Chapter 39

296 25 1
                                    

Azzam hate to seeing her with that boy. Oo. Selos na selos siya. Pakiramdam na magiging halimaw siya dahil sa pakiramdam na yun na hinaluan pa ng galit na muntikan ng mapahamak ito sa kamay ng dalawang lalaking yun.

Hindi niya lang matanggap na dinipensahan pa nito ang lalaking yun!

Kayang protektahan?

My ass!

Malisik ang kanyang mga mata habang naghahanap ng mapupuntiryang bampira sa gabing iyun. Gusto niya ilabas ang kanina pa niyang pinipigilan na galit at inis sa nangyari.

Napaangil siya ng sa wakas ay maamoy siyang bampira na maghahasik na naman ng lagim.

Sinundan niya ito. Mula sa ituktok ng mga nagtataasan gusali kung saan siya tila lumalutang na tinatawid ang bawat gusali na madadaanan habang nakatutok ang atensyon niya sa bampira na sinusundan niya.

Tumuntong siya sa pinakadulo ng pader ng isang mataas na gusali ng tumigil ang sinusundan na bampira. Matalas na paningin ay nakita niya ang pagdating ng isang babae na mag-isa naglalakad sa isang madilim na parte ng kalsada. Naglalakad ito sa gilid at papalapit ito sa pinagkukublihan ng bampira na naghihintay sa bibiktimahin nito.

Pinakiramdaman niya ang bampira bago pa man ito umatake sa walang kamalay-malay na babae ay uunahan na niya ito pero bago pa siya umatake pababa rito. Isang babae ang humablot sa lalaking bampira at isinalya ito sa isang madilim na iskinita at doon nasukol nito ang bampira.

Pamilyar sa kanya ang galaw na yun. Hindi man niya mapamilyar sa amoy nito sigurado siya na kilala niya ito.

Lumundag siya pababa sa kinaroroonan ng mga ito at ng lumapat ang mga paa niya sa semento ay naging abo na ang bampira na sinusundan niya kanina.

Mas lalo lumakas ang amoy ng babae sa ilong niya. Nakatalikod ito at hindi siya magkakamali kung sino ang nasa harapan niya.

"Anong ginagawa mo rito?"saad niya sa malamig na tono.

Unti-unti ito pumihit paharap sa kanya.

Mabilis na nagreak ang buong sistema niya. Aminado naman siya na sobrang namimiss na niya ito.

"Bakit parang bawal?"sarcastic nitong sagot sa kanya sa patanong na tono.

Pinatili niya na malamig ang anyo.

"Hindi ba dapat kasama mo yung bago mong knight and shining armour mo?"sarcastic din niya tugon sa patanong din na tono.

Nangunot ang noo nito. Isa sa nakikita niya na hindi siya sanay. Mabilis na itong makitaan ng emosyon o...baka dahil sa kanya gaya ng dati na siya lamang ang pinagkakatiwalaan nito makita ang kahinaan nito.

"Hindi naman kailangan oras-oras na magkasama kami may sarili din ako buhay at ganun din siya,"malamig na nito sabi sabay talikod sa kanya.

Agad na nakaramdam siya ng panik na aalis na ito. Mabilis ang mga hakbang niya na sinundan niya ito hinaklit ang braso nito malakas na pagsinghap ang kumawala sa mapupula nito mga labi bago niya inangkin iyun.

Sobrang pinangulilaan niya na matikman muli ang malalambot nito mga labi. Sobrang nasasabik siya na maangkin muli ang mga labi nito.

Pinalibot niya ang mga braso sa malambot nitong katawan. Hindi ito nakakilos tila ba nabato-balani ito sa kapangahasan niya.

Mas diniinan niya ang paglalapat ng mga labi niya hanggan sa umawang ang mga labi nito at doon na niya mas lalo pinalalim ang halik.

Kissing in the dark with full of love and neglect at the same time make him want more..not just kiss but more than that.

Dahan-dahan pinagparte niya ang kanila mga labi. Kapwa namumungay ang kanila mga mata. Bago pa man matauhan ang dalaga sa kapangahasan niya ay inunahan na niya ito. Ikinulong niya sa pagitan ng mga palad niya ang napakaganda nitong mukha. Ang mala-anghel nito mukha na siya lamang hangad niya na makasama sa habambuhay.

"Patawarin mo ako,"usal niya.

Umawang muli ang mga labi ng dalaga.  Mababanaag ang pagkamangha sa kanyang sinabi.

"Alam ko naging duwag ako,"puno ng pagsisisi niya sabi.

Huminga siya ng malalim. Hindi umiimik ang dalaga marahil hindi nito inaasahan ang bigla pagbabago ng kanyang emosyon.

Unti-unti ay binitawan niya ang dalaga at umatras.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanya.

"Hindi nga siguro ako nararapat para sayo..hindi ko natupad ang pangako ko na protektahan ka...at nasaktan kita,"mapait na wika niya.

Naikuyom niya ang mga palad.

"Hindi ko gugustuhin muli na saktan ka muli. Pasensya na..guilty lang siguro ako ng sobra,"patuloy niya sa mapait na tono pa rin.

Tumango-tango siya. Masakit na makitang na tila tinatanggap na nito sa kung ano na ngayon ang meron sila ng dalaga.

Hindi niya ito maramdaman. Hindi niya magawa mabasa ang nasa isip nito dahil ang totoo natatakot siya.

"Patawad sa kapangahasan ko,mahal na prinsesa,"usal niya na sinundan niya ng pagyukod bilang pagbibigay respeto rito.

Mabigat sa kalooban. Hindi kumpleto ang pakiramdam niya.

Sa pagtalikod niya sa babaeng na siyang kalahati ng kanyang buhay ay mamanatili na lamang nakabaon at nalulumbay.

Natigilan ang Prinsipe sa ginagawa nito ng ilapag niya sa harapan nito ang isang itim na card.

Kunot ang noo nito na tumingala sa kanya.

"Ano yan?"

"Binabalik ko na,"agad niya sagot.

"Huwag mong sabihin pinanindigan mo talaga pagiging duwag mo?"pagalit nitong sabi.

Nagkibit siya ng balikat. "Duwag na kung duwag..pero alam ko sa sarili ko na hindi ko matutupad na protektahan ang prinsesa,"seryoso niya sabi.

Napahilot sa sentido ang prinsipe saka sumandal sa sandalan ng inuupuan nito.

"Dinagdagan mo talaga stress ko eh noh,"sikmat nito sa kanya.

"Kaya aalis na ko para wala ka ng iisipin pa tungkol sa amin ng prinsesa, "aniya.

Sumama ang tingin sa kanya ng prinsipe.

"Alam mo gusto kita murahin ng murahin kung hindi ko lang alam na mas matanda ka sakin,"angil nito sa kanya.

Tumayo ito at masama pa rin ang tingin sa kanya.

"Alam mo bang hindi pa umuuwi si Sanya?"anito na kinatigil niya.

Doon na siya natigilan.

Agad na nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga.

"Hindi ugali niyun ang pag-alalahanin kami ng ina niya,Azzam!"

"Hindi mo hinanap sa Reji yun?"

Tumalim lalo ang mga mata nito sa kanya.

"Wala siya alam. Maaga ako tinawagan ng Reji na yun para alamin kung nakauwi na si Sanya,"angil nito sa kanya.

Ang pag-aalala ay nahalinhan ng pangamba.

May nagawa na naman siya sa dalaga!

Hinding-hindi na niya talaga mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari hindi maganda rito.

"Ganyan ka na ba kawalan kwenta ex ng anak ko!"pagalit na turan ng prinsipe sa kanya.

Doon na siya natauhan.

Kawalan man ng respeto basta na lang niya tinalikuran ang prinsipe at nagnamadali na nilisan ang lugar na iyun.

Ano bang ginagawa ng dalaga sa kanya?!

Mas lalo lang nito pinaparamdam sa kanya na wala siyang kwenta at karapat-dapat rito!

Pero hahayaan na lang ba niya na ganun na lang palagi?

Kailan siya magigising sa katotohanan na kailangan niya ang dalaga. Ito ang kumokumpleto sa kanya!

Damn it!

Bakit ba ang duwag-duwag niya!

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon