Kalmante man na makikita sa anyo ni Azzam pero sa kabaliktaran niyun ang pagpuyos ng galit nito sa likod ng anyo nito.
Hindi makapaniwala si Azzam na aatakehin muli sila.
Mautak. Mahusay.
Alam nito kung kailan ito aatake.
Walang duda na anak nga ito ni Prinsesa Rosalia!
"Nangangamba na ang lahat. Wala tayo ideya kung kailan muli aatake ang kalaban,"untag sa kanya ng isa sa pinagkakatiwalaan nila.
Nilingon niya ito. Makikitaan ito ng pangamba. Ito ang naatasan na protektahan ang mga nagtatrabaho sa agency.
Kalmante na hinarap niya ito.
"Kailangan natin magdagdag ng marami,"usal niya.
"Pero..may ilan ng ayaw,batid nila ang lakas ng kalaban,"sagot nito.
Naging malamig ang titig na pinukol niya rito.
"Pasensya na..alam naman natin karamihan sa kanila ay gusto ng payapa at tahimik na pamumuhay. Nagtatrabaho lang sila para makatulong sa layunin ni Boss Aquilles.."saad nito.
Naikuyom niya ang mga palad. Hindi pa rin matukoy ni Sanya ang maaari karamdaman ng prinsipe. Hindi niya aakalain na maiisahan sila ng bampira iyun!
Palabas na siya ng building ng makasalubong niya si Ismail.
"Master!!"agad na pagbati nito sa kanya.
Tinanguan lang niya ito at nagpatuloy sa paglapit sa nakaparada niyang bigbike ilang hakbang lang ang layo mula sa bukana ng building. Sumunod naman sa kanya si Ismail.
"Okay lang ba magtanong?"untag nito sa kanya.
Sumulyap siya rito pagkakuha niya sa helmet na nakasabit lang sa may manobela.
"Uh,kasi ilan araw na hindi ko nakikita si Boss Aquilles eh..okay lang ba siya?"
"Okay lang siya,"agad na tugon niya rito saka sumampa na sa motor niya.
"Ah,ganun ba!"
"Malaki problema ang kinakaharap natin ngayon dahil sa duwag na umaatake sa atin kaya makipagtulungan ka sa iba,"seryoso niyang sabi rito.
Napakamot ito sa batok na matanto ang ibig niyang sabihin.
"Makikipagtulungan ako!"
Hindi na niya ito sinagot at sinuot na ang helmet niya saka na niya binuhay ang makina ng motor at pinausad na upang lisanin ang lugar na iyun.
Gusto niya bisitahin ang kasintahan na alam niyang hindi na lumalabas sa labatoryo nito kung saan naroroon ang prinsipe.
Pilit na pinapagaan ni Anastacia ang kalooban nito kahit halata sa anyo nito ang labis na pag-aalala at takot.
"Gustuhin ko man silipin si Aquilles pero hindi ko mapipigilan na hindi maging emosyunal..ayokong makita ni Sanya ang kahinaan kong iyun,"matatag na saad nito na sinamahan siya na makarating sa labatoryo ni Sanya.
"Nauunawaan ko,malalagpasan din ng prisipe kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon..Alam kong hinding-hindi siya pababayaan ni Sanya---ng Mahal na Prinsesa, "tugon niya na sa huli ay tinama niya ang pagkakatawag sa kasintahan.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Anastacia.
"May..namamagitan sa inyo,tama ba ko?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. Hindi niya inaasahan ang katanungan iyun.
"Babae ako at isang ina ..alam ko sa kinilos niyo kahapon..alam kong may namamagitan sa inyo,"patuloy nito.
Nag-iwas siya ng tingin rito.
"Pasensya na.."
Isang mahina tawa ang nagpaangat sa kanya ng tingin rito.
"Alam ko...bata pa lang si Sanya. Alam ko na ikaw yun,"saad nito na ngayon ay may ngiti na nagsasabi na matagal na nito iyun alam.
Hindi na siya nakaimik dahil gulat pa siya na alam na nito noon pa man.
"Isa lang gusto ko ipangako mo,Azzam.."seryoso na nitong turan.
"Hindi mo pababayaan si Sanya..kahit buhay mo pa ang kapalit,"puno ng kaseryosohan nitong habilin sa kanya.
"Gagawin ko yan..kahit hindi mo sabihin,"seryoso niyang tugon rito.
Matamis na ngiti ang tinugon nito sa kanya.
Magaan sa pakiramdam niya na alam ng ina ng kasintahan ang pagtangi nila sa isa't-isa ng huli. Alam din kaya ng prinsipe?
Sana tinanong pala niya.
Napukaw siya ng madatnan ang kasintahan na abala sa harapan ng microscope nito.
Hindi niya ito magagambala at alam niya batid nito na naroroon siya kaya minabuti na lamang niya na maghintay hanggan sa matapos ito.
Tinungo niya ang kinaroroonan ng prinsipe at nadatnan niya ito tahimik lamang na nakatanaw sa malapad na salamin na bintana.
Nakaquarantine ito. Minabuti iyun gawin upang matiyak ang kalagayan ng kalusugan nito hanggat hindi pa nababatid ni Sanya kung ano ang nangyayari sa prinsipe.
Nilingon siya nito. Nanatili siya seryoso nakatanaw sa labas ng silid nito na gawa sa salamin. Lumapit ito at may kung ano pinindot sa gilid.
"May ibabalita ka ba? Kamusta ang mga kasamahan natin?"pagtatanong nito at nanggaling ang boses nito sa maliit na speaker.
"Ikaw? Kamusta? Hindi ka ba naiinip?"hindi niya pagsagot sa tanong nito.
Nagkibit ito ng balikat. Mariin niya pinagmasdan ang anyo ng prinsipe.
Namamayat ito. Mas lalo pa namumutla kaysa sa normal na kulay nila.
Naikuyom niya ang mga palad.
"Naiinip...at gusto ko na bumalik sa opisina pero wala naman ako magawa para makalabas dito,"sagot nito.
Nginisihan niya ito.
"Dapat lang makinig ka sa doktor mo,"pang-aasar niya rito.
Napailing ang prinsipe at saka sumeryoso.
"Hindi siya nakikinig sa akin. Gusto ko lang naman magpahinga siya pero ayaw niya ko pakinggan,"saad ng prinsipe. Bumuntong-hininga ito saka muli nagpatuloy sa pagsasalita.
"Baka makinig siya sayo,"sabi nito sa kanya.
"Sa tingin mo makikinig siya sakin? Baka nakakalimutan niyo,Mahal na Prinsipe,isang prinsesa ang anak niyo,"tugon niya rito.
Mariin na tinitigan siya ng prinsipe.
Ang mga mata na namana ng kasintahan.
"Daan-daan taon ang agwat mo sa kanya kaya sigurado makikinig siya sayo,malaki ang respeto niya sa nakakatanda sa kanya,"saad ng prinsipe na siya nagpatahimik sa kanya.
Nakakatanda?
Gusto niya matawa. Pakiramdam niya hindi siya nababagay sa anak nito dahil daan-daan taon nga naman ang agwat ng edad niya sa kasintahan.
"Kung tutuusin para ka na niya Lolo ,"dagdag pa nito na siya hindi na niya napigilan pang matawa.
"Parang nakakaasar naman yun,Mahal na Prinsipe, "hindi na napigilan niyang sabi rito.
Dumiin ang mga maiitim nitong mga mata sa kanya.
"Dapat bang maasar ka sa sinabi ko?"may panghahamon nitong tanong sa kanya.
Agad na dinaan niya sa pagtawa ang tanong nito. Nagkibit siya ng balikat.
"Wala naman..totoo naman ang sinabi niyo,Mahal na prinsipe..di lang ako sanay,"matapat niyang sabi kahit may kaunting inis siya naramdaman.
Hindi na umimik pa ang prinsipe.
Kung tanggap siya ni Anastacia para sa anak nito...sa palagay niya mahihirapan siya sa Prinsipe.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampireIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...