic siya kapag sinasabihan matanda!
"Huwag mo na hintayin na suwayin ko si Sanya sa gusto niya na wag ka saktan,bata,"panuya niyang sabi.
Lalo ito ngumisi. "Susuwayin mo ang girlfriend mo?"mapang-asar nito sabi saka nilingon nito ang kinaroroonan ng Prinsipe. Nanghihina man pilit ito tinuon ang atensyon sa kanila.
"Mahal kong Pinsan,alam mo ba na may relasyon ang anak mo sa matandang bampira na yan?"sumbong nito sa prinsipe.
Dumiin ang tingin sa kanya ng prinsipe pero matapang na sinalubong niya ang mga mata nito.
Ngayon pa ba siya makakaramdam ng pangamba sa gitna ng kaligtasan nila lahat.
Isang mapang-asar na tawa ang nagpabaling ng tingin niya kay Ismail. Ngising-ngisi ito sa kanya.
"Bagay naman kayo kaya lang masyado ka ng matanda para kay Sanya,"insulto nito sabi sa kanya.
Pinigilan niya ang sarili na kumawala ang galit sa pang-iinsulto nito sa kanya. Hindi niya gusto na pinagbabasehan ang pagmamahal sa kahit ano pa man kahit na sa kung gaano kalaki ang agwat ng edad ng dalawa nagmamahalan!
"Matanda nga siguro ako para sa kanya pero mahal namin ang isa't-isa na hindi kagaya mo na sariling laman at dugo hindi ka man lang minahal,"mariin niya sabi na siya nagpatahimik rito.
Sa sinabi iyun ay nasaksihan niya ang pagdidilim ng anyo nito. Iyun ang katotohanan na hindi nito matanggap-tanggap.
Naaawa siya rito dahil sa pagiging sakim at makasarili ni Prinsesa Roisa ng nabubuhay pa ito ay pinagkait nito ang pagmamahal sa sarili nitong anak.
"Hindi ipaparanas ko sayo kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay!"puno ng galit at poot nito sabi sabay angat ng braso nito na may hawak sa patalim na may lason at mabilis na umatake siya rito. Alerto naman si Sanya dahil gaya niya pumiglas ito pero mabilis ang naging kilos ni Ismail mabilis nito nasangga ang atake ni Sanya at pilit na inaamba ang patalim rito at sinabayan na niya ang pag-atake ni Sanya rito upang mahirapan ito sa kanila dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/206993707-288-k629352.jpg)
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampiroIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...