Tahimik lamang nakikinig si Sanya sa pag-uusap ng kanya ama at ina.
"Matapos ang plano bigla na lang huminto ang pagpatay sa mga kasamahan natin,"malalim ang iniisip na sabi ng ama.
Bumuntong-hininga ang kanyang ina. Nasa itsura ng mga ito ang pagkadismaya at pagnanais na matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa mga kauri nila na nagtatrabaho sa kanyang ama.
"Hindi ko rin maunawaan,"anang ng kanyang ina.
"Ama ,ina.."pukaw niya sa kanyang magulang na agad naman tinuon sa kanya ang atensyon ng mga ito.
"Ano yun,mahal namin prinsesa?"malambing na tugon ng kanyang ina.
Tumayo siya sa harapan ng mga ito. Kanina pa niya pinakikinggan ang pag-uusap ng kanyang ama at ina tungkol sa bagay na iyun.
"Kanina pa po ako nakikinig sa pag-uusap niyo,"simula niya.
Nginitian siya ng kanyang ina at inabot nito ang kamay niya.
"Pasensya na,anak.."
"Hindi niyo po ba naisip kung may ispiya sa paligid niyo?"
Natigilan ang kanyang ama at ina saka nagkatinginan.
Salubong ang kilay ng ama na bumaling ito sa kanya.
"Ang sabi niyo nga nakabuo na kayo ng plano pero bigla na lang huminto sa pagpatay..hindi po ba kaya may nakakaalam sa plano niyo?"
Mas lalo nagsalubong ang kilay ng kanyang ama.
"Ako,ang iyong ina at si Azzam lamang ang nakakaalam sa plano iyun kahit ang iba ay walang ideya tungkol doon,"anang ng ama.
"Sa palagay ko may punto ang ating anak,Aquilles.."mayamaya sabi ng kanyang ina.
"Pero sino naman?"
"Aalamin natin kahit...hindi ganun kadali yun,"anang ng ina.
Bumaling muli sa kanya ang ama.
"May palagay ako na...may ginagawa ka,anak?"mayamaya sabi ng ama.
Naglaban ang mga mata nila ng ama.
"Anak..?"pukaw ng kanyang ina.
Hindi niya sinagot ang ama. Bago pa man muli makapagsalita ang ama agad na sumabad ang kanyang ina.
"Ang mabuti magpahinga na tayo. Aquilles,sige na.."turan nito sa ama niya na mariin pa rin nakatitig sa kanya.
"Alam mong ayaw kong mapahamak ka,Sanya.."huling salita na sinabi ng ama bago ito tumalikod sa kanila ng kanyang ina.
Masuyong hinaplos ng ina ang ibabaw ng ulo niya.
"Frustrated lang ang iyong ama.."
"Nauunawaan ko siya,ina.."
Masuyong ngiti ang tinugon ng ina saka siya niyakap.
"Ingatan mo lang ang sarili mo. Alam mong ang iyong ama ang unang masasaktan para sayo at gayun din ako,mahal na mahal ka namin,"puno ng pagmamahal na bulong ng kanyang ina.
"Salamat,ina.."
"Ako na bahala basta mangako ka na hindi mo hahayaan na mapahamak ka,"mariin na habilin ng ina.
"Opo,ina.."agad na pagtugon niya.
Agad na sinalubong siya ng kasintahan ng makarating siya sa tagpuan nila.
Mahigpit na yakap ang ginawad nito sa kanya.
"I miss you,"saad nito.
"Nagkikita naman tayo,"turan niya na kinatawa nito.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampiriIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...